PAMBARA 31.2: Broken

Start from the beginning
                                    

“Please... “

 

 

“Ayoko ng maniwala sayo... Ayoko na... So please... Shut up,” sabi nit at pumikit para mapigilan ang pagtulo n mga luha niya na matagal ng gustong lumaya. Pero hindi, ayaw niyang lumabas na mahina.

“Scarlette...” boses iyon ni Drew na kakapasok lang. Oo, alam niyang malapit ng umiyak si Scarlette.

Tumakbo si Scarlette papunta sakanya ay niyakap siya. Wala syang pakielam kung makita siya ng dati niyang kaibigan. Ang alam niya lang ay talagang gusto niyang yakapin si Drew.

After ng isang minuto na nakayakap sila, kumalas na rin si Scarlette sa yakap. Wala, baka magfeeling yung asungot NIYA.

Oo, sakanya.

“Teka lang mommy ha,” bulong nito kay Scarlette at pumunta kay Priscilla.

 

“D-drew...” hindi makapaniwala si Priscilla. Ang tagal nilang hindi nagkita. Oo, mahal pa niya si Drew. Mahal na mahal.

“Umalis ka na...”

 

 

“Pati ba ikaw... G-galit?”

 

 

“Umalis ka na,” madiin na sabi ni Drew kay Priscilla. Imposible. Si Scarlette lang ang mahal niya pero... parang lumalambot ulit ang puso niya kay Priscilla.

“S-sige...” walang nagawa si Priscilla kundi pumayag. Wala e. Wala na. Lahat ayaw sakanya. Ano ba naman iyan. Ang unfair lang.

-

PAGLABAS ni Priscilla sa mansion ay umiyak siya at muling nilingon ang bahay ng dating kaibigan niya. Bigla niyang sinabi, “Sana, sa susunod... pakinggan mo na ako... mapatawad niyo na ako.”

 

 

 

Hindi niya alam na nakadungaw pala sa bintana si Scarlette at doon umiyak. Ang sikip ng dibdib niya. Hindi niya alam kung mali ang ginawa niya. Parang siya na ang pinakawalangkwentang tao sa buong mundo dahil sa ginawa nyang pagtataboy.

“Mommy...”

 

 

“Daddy...” sagot naman ni Scarlette sa tawag ni Drew.

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Where stories live. Discover now