Chapter 6 - Difference

Zacznij od początku
                                    

"Hindi! Mas gusto 6th Edition kasi bago. Yung 5th ragrag na! Nakakadiri kaya! At ito pa ah, sabi ko kailangan ko ng mga bagong notebooks. Sinabi ba naman sa akin na magrecycle na lang at kunin yung old pages ng mga notebooks ko na hindi ko naman nagamit para pagsama-samahin? Pinapahirapan talaga nila ako eh. Mas maganda kaya kung lahat bago!"

"Sabagay. Anong gagawin mo nyan sa mga luma mong school supplies? Irerecycle mo naman ba?"

"Recycle? No way! Itatapon ko na lang ano. Kaya naman nila akong bilhan ng bago. Ako na nga lang ang nag-iisa nilang anak tinitipad pa nila ako. Bwisit."

Napailing na lamang ako sa narinig ko.

Marami pa akong ibang dinaanan para maghanap ng lead. Lahat ng impormasyon na nakakalap ko ay agad ko itong isinusulat sa hawak kong maliit na kwaderno. Wala dapat akong mapalagpas.

Nasa loob na ako ng kotse ko noong tumawag si Shane. Isinuot ko ang headset sa tenga ko dahil nasa kasagsagan ako ng pagmamaneho.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Jace nasaan ka na? Nakalimutan mo na ba? Ngayon ang dating nya!"

"Dating nino--?" Bahagya akong napamasahe sa sentido ko dahil bigla kong naalala. "Oo. Papunta na ako dyan." Binagalan ko ng konti ang pagmamaneho sabay liko.

Dumiretso ako sa NAIA.

***

Tahimik kong pinagmamasdan ang suot kong relo habang pinagmamasdan ang tahimik na pag-ikot ng oras dito.

"Sigurado ba kayong alas-onse sya ng umaga darating?" tanong ko sa mga kasama ko.

"Oo! Yun ang itinext nya sa akin kahapon. Tingnan mo itong itinerary na sinend nya sa akin." ipinakita sa akin ni Nathan ang hawak na papel. Ipinikit ko na lamang ang mga mata at tahimik itong tinampal palayo sa akin. Pasado alas-onse na ng umaga at kanina pa kami naghihintay dito sa labas ng airport. Sumasakit lang ang ulo ko dahil wala pa ako halos tulog sa lahat ng pagplaplano sa misyon na ginagawa ko.

Pasimpleng sumilip si Nathan sa loob ng kotse ko. "Bakit ang dami mo yatang dyaryo sa loob? Naghihirap na ba tayo kaya naisipan mo nang magbenta?"

Ipinukpok ko sa kanya ang hawak nyang itinerary. "Wag kang makialam." inis kong tugon.

"Nagbibiro lang!" tawa nya. "Ito naman hindi na mabiro."

"Nadelay lang ang flight no'n sigurado. Konting minuto pa Jace." sabi ni Shane sa akin.

"Hindi ba pupunta rito si Niel?"

"Susunod daw," sumandal sa tabi ko si Nathan sa kotse na pinagsasandalan ko. "Bakit ka ba nagmamadali? May pupuntahan ka ba?"

"Alam nyong marami pa akong aayusin at ang paghihintay ko rito ay walang naitutulong para magawa ko na ang mga dapat kong gawin."

"Huwag mong sabihing hindi ka na naman natutulog? Jace naman, hinay-hinay lang. Alam kong sabik ka nang mahanap sya pero hindi naman ganyan. Isa pa, nangako ka na pupunta ka rito. Kapag umalis ka siguradong magtatampo 'yon sa'yo kapag hindi ka nya nakita."

May isang kotse ang dumating kaya sabay-sabay kaming napatingin dito at saka hinintay kung sino ang lulan nito. Ipinarke nito ang kotse sa tabi namin.

"Niel! Akala namin hindi ka na darating eh." masayang bati ni Shane kay Niel na ngumiti sa amin noong makita kami. Lumapit sya sa amin at saka kami binati.

"Pwede ba naman 'yon? Hindi, syempre!"

Isa-isa nang nagsisilabasan ang mga tao mula sa loob ng airport kaya nalipat ang tingin namin doon. Lumapit kami upang makita ang hinahanap.

Listen To My LullabyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz