Chapter 19: I trust you

601K 17.4K 4.8K
                                    



Angel's point of view

Medyo awkward manuod ng game nila Caleb. Maliban kasi sa mag isa lang ako dito sa harapan, katabi ko pa sila Anya. Kanina pa niya ako pinapatay sa mga tingin niya buti na nga lang may dalawang tao sa pagitan namin.

Why is she so mad about me?

Kung hindi lang to pinareserve ni Caleb para sakin, hindi ako uupo dito. Hindi naman ako pinilit ni Caleb pumunta dito pero gusto ko siyang i cheer. Mag iisang buwan na kaming nag da-date at sa bawat araw mas lalo ko siyang nagugustuhan. Hindi niya ako minamadali which is a sweet thing. Siya kasi 'yong tipo na kapag may gusto siya kailangan makuha niya agad pero pagdating sakin, malawak 'yong pasensya niya. I'm still on his condo. Next week na darating sila Mom at Dad dito.

"Ang gwapo ni Caleb noh? Sayang I only get a chance to have sex with him once." Nanlaki 'yong mata ko sa sinabi nang friend ni Anya. I don't know her name. "Maybe I could ask him again? What do you think, Anya?" Pinipigilan ko 'yong sarili ko na wag lumingon. Ayokong isipin nila na nakikinig ako sa usapan nila.

"Ask him, I'm sure he'll say yes." Kahit hindi ko siya nakikita, I know she's smiling from ear to ear. Inaasara niya ba ako? "Alam mo naman si Caleb, hindi 'yon marunong mag seryoso. One day ikaw ang ka-date niya, the next day iba na." Alam ko naman na ganon si Caleb.. dati. Alam kong nagbago na siya pero bakit pa din ako naiinis?

"Yeah, you're right. Kaya nga I don't take him seriously, you know hook ups lang talaga. Ewan ko ba sa iba dyan, masyadong ambisyosa. Feel na feel na seryoso sakanya si Caleb well in fact he's just playing with her."

Nagtawanan silang magkakaibigan.

That moment I knew, it was me they're talking about. Alam naman nila na nag da-date kami ni Caleb, alam yon sa buong campus. They want to get into my nerves. Kinalma ko na lang 'yong sarili ko, ayoko silang patulan. Ayokong magkalat sa game ni Caleb. At isa pa, ayokong ibigay sakanila 'yong satisfaction na gusto nila. They want me affected by their words. Well, I'm somewhat affected but I don't want them to see it.

"Angel!" Napalingon ako sa likod to see Ailee. Tumakbo siya papunta sa pwesto ko at walang kung ano ano, umupo siya sa tabi ko. Tinignan siya ng masama nang isa sa mga friend ni Anya pero umiwas din agad siya ng tingin. For sure, sinamaan din siya ng tingin ni Ailee at so far masasabi ko na isa siya sa may mga nakakatakot na tingin sa lahat mga nakita ko. "Dapat hindi ka dito umupo, puro mga basura 'yong nakaupo dito." Ang lakas ng boses niya. Lumingon sila Anya sa direksyon namin pero ngumiti lang si Ailee sakanila. I really admire her for being so fearless.

"Nakakahiya kay Caleb, pinareserve niya talaga 'tong seat para sakin." Sagot ko.

"Seryoso? Wala pa siyang pinapareserve ever na upuan dito para sa isang babae. Ikaw na talaga!" Ngumiti siya at tumigin sa field. "Oh my gosh! Si George Sy ba 'yon? Ang gwapo niya!"

Nag fangirl na si Ailee at ako naman nakatingin lang kay Caleb. Palagi siyang lumilingon sa side ko. Nang magtama 'yong mata namin, ngumiti siya sakin at ngumiti din ako sakanya pero nawala din agad 'yon ng nagtitili na naman 'yong friend ni Anya na may gusto kay Caleb. "Oh my gosh! Nakita niyo 'yon girls? Tumingin si Caleb sakin tapos ngumiti siya!"

Excuse me, sakin siya ngumiti.

"For sure he'll gonna ask you out, Briana. Looks like he's into you again." Sambit nung isa. "Oh my gosh. Just make sure you have condom mamaya."

Hindi ko na kaya. Tinignan ko sila and they are all looking at me. Gusto talaga nila akong asarin. Pathetic.

Tumawa bigla si Ailee. "Hoy bitches, ang lakas niyo mag ilusyon. Malinaw naman na kay Angel ngumiti si Caleb."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now