Behind Walls 30

14.6K 345 8
                                    

KABANATA 30

A WEEK LATER...

"Arcise, kainin mo nga itong kanin." Naiinis na sabi sa akin ni Nana. Nginitian ko lang siya at inilingan. "Sige na. Kainin mo na ito. Kung hindi mo ito kakainin, papupuntahin ko dito ang Asawa mo!"

Asawa mo... Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko nang marinig ko iyon sa bibig ni Nana. At para ding niyanig ng pangalang iyon ang mundo ko at nagising din ako agad sa realidad. Red. Tama na.

Bumuntong hininga muna ako at saka lumapit sa tabi ni Nana. Nakita ko ang awa sa kanyang mukha nang mapansin niya ang pagtahimik ko.

"Kakain na po," nakangiting sabi ko at pilit pinapaganda ang panahon.

"Dapat lang Arcise. Mamaya may dadaluhan akong Prayer meeting sa kabilang barangay at matatagalan ako ng uwi. Isarado mo nang maayos ang pinto mamaya."

Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi.

"What? Nana naman! Iiwanan mo akong mag-isa dito?" sabi ko at medyo naiinis. Wala nanga si Mang Ruperno, iiwan pa ako ni Nana? Come on!

"Oo. Wala namang aswang dito o multo." Nakaramdam tuloy ako ng takot sa kanyang sinabi kahit wala naman daw.

"Nana naman. Mas lalong ayokong maiwan dito. Isama niyo na lang po ako."

"Iyon ay kung OK lang saiyo. Maglalakad lang ako ng isang oras. Pagkatapos ng prayer meeting, maglalakad lang din ako pag-uwi."

What?

"Ayy. Dito na lang po ako sa inyong bahay. Don't worry; I will lock the door, na." 1 hour? Are you kidding me? Matutulog na lang ako.

"Hay nako, Arcise. Hindi mo ba namiss ang asawa mo?" napatingin ako kalabaw sa labas ng bahay nila Nana sa tanong niya.

Ako? na-miss si Red? Hee!

"Hindi po."

"Alam ko talaga iyang mga taong nagsisinungaling. Lumalaki ang ilong."

"Hindi nga po." Pag-uulit ko.

"O sige. Kung hindi, e di hindi. Nag text nga pala si Cynthia kanina, naglalasing na naman daw ang Sir Red nila sa kanyang kwarto." Napairap ako. I don't care.

"Baka nag-away sila ng kanyang babae kaya naglasing." Bulong ko sa aking sarili.

"Ano? Anong sinabi mo?"

"Wala po na. Ang sabi ko, kakain na po ako."

"Aba'y mabuti pa at lumalamig na ang kanin mo."

Isang linggo na akong nasa puder ni Nana dito sa Minsalirak. At sa totoo lang, sobrang pag-aadjust ang ginawa ko sa kanilang lugar. Wala silang kuryente at dahil walang kuryente, wala kaming ilaw sa gabi. Tanging sa buwan lang nakadepende ang mga tao dito. Pero mabuti na lang at may tubig dito kung hindi ay double murder.

Noong una, nagulat si Nana nang makita niya ako sa labas ng kanyang bahay. Sinabihan ko siya sa buong kwento at nakikinig lang siya sa akin. Nang makita kong umiyak siya sa nalaman niya kay Red at napaiyak din ako. "Hindi ako makapaniwalang magagawa iyan ni Sir sa iyo." Umiiyak niyang sabi.

Napapunas ako ng luha sa aking mukha. "Hindi ko din po inaasahang gaganituhin ako ni Red, na."

"Baka naman... baka naman may rason." Anong rason? Na lalaki lang siya at bawal humindi sa grasya? Tang-inang rason iyan.

"Mahal ka niya, anak. Mahal na mahal ka ni Red."

Hindi totoo iyan. Dahil kung mahal niya ako, hindi niya magagawa sa akin ito.

"Mag-usap muna kayo. Iyan ang kailangan niyo."

Mag-usap? NO! Dahil kilala ko ang sarili ko. Alam ko ang epekto ni Red sa aking puso. Alam kong isang hawak lang niya, bibigay na ako agad. Kaya hindi pwedeng mag-uusap kami. Gusto kong masaktan siya. Lahat. Lahat ng sakit na aking nadama. Gusto kong maramdaman niya iyon.

Lumipas ang isang araw at puro tawag lang ang naririnig kong lumalabas sa bibig ni Nana. Palaging tumtawag sa kanya si Cynthia at dalawang maid na nga raw ang pinalayas niya sa kanyang galit.

Nang malaman ko iyon, ginusto kong umuwi pero dahil nangingibabaw pa din sa puso ko ang sakit, palihim ko nalang na iniyak ang lahat.

"Arcise?" nilingon ko si Manong Ruperno.

"Yes?" nakangiti kong sabi kahit na may hula na ako tungkol sa itatanong niya.

"Apat na maid na ang pinaalis niya." Napalunok ako.

Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba niya pinapaalis ang lahat? Dahil lamang umalis ako?

Hindi dapat siya mag gaganyan. Siya ang unang nagloko!

"Sige po." Laging paulit-ulit ang sagot ko sa kanya dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya.

"Hindi ka talaga uuwi? Arcise, hindi namin hawak ang isipan ni Red. Hindi namin alam kung lilitaw na iyon dito." Napalunok ulit ako.

"Manong, basta ba walang magsasabi sa kanya na nandito ako, hindi iyon pupunta. Kahit ito man lang o. please. I just want some time for myself."

"Sana kung ano man iyang pinag-awayan niyo ay mairesulba na sa lalong madaling panahon. Tandaan mo, kapag tatagal pa iyan, mas lalo kayong magagalit sa isa't isa. Kailangan niyo nang mag-usap."

Mag-usap na naman.

Walang kamalay-malay si Mang ruperno sa totoong rason kung bakit ako nandito. Nagmakaawa din ako kay Nana na sana huwag na niyang ipagsabi kahit kanino. Tama na silang dalawa ni Manuela na nakaalam.

Manuela.

Kahapon pa ako naghihintay sa tawag niya kay manang. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako tinatawagan. Gusto kong malaman ang estado niya ngayon. Kung pati ba siya pinalayas.

Damn.

"Na? Sabihin niyo sa akin agad kung tatawag sa inyo si Manuela ha."

"Sige anak. Si Cynthia lang ang palaging tumatawag sa akin."

"May alam ba siya na nandito ako?" kinakabahan kong tanong.

"Wala siyang alam, anak. Mahal kita at kung ano man ang gusto mo, ay iyon ang masusunod." Hindi ko mapigilang yakapin si Nana. I don't know what to do without them.

Napatingala ako sa kalangitan. Makulimlim ito at mukhang babagsak na ano mang oras sa ngayon ang ulan.

Parang naging instant mirror ang kalangitan sa aking naramdaman ngayon. Alam kong ano man oras mula sa ngayon ay iiyak ulit ako. Hindi dahil sa panghihinayang, dahil sa mga alaala naming dalawa. Mahal niya ako. iyon ang naramdaman ko. Iyon din ang nakikita ko. Pero tama nga sila, action without word is confusing. Ako lang pala ang umasa. Sa huli, ako din ang mas nasaktan.

Kainis!

Tumunog ang cellphone ni Nana at nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan ni Red sa screen.

Halos mapaupo ako sa panghihina. Red.

Bahagyang lumayo si Nana at saka sinagot ang tawag.

"Hello Sir. Ano po? Nako! Saan na naman iyon nagpunta? Nako po Sir. Sige po. Pag may alam ako, sasabihin ko kaagad sa inyo. Mag-ingat po kayo. Huwag niyo pong pabayaan ang sarili niyo."

Nanatili akong nakatayo sa gilid at napahawak ako sa kahoy na ginawang sabitan nila Nana ng mga dekorasyon sa kanilang bahay.

"Umiiyak siya." walang anu-ano ay tumulo din ang luha ko sa unang sinambit ni Nana pagkatapos ng tawag.

Tinalikoran ko siya at nagmamadali akong pumasok sa silid tulugan nila Nana. Nagtalukbong ako agad ng kumot at nagpatuloy sa pag-iyak.

Huwag kang ganyan Red. Ikaw ang nagloko! Huwag kang magdrama na nasasaktan ka sa pag-alis ko. Dahil alam kong iyang luha mo, luha iyan ng kasiyahan. Because finally, you two can have the time of your love now.



Behind Walls (Ruptured Series #2)Where stories live. Discover now