Behind Walls 29

14.6K 331 13
                                    

 Kabanata 29

"Saan ba ako nagkulang?" bulong ko sa hangin.

"Hindi ka nagkulang, Arcise. Hindi lang niya sinalo ang pagmamahal mo kaya nasayang lang."

Or maybe even if I had given him everything, I'm still not enough.

"Ang akala ko, magiging okay na kayo, na wala ng gulo. Akala ko mahal ka niya at akala ko mabuti siyang tao. Wala akong ibang hiniling noon kundi ang magkaayos kayo ni Red. Pero kung ganito siya, ay huwag na lang."

Hiniling ko din iyan. Inakala ko din iyan.

"Mahal ka niya Arcise e. Nakikita ko iyon. Nakikita namin iyon. Nakikita iyon ng mga taong nakapaligid sa iyo. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit. Bakit niya ginawa sa iyo ito..."

"Manuela,"

"It is so hard to let go of the things you wanted so much. But it is even harder to keep the things that don't want you back. It is like dreaming impossible things; oo at aasa ka, mabubuhayan ka ng loob, pero kapag hindi naman pala talaga para sa iyo ang pangarap na iyan, wala pa ding silbi ang lahat ng paghihirap mo. Mahal kita Arcise. All I want is your happiness but I can't seem to find that in your life now."

Napapikit na lang ako at hinayaang liparin ng hangin ang buhok ko. I am lost in place I thought I am mastered of.

"Bakit Red?" Manuela asked in whisper.

Ilang minuto kaming tahimik ni Manuela at tanging mga awit lang ng mga ibon ang aming naririnig. Ilang beses din akong lumunok at ilang beses ko ding narinig si Manuela na bumuntong-hininga.

"Wala na ang mga guards. Go left, faster. Huwag kang pahalata. Hintayin mo ako sa kaliwa." Saka lang bumalik ang katinuan ko sa binulong ni Manuela sa akin.

And so there was a heart full of pain and questions walking away. There was me that I no longer knew. And there was a hand who decided to let go.

**

"What the hell is this place?" bulong ko kay Manuela na may hawak na flashlight at nakakunot-noo katulad ko.

"Hindi ko alam. Secret hide-out ata ito or secret passage. Si Rica ang nakadiskubre dito. Mukhang walang alam ang asawa mo dito. "

"Paano mo nalaman na may pinto sa dulo nito at saan ka nakakuha ng flashlight?"

"Dahil din kay Rica. Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Sa stable ko nakuha ang flashlight."

"Damn Manuela. Your daughter is creepy." Ramdam ko ang pananayo ng balahibo ko sa sinabi ni Manuela. Pansin ko na noon pa man na may iba na sa anak niyang si Rica, hindi ko lang inasahan na aabot sa ganito ang pagiging creepy ng anak niya.

Paano kaya niya nalaman ang lugar na ito? Imposoble naman atang ang bata lang ang nakadiskubre sa lugar na ito. God! Can't help but feel scared.

Pero tama nga siya, walang alam si Red sa lugar na ito. Dahil kung alam niya, matagal na niyang pinasara ito. Sino kaya ang may gawa nito?

"Maybe the old land owners of this place designed this. Hindi naman ata pwedeng biglang nabuo lang ito. And this place looked like it was built decades ago."

Yeah... kaya nga creepy.

"Shit." Napamura ako sa pabulong na paraan. Puno ng spider web ang maliit at madilim na hallway.

"Damn spiders."

Tumingin ako sa ibaba. Malilit na bato ang tinatapakan namin at may tubig pa.

"Here we are." Nanlaki ang mata ko ng makita ang sunray sa isang block ng dingding. Hinawakan ito ni Manuela at bahagyang itinulak.

"Oh my." Napahawak na lang ako sa aking bibig nang bumukas ito at bumungad sa amin ang forestry sa likod ng bahay namin.

Behind Walls (Ruptured Series #2)Where stories live. Discover now