Entry #11

72 4 2
                                    

_____

April 28, 2012

Eksaktong 2 weeks na ngayon simula nung nagsimula manligaw si Neji. Sa loob ng dalawang linggo na panliligaw nya sa'kin, marami akong nalaman tungkol sa kanya - sa kanilang dalawa ni Neema.

Magkababata pala silang dalawa. Medyo na-insecure ako, pero pinilit ko na lang alisin yung feeling na yun. Ba't nga naman ako maiinsecure, eh past na sya, ako yung present, diba? Lol. Sabi ni Neji, minahal naman daw talaga nya si Neema. Hindi lang talaga nya expected na magagawa sya nitong lokohin. Sabi ko nga, sana hinayaan nya muna itong mag-explain, kasi baka mamaya na-misunderstood lang nya yung mga pictures na nakita nya. Napaka-masokista ko, nuh? Haha... Pero ayun, sabi naman nya, hindi nya rin daw alam kung bakit hindi nya hinayaang mag-explain si Neema. Basta, nag-decide na lang daw agad sya na magbakasyon dito. Okay lang naman daw kasi kung hindi, hindi nya ako makikilala. Ako n'ang mahaba ang hair. Haha.

Anyway, so far so good naman. Actually, balak ko na nga syang sagutin bukas eh. Ba't ko nga naman patatagalin pa, eh alam ko naman na sa sarili kong mahal ko na sya. Weird nuh? Mag-iisang buwan pa lang simula nung magkakilala kaming dalawa, pero mahal ko na sya. Siguro, ganun talaga pag love. Walang pinipiling oras. Wala rin yun sa tagal ng pinagsamahan o kung gaano na kayo katagal magkakilala. Basta-basta mo na lang sya mararamdaman.

Pero minsan napapaisip din ako. Pa'no pag dumating na yung time na kelangan na nyang bumalik sa Maynila? Kakayanin ko kaya? Baka mamaya napag-tripan lang pala nya akong ligawan kasi nabobore sya dito, tapos idagdag mo pang kamukha (daw) ako ni Neema. Yun ang sabi nung friends nya sa Maynila, diba? Haix. Bahala na nga. Hindi naman siguro sya ganun. Sana hindi ako magkamali sa magiging desisyon ko. (: (Ano ba yan? Naaadapt ko na ang smiley ni Neji. Lol.)

_____

One Summer DiaryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ