Behind Walls 27

14.5K 318 13
                                    

Join our FB group nasa bio ko sa aking profile. There will be announcements. Or simply message me sa FB. fb.com/painmetwelve. i'll add you. Thanks.


Kabanata 27

Kinuha ko ang kapeng ihanda ni Nana sa akin at umupo ako sa tabi niya. Alas singko pa lang ng umaga pero gising na gising na ang buong sestema ko.

Pero mas maganda atang sabihin ay kagabi pa gising na gising ang sestema ko. Nahihirapa akong matulog dahil sa tuwing sinusubukan kong ipikit ang mga mata ko, bumabalik sa aking isipan ang nasaksihan kong paghawak ng kamay ni Nadia sa braso ni Red at ang kanilang pinag-usap. At sa oras na naalala ko ang mga iyon ay wala man akong magawa para walain agad iyon sa aking utak. It's like its being possessed with a sticky glue at ayaw na bumitaw sa aking mga neurons.

Bahagya akong napapikit sa amoy nitong ang sarap-sarap. This is weird. Ngayon lang ata ako nabangohan sa amoy ng kape. I always hate coffee dahil kabaliktaran nun ang nangyayari sa akin. Sabi nila hindi ka daw makakatulog, pero sa tuwing umiinom ako, lagi akong inaantok.

Napatingin ako sa daliri kong parang may kulang. I felt something is missing. Like some fingers I loved to touch always. Pero pinalipas ko na lang ang naiisip ko doon. As I said, this will going to be different.

"Saan ka natulog, ma'am?" tanong ni Nana bago uminom ng kape. Alam kong nagtataka lahat ng mga kasama namin dito sa bahay sa inasta ko kagabi. At alam ko ding mas sobra ang pagtataka ni Nana at Manuela.

Well, Manuela has a hint of the reason pero nagpapasalamat na lang ako kagabi na hindi na niya ako kinausap pa at nanahimik na lang siya.

"Na, nag-usap na ba kayo ni Manong Estilo?" pag-iibang usapan ko at pagtutukoy sa kanyang asawa. Napatingin ako sa hinawakan ni Nana na mug at nagsalin siya ng kape dito. May iinom pa? Pupunta ba dito si Manong Estilo?

"Oo. Na umiiyak ka daw na lumabas sa opisina ni Sir. Ano ba ang nangyari arcise? Nag-away ba kayo ni Sir." bigla kong naalala si Mommy sa lambot ng boses ni Nana. Sanay akong tinatawag na 'Ma'am' sa pamamahay na ito. Pero itong tawagin akong arcise ay parang may kasalanan akong nagawa.

Napailing na lang ako at uminom ng kape. May hint din si Nana.

"Maglalandscape kami ngayon sa labas, Na. Papalitan ko ang mga rosas doon." Sabi ko ulit at nag-iba na naman ng usapan. Nakita ko siyang napailing at sumimangot.

"Alam mo arcise, ayaw na ayaw naming mangialam sa buhay ninyong mag-asawa kaya mananahimik na lang kami kahit na nag-aalala na kami sa iyo." Napatikom ako ng bibig.

It's all I wanted for now, ang hayaan na muna nila ako. Ayaw ko munang may mangialam sa amin. Wala akong oras para diyan. Tumahimik na lang ako at dinamdam init ng kape.

Nang maramdaman kong may papalapit sa aking likoran ay napalunok ako. Ang amoy at ang presensya ng papalapit ay memorya ko sa aking isipin. Na parang nakaukit ito ng permanente sa aking buhay. Agad kong inubos ang kape at inayos ang aking buhok. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Nana pero binalewala ko na lang. Insaktong pagtalikod ko ay ang pagtagpo ng aming mga mata ni Red. Una akong umiwas at naglakad palayo. Bumaba ang mata niya sa aking damit. Tinaasan ko siya ng kilay.

Bakit? Mas maganda ba ang mga damit ni Nadia kaysa sa akin? O baka naman mas gusto niyang tingnan palagi ang sekretarya niya? Ito ba ang dahilan kaya hindi pwedeng pumasok sa floor niya ang ibang trabahante? Napaigting panga ako sa aking naisip.

"What?" naiinis kong tanong.

Umiling lang siya at iniwanan ako.

Napamura na lang ako sa isipan dahil umasa akong pipigilan niya akong umalis o di kaya tawagin. Oh come on, arcise. Let's move on, okay?

Behind Walls (Ruptured Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon