Behind Walls 23

14.7K 287 1
                                    

Kabanata 23

Napatayo ako mula sa pagkaupo ko sa hita ni Red nang biglang pumasok ang sekretarya niyang si Nadia na may dalang kape.

Gusto kong itaas ang kaliwang kilay ko sa aking nakita pero nagpipigil ako. I don't want to look bad now.

Bakit nagdala siya ng kape dito? Did Red asked for it? O nakasanayan na niya? Well hindi ba niya alam na nandito ako, na asawa ni Red at kayang-kaya kong timplahan ng kape ang sarili kong asawa?

Napairap na lang ako sa aking isipan.

"Is that my coffee?" sinadya kong artehan ang boses ko at lapitan siya.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging ganito pero nagdududa na talaga ako sa mga kinikilos ni Nadia. Red is ultra mega handsome and so hot at alam kong normal ang makacrush sa kanya, pero damn it! This man is mine! Hindi naman sa selosa ako pero kasi iba na ang napapansin ko. Kaya kailangan ng pigilan.

"Sorry, but this is for Sir. Red." Hindi ko na talaga mapigilan ang pagtaas ng isang kilay ko sa sinabi niya.

"Give it to her, Nadia. She's my wife and you should prioritize her. Magtimpla ka ulit ng kape para sa akin." Napangiti ako sa aking isipan. Of course I am the wife.

Para akong nasa entablado at nanatalo sa paligsahan at si Nadia ang kalaban ko na natalo.

Nakita ko ang pagka wala ng kasiyahan sa mukha ni Nadia. Inilahad niya sa akin ang kape pero hindi ko ito tinanggap. Nilingon ko si Red at bumalik sa pagkaupo sa kanyang hita.

"Please put that coffee here. Thanks." Sabi ko at tinutukoy ang mesa ni Red.

"Okay Ma'am." Sagot naman niya at sinunod ang utos ko.

"Selosa." Napangiti na lang ako sa binulong ni Red sa aking tenga. It's like ac compliment I want to hear. Lumabas si Nadia at hinarap ko si Red. Sinuklayan ko ang buhok niya gamit ang aking daliri at nakikita kong tumataas na ang kanyang buhok.

"What are you doing?" tanong niya habang naramdaman kong pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking beywang. Nanatili pa din akong nakaupo sa kanyang hita.

"Hmmm, sinusuklayan ka." nakangiting sagot ko sa kanya.

"You are so damn mine Arcise." Napapikit ako nang bigla niyang halikan ang gilid ng aking leeg. Red's move has always been a mystery to me. Palagi nakasuspense. At ngayong bigla niya akong hinalikan sa leeg, hindi ko alam kung makakatayo pa ba ako.

"Re-" naputol ang pantasya ko nang biglang mag-ring ang telepono sa aming gilid.

"Wait babe. I'll take this." Napabuntong hininga na lang ako at itinago ang mukha sa kanyang leeg.

"This is me, speaking." Narinig kong sabi ni Red sa linya.

"I'm already here. Wait. My wife is with me. Give me five minutes." Kumalas ako ng yakap sa kanya at tiningnan siya sa mata. Binaba niya ang telepono at ibinalik ang kanyang kamay sa pagkahawak sa aking beywang.

"May meeting kami. Baka matagalan. This is really urgent." Matamlay ko siyang nginitian.

"It's okay. Hanggang anong oras ito?"

"I think this will end late. Pwede bang sa bahay ka na lang maghintay sa akin?" kahit ayoko ay pinilit ko na lang ang sarili ko na tumango.

**

Gabi na nang maisipan kong umuwi. Dalawang oras akong tumambay sa opisina ni Red at nagbabasa ng mga pending proposal sa kanyang mesa.

Nagulat pa ako sa napakaraming body guards na naghihintay sa akin sa labas ng kompanya kanina.

Behind Walls (Ruptured Series #2)Where stories live. Discover now