Behind Walls 13

16.4K 384 1
                                    

Kabanata 13

The War Had Begun

Sabi nila, in order to make things better, you need to work for it. Sabi ko naman, how will you work for it kung sa tuwing lalapitan  mo ito ay bigla nalang naglalaho?

Hindi ako nakatulog. Hinintay ko ulit si Red na siya namang hindi umuwi. Tumawag si Red sa akin kanina alas kwarto y medya at gising na gising pa ako nun. Hindi siya nakinig sa akin. Hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Kaya hindi ko nalang sinagot ang tawag niya.

Napatingin ako sa aking cellphone, limang missed calls na.

Napailing nalang ako sa kawalan. Siguro, galit na si Red sa akin ngayon. Natakasan ko ang body guards niya all thanks to Cynthia. Naiimagine ko ang pamumula na kanyang tenga. Ha! Manigas ka.

Kakalabas palang ng araw ay tahimik na akong nakaupo sa ibabaw ng puntod nila Mama at Papa. Sa mga panahong katulad nito, ang magulang mo lang ang matatakbuhan. Iyon nga lang, hindi na sila sasagot sa akin. Alam ko namang nandiyan lang sila sa tabi-tabi at nakikinig sa akin eh.

Tumawag ulit si Red. Ano kaya ang nasa isip niya ngayon? Nag-alala na kaya siya sa akin?

Binagabag ako sa mga sinabi ni Manuela noong isang araw.

Alam ko namang may kasalanan ako at dapat ako ang gumawa ng paraan sa aming dalawa pero ano? Wala padin. Kahit lumuhod siguro ako sa harapan niya, uunahin padin niya ang kanyang kompanya.

Nasanay na talaga siyang wala ako sa tabi niya. Nasanay na siyang walang iniisip na iba kapag nasa kompanya siya. Nasanay na siyang mag-isa. Kaya ngayong bumalik ako, nahihirapan siyang pansinin ako dahil sa nakasanayan niya na.

Maybe.. maybe the best thing I can just do for now to let him work on his own. Na hayaan nalang muna siya sa kanyang nakasanayan.. Its probably what is the best for him. I only want his best even if means, no Arcise beside him. Humiga ako sa ibabaw ng puntod ni Mama at tumingin sa kalangitan. Maraming ibon ang nagsiliparan at malaya silang lahat. Ngayong nakapag-isip na ako, uuwi na ako sa amin. Dapat ko ding isipin na may trabaho akong naghihintay pa sa akin. May Manuela pa ang aasa sa akin at may mga taong paniguradong nadamay na sa ginawa ko.

Patuloy padin sa pagtawag si Red. 11 missed calls. Oras na sagutin ko ang tawag na ito, malalaman na niya kung nasaan ako. Call-tracker.

Uuwi ako at hindi ko sasagutin ang tawag niya.

Bumangon ako at mahinang nagpaalam kina Mama at Papa. Agad akong pumara ng taxi at sinabi dito ang subdibisyon namin. Hindi ko na pinapasok ang taxi sa loob ng sibdibisyon. Bumaba na ako sa labas palang nito. Agad kong natanaw ang labas ng bahay na may iba't ibang sasakyan ang nakaparada. May mga tauhan din niyang mukhang namomoblema sa gilid ng mga sasakyan.

Pagdaan ko sa may aso sa gilid ng kalsada, bigla itong tumahol sa harapan ko dahilan para mapatingin dito lahat ng mga tao na nasa labas.

Napakagat labi ako. Damn that dog!

Kita ko ang pagkasunod-sunod na paglaki ng kanilang mga mata at lumapit ang iba sa akin. Yong iba naman ay pumasok sa bahay. Ang ilan naman ay nakatitig lang sakin. Bago paman ako makapasok sa bahay ay nakita ko nang lumabas si Red na hindi na mahitsura ang mukha niya.

Kulang lang kung sabihin kong galit na galit siya.

Binalewala ko muna ang takot sa aking dibdib at lumunok. Hindi ko siya pinansin at pumasok akong bahay.

Nandito lahat ng kaibigan niya. And I don't know why. May pupuntahan ba sila? Matipid ko silang nginitian lahat at umalis din sa harapan nila. Dumiretso akong kwarto namin at pumasok ng banyo. Naligo ako. I feel so tired all of the sudden and hungry.

Behind Walls (Ruptured Series #2)Where stories live. Discover now