Chapter 5 *edited*

3.2K 115 0
                                    

[Ayane's pov]

"Ehhhh?!?" gulat na sambit ng lahat

Tatagtagin ko sana ang kamay kamay niya ng binigatan ni Ate Zy ang kamay niya na nakaakbay sa akin na tila alam niya ang gagawin ko iyon. Tss.

"It's settled" sabi ni Ate Zy "let's go" dagdag niya sabay hila sa akin pero

Binigatan ko ang mga paa ko para hindi niya ako tuluyang mandala. Tinignan ko siya habang umiiling bilang aking pagtutol.

Sinamaan niya rin ako ng tingin na may pagbabanta. Tila ba sinasabi niya 'sasama ka o sasabihin kong magkapatid tayo'.

Nanlaki ang mga mata habang hindi makapaniwala sa kanyang pagbabanta. Sa huli ay tuluyan akong nagpatangay sa kanya.

"don't worry wala ako sasabihin kay Kuya" bulong niya sabay silip sa pwesto nina Kentou saka ako kinindatam

Arrgh! Blackmail!

Pumagitna kami ni Ate Zy habang nasa gilid ang mga kaklase ko para manuod. Nagulat ako nang tumugtog ang sinasayaw namin dati ni Ate Zy na si Kuya Ryo mismo ang ginawa ng dance step.

Mukhang planado niya ito. Tss.

Nagsimula na siyang sumayaw na ikinagiliw ng mga nanunuod. Bumaling sa akin si Ate Zy at isang umaasang tingin ang binibigay niya sa akin.

"The Robins dance!" tili ng mga nakapaligid sa amin habang naglalabas ng kanilang phone para video-han ang pagsayaw ni Ate Zy

"come on!" kindat ni Ate Zy sa akin habang kita sa kanyang mga mukha ang kagustuhan na makasabay muli ako na sumayaw

Nang dumating ang scene na si Kuya Ryo ang dapat sasabay kay Ate Zy ay biglanh bumukas ang pinto. Napuno ang tilian ang paligid nang makita si Kuya Ryo na about tenga ang ngiti sa kanyang labi.

"Sali ako diyan!" parang bata niyang sabi saka tumabi kay Ate Zy saka sumabay sa pagsayaw

Ngayon ay pinaggigitnaan nila akong dalawa habang patuloy sa kanilang pagsayaw. Nandito ako pero hindi ko alam kung sasabayan ko.

Kinagat ko ang kuko ko habang pinanunuod sila.

"well ang sabi nila di ba hindi kumpleto yung The Robins dance" bulong ng isa sa mga kaklase ko

"ano kaya ang kulang diyan? Parang perfect na eh" komento pa ng isa

Lumingon sa akin si Kuya Ryo. Tulad ng kagustuhan ni Ate Zy ay umaasa siyang sasabayan ko sila.

"mga pasikat na naman" malakas na komento ni Kentou na ikinatigil ni Kuya Ryo sa kanyang pagsayaw

Akmang malapit si Kuya Ryo kay Kentou ng pigilan siya ni Ate Zy. Napailing ako saka pasimpleng umalis sa dance studio.

Patawad... hindi ko pa kaya na gawin ang nais nila.

***

"boo!" napalundag ako sa gulat  saka agad napahawak sa aking dibdib

Inis na nilingon ko ang gumulat sa akin. Bumungad ang tatlong lalaki na bumubuo sa bandang Keegan. Malaman si Kyo ang gumulat sa akin mula sa tatlo.

Napakunot ang noo ko nang mapansin na may pasa sa mukha si Kentou "hindi mo nakita naging boxing ang dance class" balita ni Kyo sa akin "nagsapakan iyang sina Kentou at Ryo" dagdag na bulong niya

Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman "buti na-handle yung situation para hindi lumabas sa balita" sabi ni Naru saka nagkibit balikat "kundi magiging headline na naman ito kung nagkataon"

Sinamaan ng tingin ni Kentou sina Naru na ikinailing lang ng dalawang lalaki.

Biglang umakbay si Kyo sa akin "oy bakit ka biglang umalis?" tanong ni Kyo "nagulat na lang ako na wala ka na doon"

The Road For Her (Completed)Where stories live. Discover now