Chapter 3 *edited*

3.4K 107 2
                                    

[Ayane's pov]

Tulad kahapon ay sampilitan akong pinasok sa kotse nina Kuya Ryo. Ayoko na talaga bumalik sa school pagkatapos ng nangyari kahapon.

Alam ko naman ang kahahantungan nito. Ibubully nila ako. Iyon ang katotohanan dahil naiiba ako sa lahat.

"May umaway ba sa iyo?" tanong ni Kuya Ryo na sinagot ko ng isang iling

"gusto mo bang samahan ka namin sa room mo?" malambing na tanong ni Ate Zy na sinagot ko rin ng isang iling

Mas ayoko naman na malaman nila na kapatid ako nina Kuya Ryo at Ate Zy.

Napabugtong hininga sila "wala ka bang naging kaibigan?" malambing muling tanong ni Kuya Ryo sa akin

Naisip ko yung dalawa ko na katabi kahapon. Kaibigan ko ba sila maituturing? Laging tulog yung isa tapos madaldal naman yung pangalawa.

Hindi naman ganoon ang mga magkaibigan sa mga nababasa kong libro. Umiling na lang muli ako bilang sagot sa tanong ni Kuya Ryo.

Kita ko na tila nalungkot sila doon. Mukhang gusto nila na magkaroon ako ng kaibigan tulad nila. Kaso sino ang magkaka-interes na makipagkaibigan sa akin?

Umaasa lang sila sa wala.

Siguro kapag nakita nina papa na walang magandang idudulot ang pag-enrol sa akin sa Star Academy ay ibabalik nila ako sa home schooling. Hihintayin ko na lang siguro ang araw na iyon.

Mukhang nabasa ni Kuya Ryo ang nasa isipan ko "Ayane, para sa iyo ito okay? Hindi naman habang buhay ka dapat magtago sa bahay. Face the reality. Face the real world. Hindi lamang sa istorya sa mga libro iikot ang iyong buhay" seryosong sabi ni Kuya Ryo sa akin at niyakap ako "please Ayane, makinig ka sana sa amin dahil para rin naman sa iyo ito"

Napabuntong hininga ako saka dahan dahan na tumango sa kanya kahit labag sa aking kalooban.

Alam ko naman kapakanan ko lang ang iniisip nina Kuya Ryo. Takot man ako sa realidad ay mukhang kailangan ko itong harapin.

Nabigla ako sa malakas na katok sa bintanang kinaroroonan ko sa kotse. Pagtingin ko sa labas ay napapalibutan na ng mga fan ang aming kotse. Hindi ko man lang napansin na nandito na kami sa school.

Here we go again...

"have a nice day Ayane" sabi ni Ate Zy saka humalik sa pisngi ko

"call me if something happens" bilin naman ni Kuya Ryo saka pinat ang aking ulo

Tinapik ko ang kamay ni Kuya Ryo palayo sa aking buhok na tinawanan lang niya. Bumaba sila ng kotse kasabay ng malakas na tilian ng mga estudyante.

Napangiwi naman ako roon. Feeling ko kasi kinakatay sila sa mga tili nila.

Nang makuha na muli ni Manong Ron ang go signal ni Kuya Ryo ay agad niyang umandar ang kotse patungo sa parking lot.

Ano kaya ang mga posibleng mangyari sa akin sa araw na ito?

May matatapon kayang pulang pintura sa akin pagpasok pa lang ng pinto ng aming classroom?

May haharang kanyang mga mean girls at lalaitin ang aking pananamit?

May tutulak kaya sa akin sa hagdanan?

May bigla kayang babagsak na paso sa ulo ko?

Babatuhin kaya ako ng itlog ng mga kaklase ko?

Nakaramdam ako ng tapik sa aking balikat "ma'am" sabi ni manong kaya nabalik sa ako realidad "nandito na po tayo"

Napakurap kurap ako saka napatingin sa labas ng kotse. Nakaparada na pala si Manong Ron sa parking lot at hindi ko namalayan dahil sa pag-iisip ng mga scenario na pwede mangyari sa akin sa or as na bumaba ako ng aming kotse.

The Road For Her (Completed)Where stories live. Discover now