Entry #10

101 5 2
                                    

_____

April 14, 2012

When I woke up this morning, isang bagay lang ang naisip ko, at yun ay ang kalimutan na ang nararamdaman ko para kay Neji, kaso kung mamalas-malasin ka nga naman talaga, pumunta rin dito kanina si bestfriend Noah at kasama pa nya yung unggoy nyang pinsan slash crush ko. Hayz...

Pero alam nyo? I'm proud of myself! Why? Kasi kanina nung nanonood kami ng movie sa sala, si Noah lang talaga ang kinakausap ko. Everytime na nag-oopen ng conversation si Neji, di ko sya pinapansin. Hanggang sa yun, umalis na lang sya. Alam nyo kung sa'n sya pumunta? Sa park! Kasama ang kapatid kong si Sky. Pati tuloy kapatid ko nadamay. Haha... Pero okay lang. Pabor naman yun kay Sky eh. One time kasi nabanggit nya sa'kin na crush nya daw si Kuya Neji nya. O diba, 4 years old pa lang lumalandi na. Nakanangteteng talaga, oo.

Nung pagdating nina Neji at Sky mula sa pamamasyal, siguro mga 6pm na rin yun, uuwi na rin sana sila ni Noah, kaso eto namang minamahal kong mga magulang, aba't akalain mong niyaya pa yung dalawa kumain dito sa bahay? Haix... Ayun, awkward tuloy.

Kanina pagkauwi nung dalawa sa bahay nina Noah, naka-receive ako ng tawag galing kay Neji. Ayaw ko sanang sagutin, kaso masyado talagang makulit kaya sinagot ko na.

"Hello," naiirita kong sagot sa telepono.

"Uh, h-hi..." Mukhang nauutal-utal pa nyang sabi.

"Alam mo, kung wala ka namang importanteng sasabihin --- " Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil pinutol nya bigla yung pagsasalita ko.

"Galit ka ba sa'kin?"

"Galit? Ba't naman ako magagalit sa'yo? May dahilan ba para magalit ako?"

"Uhm, I don't know. Kanina kasi sa bahay ninyo, hindi mo ako pinapansin eh. Tapos ngayon, parang ayaw mo akong kausap..." Base sa tono ng boses nya, hindi ko alam pero mukhang malungkot sya.

"Alam mo, itulog mo na lang 'yan. Sige na, bye..." Ibababa ko na sana yung phone kaso nagsalita uli sya.

"Hey look... Y-yung sinabi ko nung nasa Isla Reta tayo na gusto kita... That's true. Ven, I really like you... Hindi ko alam kung nahahalata mo, pero gusto talaga kita."

Bwisit! Nakakainis na lalaking yun. Kinikilig na naman tuloy ako. (#_#)

"Pwede ba akong pumunta dyan?" Tanong nya nung hindi na ako umimik sa linya.

"H-ha? Ke-kelan?" Nauutal-utal ko pang tanong.

"Ngayon."

"Wag na. Gabi na... 9pm na o. Pwede naman sigurong ipagpabukas na lang yan..."

"Please???"

"Hay naku, bahala ka nga." Yun na lang ang nasabi ko. Hindi ko naman ineexpect na pupunta talaga sya eh, kasi nga gabi na. Hindi rin naman sya papayagan ng parents ni Noah.

"O sige, andito na ako sa labas ng bahay ninyo." Sa sinabi nyang yun, awtomatikong napatingin naman ako sa labas ng bintana ng kwarto.

Hindi sya nagbibiro. Andun nga sya at kumakaway-kaway pa sa'kin habang nakasandal sa motor na gamit nya.

Pagbaba ko, nadaanan ko pa sa sala sina Mama at Papa, nanonood ng drama sa ABS-CBN. Tinanong ako kung saan daw ako pupunta. Sabi ko sa labas lang kasi nasa labas si Neji. Aba't akalain mong imbes na pagbawalan ako eh halos ipagtulakan pa ako papalabas? Matatanda talaga o. Eh parang mas kinikilig pa sila kesa sa'kin eh. Lol. ^^

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko agad sa kanya.

"Wala. Gusto lang kitang makakwentuhan." Pagkasabi nya nun, bigla namang sumigaw si Mama mula sa loob ng bahay. Sabi nya sa terrace na lang daw kami dahil malamok sa labas, so no choice na rin ako kundi papasukin si Neji.

Ilang minuto muna kaming tahimik bago sya nagsalita.

"Ven, okay lang ba kung manliligaw ako sa'yo?" Hindi ko ineexpect yung tanong na yun kaya inabot pa ng sampung segundo bago ako nakasagot.

"Eh diba may girlfriend ka?" I asked him.

Nangunot naman bigla yung noo nya sa tanong ko.

"Kaya mo ba ako hindi pinapansin kanina ay dahil dun sa mga comments sa pictures natin sa facebook?"

Hindi ako sumagot sa halip ay umiwas na lang ng tingin sa kanya.

"Hey look," hinawakan nya ako sa baba sabay pinaharap uli ang mukha ko sa mukha nya. "If you're thinking who Neema is, she's my ex-girlfriend."

Bigla namang nagningning yung mata ko sa sinabi nyang yun. *_*

Ayun... Nalaman ko na nag-break pala sila nung Neema bago sya pumunta dito sa Davao. Nalaman daw kasi nya na nakikipagkita pa ito sa ex-boyfriend nito. May anonymous person daw na nagpadala sa kanya ng mga picture ni Neema kasama yung lalaki. So that explains everything.

Anyway, pumayag na rin naman akong manligaw sya sa'kin. Magpapakipot pa ba ako eh gusto ko rin naman talaga sya. Lol. ^^

_____

One Summer DiaryWhere stories live. Discover now