Entry #17

47 4 1
                                    

 _____

May 22, 2012

Kaninang umaga, may tawag nang tawag sa cellphone ko. Unregistered yung number. At dahil sa hindi ko ugaling sumagot ng tawag galing sa isang unknown caller, paulit-ulit ko lang ding kinakansel yung tawag nito, hanggang sa nairita na ako. In-off ko yung phone ko para hindi na sya makatawag uli. Gabi na nung in-on ko uli yung phone. Ang kaso sakto pagbukas ko ng phone, nag-ring uli ito at muli ring nag-register dito yung number nung unknown caller. Alam kong yung unknown caller uli yun kasi madaling masaulo yung last four digit nito. Apat na 0. Sino ba namang hindi makakasaulo nun, diba?

Baliw ba 'to? Mukhang walang ibang ginawa kundi idial lang ng idial ang number ko. Imposible namang sakto pagbukas ko ng phone saka lang din sya uli tumawag, diba?

At dahil nga sa nakulitan na ako, napilitan akong sagutin na ito.

"Hello?! Sino ba 'to?" Galit kong tanong pagka-press ko ng answer button ng phone ko.

Nagulat ako nung may marinig akong taong umiiyak sa kabilang linya.

"Hey... Sino ba talaga 'to? Kilala ba kita?" medyo malumanay ko ng tanong.

Lumipas na ang sampung segundo pero wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Puro pag-iyak lang ng isang tao ang naririnig ko. Nagsimula na akong matakot. Akala ko kasi multo. Pero syempre, nagtapang-tapangan pa rin ako.

"Hoy! Kung sino ka mang poncio pilato ka, wala akong panahon makipaglokohan sa'yo!" Galit kong sabi ulit, pagkatapos ay ibababa ko na rin sana yung phone kaso sakto, nung ibababa ko na, biglang may nagsalitang babae sa kabilang linya.

"Heaven..." anas ng nasa kabilang linya.

"Sino 'to?"

"Neema..." nagulat ako sa sinabi nya.

"Neema? As in Neema De Castro?" paninigurado ko.

Walang sumagot sa kabilang linya so in-assume ko na sya nga yun. Sabagay, wala rin naman akong ibang kilalang Neema bukod sa kanya. Pero pa'no nya nakuha ang number ko? Oh well, baka binigay ni Neji. Pero bakit nya ako tinawagan at bakit sya umiiyak? Nag-away ba sila dahil sa'kin? Hindi naman siguro... Well at least, that was what I thought.

I heard her sniff before speaking again.

Nagulat ako sa mga sinabi nya. She just simply asked me to get back to Neji. She said he loves me and that she had set him free already. Nakabalik na raw sya ngayon sa Maynila. Sabi nya, sinundan nya daw dito si Neji sa Davao, hoping na maaayos pa nila yung relationship nila. Hindi naman daw kasi totoong niloko nya ito. Mali raw yung pagkakaintindi ni Neji dun sa mga pictures na nakita nya. Hindi nya raw alam kung sinong nagpadala nun kay Neji at kung anong motive nito, pero yung pictures na yun, yun daw yung time na kinausap nya yung ex-boyfriend nya na tigilan na sya dahil ang totoo nyan eh, kahit noon pa, si Neji naman na daw talaga ang mahal nya. Kahit daw kasi matagal na silang break ay sige pa rin ito sa pangungulit sa kanya.

So ayun nga. Kaso nung pagpunta nya raw dito, na-realize nya na nagbago na talaga si Neji. Na hindi na talaga sya nito mahal. Kahit na raw kasi araw-araw nya itong kasama, ay parang malayo na ang loob nito sa kanya. Lagi raw nitong hawak ang cellphone, thinking na anytime ay magte-text ako. Pabalik na nga raw sana sya ng Maynila, ang kaso, bago pa man sya makaalis ay kinausap daw sya ni Neji at sinabing gusto raw nitong makipagbalikan. Sobrang saya nya raw nung time na 'yun. She thought mahal na uli sya nito, but she was wrong.

Nung isang araw daw, nakigamit sya ng phone kay Neji at hindi sinasadyang nabasa nya yung isang text ng Ate nya dito. Sinabi daw ng Ate nya sa text na may possibility na magpakamatay sya kung hindi sya nito babalikan. Nasaktan daw sya nung nabasa nya yun dahil all these time, awa na lang pala ang nararamdaman ni Neji sa kanya. Inaway pa nga raw nya yung Ate nya nung nabasa nya yun, kaso ganun pa rin naman. Hindi nya na raw mababago yung katotohanan na hindi na sya ang mahal ni Neji, kaya nag-decide syang i-let go na lang ito.

Ang tagal nga bago ako naka-recover sa mga sinabi nya eh. Halos 30 seconds na ang lumipas mula ng maghang-up si Neema, pero saka ko pa lang inalis sa may tenga yung cellphone ko.

Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon pero isa lang ang sigurado ko. Kelangan kong makausap si Neji bukas.

_____

One Summer DiaryWhere stories live. Discover now