Behind Walls 28

14.5K 319 9
                                    

Kabanata 28

"Anak, baka gusto mong sumunod sa amin sa probinsya?" napalingon ako sa sinabi ni Nana. Agad kong nakita ang maleta sa kanyang tabi at si Mang Estilo sa kabilang tabi niya.

"Aalis na po kayo?" naguguluhan kong sabi. May nagawa ba akong masama? Ayaw na ba nila sa akin?

"Hindi naman anak. Uuwi muna kami sa probinsya dahil ikakasal na ang panganay kong anak. Babalik din naman kami pagkatapos ng isang linggo." Napahinga ako ng maluwag sa aking narinig. Akala ko pa naman ay iiwan na nila ako.

"Nakapagpaalam na kami kay Sir Red Ma'am, maaga nga pala siyang umalis ngayon. May meeting daw po sila ng maaga." As if! If I know, namiss niya ang kanyang kireda at nagmamadali siyang makita ito. Tang ina! Ang aga-aga ko namang nagmura!

"Basta Arcise ha. Kung ano man ang mangyari, nasa probinsya lang kami. Apat na oras ang biyahe papunta doon. Quezon, Minsalirak Bukidnon, anak. Aalis na kami at baka maiwan pa kami ng bus. Mag-ingat ka anak." Ani Mang Estilo. Kita ko sa mata niya ang pag-aalala. Tinanguan ko na lang sila at saka niyakap.

"Mag-ingat din po kayo sa biyahe."

**

Nang makita kong nakalabas na sila Nana sa bahay ay dumiretso akong kusina. Kumuha ako ng chips sa storage cabinet at naglakad pabalik sa kwarto ni Manuela. Ilang araw na akong dito natutulog at ilang araw ko na ding hinahayaang mag-isa si Red.

Nakikita ko din naman na mas umayos ang buhay niya ngayong wala ako sa kanyang tabi. Naging magaan ang kanyang routine.

"Manuela?" tawag ko kay Manuela pagpasok ko sa kanyang silid.

"Yes madam?" hinanap ko siya at nakita kong nakikipaglaro siya kay Rica ng barbie.

"Punta tayong shop ngayon." Nakita kong natigilan siya sa aking sinabi at tumayo.

"Madam, kinausap ako ni Sir kaninang umaga nung tulog ka pa na huwag muna tayong lumabas ng bahay." Tumaas ang kaliwang kilay ko sa kanyang sinabi.

"At bakit? Sino ba siya para utusan tayo?"

"Arcise, alam ko namang bitter ka kaya I understand you. He is your husband and he is thinking about your safety. Kaya sundin na lang natin. Ni hindi nga niya alam kung ano ang ikinaputok ng butchi mo e."

Napangiwi na lang ako sa isipan. Baka naman ayaw niya akong ipalabas dahil nagaalala siya na makita ko siyang makipagdate kay Nadia?

"Arcise." Inirapan ko si Manuela at umupo sa kanyang kama.

Tahimik kong binuksan ang chips at tiningnan si Manuela na nakapameywang sa aking harapan.

"Gusto mo ng totoong salita?" tanong niya.

"I'm not interested, Manuela."

"Nababaliw na ang asawa mo sa iyo. Kagabi nang pumunta ako sa kusina, nakita ko siyang umiinom ng alak. Bigla niya akong tinanong kung kamusta ka na, kung may nasabi ka ba sa aking problema sa kanya, kung bakit ka galit at kung bakit ayaw mo siyang kausapin." Umiwas ako ng tingin kay Manuela.

"He even asked me kung mahal mo pa ba siya. Arcise, ayaw ko sanang sabihin ito sa iyo pero naaawa na ako kay Red. Napaiyak ako sa huling tanong niya. 'Mahal pa ba niya ako?' that was exactly how he asked me last night. Napatahimik ako doon. How can I answer him kung pati ikaw wala namang sinabi sa akin. Kaibigan mo ako. You are supposed to tell me what is happening but you didn't."

Umiling ako. No.

"See? Ilang beses mo nang iniwasang sagutin ang mga tanong ko. Nakakabaliw ka e. Hindi mo hawak ang oras Arcise. Malay ba nating huling araw na pala ito ng asawa mo, na mamamatay na siya mamaya. Tapos hindi kayo okay. Sa tingin mo tatahimik ang buhay mo kapag nangyari iyon? Worst, dahil sa pag-iisip niya sa iyo ay naging dahilan iyon na mabangga siya sa truck at mamatay. And you didn't even talk to him. Hindi kayo okay. Wala."

Behind Walls (Ruptured Series #2)Where stories live. Discover now