Chapter 4 *edited*

3.1K 105 1
                                    

[Ayane's pov]

Kagat kagat ko ang mga kuko ko. Habit ko ito kapag feeling ko nagi-guilty ako o nine-nerbyos ako. Hindi ko naman kasi alam na may away sa pagitan kina Kuya at Kentou.

"ayos ka lang ba, Ayane?" tanong ni Ate Zy na nasa tabi ko habang ngumunguya ng popcorn

Tumango ako saka lihim na sumulyap kay Kuya Ryo. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin ni Kuya Ryo kaya agad ko binawi ang aking tingin.

"may sasabihin ka ba?" kunot noong tanong ni Kuya Ryo at binaba ang nilalarong tablet

Sinagot ko naman iyon ng mga iling saka nagbukas na lang ako ng telebisyon para doon ibaling ang aking isipan. Pero wrong move yata dahil sina Kentou ang agad bumungad sa telebisyon pagkabukas ko.

Nabigla ako nang may umagaw  ng remote sa kamay ko at mabilis na pinatay muli ang telebisyon. Walang iba kundi si Kuya Ryo na halos magdugtong ang kilay sa pagkayamot.

Biglang hinarap ako ni Kuya Ryo sa kanya "Ayane, kapag nakita mo ang mga ugok na iyon sa school mo ay mas magandang  iwasan mo sila" seryosong sabi ni Kuya Ryo

Ehh?!?

Napakagat labi ako nang mapatunayan na may alitan silang dalawa.

Gusto nila akong magkaroon ng kaibigan at ang bandang Keegan lang ang maituturing kong mga kaibigan ngayon. Kaso may alitan sa pagitan nina Kentou at Kuya Ryo.

Paano na ito? Waaah!

Binatukan siya ni Ate Zy nang mapansin ang hindi ko pagka-komportable "huwag mo ngang idamay si Ayane diyan sa away bata niyo" nakapameywang na sermon ni Ate Zy kay Kuya Ryo

Sinamaan ng tingin ni Kuya Ryo si Ate Zy kaya napailing na lang si ate at nagbuklat na lang ng magazine.

Nagpalipat lipat ako ng tingin sa dalawa pero mukhang wala silang balak ipaliwanag kung bakit dapat kong layuan sina Kentou.

Bilang pagsuko ko ay napabuntong hininga na lang ako "babalik ako sa aking kwarto" sabi ko

Pagpasok ko ng aking kwarto, kaysa sa mga libro ako magtungo ay kinuha ko ang aking laptop na matagal ko ng hindi nagagamit. Binili sa akin nina mama ito noon kahit hindi ko naman kailangan pero mukhang magagamit ko siya ngayon.

Humugot ako ng malalim na hininga bago buksan iyon. Sa sobrang curious ko sa grupo nina Kentou ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na magsearch ako tungkol sa bandang Keegan.

Dahil doon, nalaman ko na kasabayan ng paglabas ng banda nina Kuya ang banda nila pero dahil isang Robins si Kuya ay agad niya natalo ang bandang Keegan.

Hmmm... Maaari ito ang ikinasasama ng loob ni Kentou kay Kuya Ryo. Pero bakit naman galit si Kuya kay Kentou?

Nagsearch pa muli ako hanggang matigil ang mga mata ko sa isang article. Kung saan sinuntok ni Kentou si Kuya na naging headline sa mga balita na naging isyo sa loob ng tatlong buwan.

Walang alinlangan kong binuksan ang link na iyon. Napatakip ako ng kamay sa aking bibig nang makita ang litrato ni Kuya Ryo na may pasa sa kanyang kanyang mata kaya nagmukhang siyang panda.

Binaling ko ang tingin sa laman ng article na iyon "eh? dating nobya ni Kentou si Ayesha" bulong ko "na naging girlfriend rin ni Kuya Ryo"

Kung ganoon, parang lumabas na sinulot ni Kuya ang girlfriend ni Kentou kaya nagkaroon ng fight scene ang dalawang lalaki.

"Ayesha..." mahinang sambit ko sa pangalan ng babae habang tinitigan ang kanyang litrato

Walang girlfriend ngayon si Kuya Ryo sa pagkakaalam ko. Ibig sabihin ay hiwalay na rin sila ni Ayesha.

The Road For Her (Completed)Where stories live. Discover now