Behind Walls 22

16.1K 335 1
                                    

Join the FB Group for updates and scheds. Link on Bio. Thanks! - Pain



Kabanata 22

Nakangiti akong nagising sa bisig ni Red. Nang makita kong nakapikit pa ang mga mata niya ay hinaplos ko agad ang kanyang pisnge. I mentally prayed to God na sana okay na kami at nagpapasalamat din ako sa pagiging iba ni Red ngayon. Because honestly, he's never been this sweet to me.

Naalala ko pa ang sinabi niya kagabi na 'you are my life'. Sa totoo lang, gusto ko nang sumigaw nun sa kilig pero napapaungol na lang ako.

God.

Binitiwan ko ang pisnge niya at bahagyang gumalaw. Hinanap ko agad ang orasan namin at nakitang mag-aalas syete pa pala ng umaga. Malamang sa malamang, mamaya pa gigising si Red. Alam kong pagod na pagod pa siya at dahil naalala ko na naman ay nararamdaman ko na naman ang pag-init ng aking pisnge.

How do I say this? Oh yes, he was a superman. He took me to different places kahit nasa kama lang kami pareho. I have seen paradise and butterflies. I even felt the softness of the cotton with his kisses and I need to stop remembering last night dahil sa tingin ko, mamamatay na ata ako sa kilig.

Sinubukan kong tumayo pero agad akong napabalik sa paghiga sa bisig na bumalot sa aking tiyan. Napangiti na lang ako ng palihim. Hindi ko alam pero kinikilig ulit ako.

"Hmm... good morning." Oh damn Red. Kahit ang boses mo ay nakakabaliw.

Nilingon ko siya tapos ginantihan ng yakap. Siniksik ko din ang mukha ko sa mabango niyang dibdib.

"Good morning." And there's this creepy smile I have in my mind again.

"Kaya mo bang tumayo? Alam kong masakit pa." napakagat labi na lang ako sa pagpipigil. Why is he so vocal in terms of this?

"Kaya ko naman," May bahid ng hiya kong pagkasabi.

"Alam kong kaya mo, masakit pa ba?" napailing ako sa tanong niya kahit na medyo masakit. Well, medyo lang naman. It's no big deal.

Bahagya siyang gumalaw at umupo sa tabi ko. Napaatras ako sa ginawa niya. Tumayo siya at tumawag sa intercom.

Nang matapos siyang makipag-usap dun ay bumalik siya sa aking tabi at pinapaupo ako sa kanyang hita. At dahil I want to be this close to him always, ay agad kong sinunod ang gusto niya.

"Hindi tayo lalabas sa lugar na ito ngayong araw." Aniya na nakatingin sa kawalan. At dahil nakaupo na ako sa kanyang hita, ginalaw ko ng konti ang aking katawan at niyakap siya sa kanyang leeg.

"Bakit?" tanong kong nakangiti.

"Dahil pagod ka. At matutulog tayo buong araw." Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Matutulog? Wala tayong gagawing iba?"

Nilingon niya ako nang nakakunot noo na. What? Did I say something wrong?

"Arcise, alam kong pagod ka. Okay? That's why we'll stay here until you're no longer sore. And don't ask me na wala ba tayong gagawing iba dahil baka makalimutan kong pagod ka."

Inihilig ko ang aking noo sa kanyang noo at hinalikan ang kanyang ilong. Oh... iyon pala ang iniisip niya. Napangiti ako sa mapaglarong paraan sa kanyang harapan.

"I love you, Red." Malambing kong sabi at nagbabakasali na sana may sagot na siya sa I love you ko.

Ilang segundo ang dumaan bago ko naramdamang humigpit ang yakap niya sa aking beywang.

Behind Walls (Ruptured Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें