Special Chapter: The Lost Years

Mulai dari awal
                                    

Napatungo ako and the words just flowed out of my mouth.

"I'm sorry Ice, I'm so sorry. I am really sorry" patuloy kong pagsasalita habang dinadala nila si Ice palabas ng meeting room.

Umiyak na lang ako.

Yun lang kasi ang kaya kong gawin ngayon.

***
Dumiretso naman ako kay Ace. Hanggang ngayon nasa hospital pa rin siya at walang balak sina ate Alodia na palabasin siya. They will do everything to prolong his life.

Sinigurado kong hindi na masyadong halata yung pamumula ng pisngi ko at pinatungan ko na din ng make-up para hindi mapansin ni Ace. Ayaw na kasi niya akong binibisita pa si Ice kasi alam niyang ako din ang masasaktan.

Pero hindi ko kasi mapigilan. Hindi ko magawang iwana si Ice sa ganung sitwasyon. Mahal ko pa siya. Mahal na mahal.

Kahit na...

buntis ako at si Lance ang ama.

***

After making sure that my face looks normal again, pumasok na ako sa room ni Ace. He's reading a book when I got there, katabi niya ang gitara niya as always.

"Hey there" I said giving him a wide smile.

He smiled back.

Unlike Ice, he smiled back.

Unlike Ice, Ace is recovering.

"Where have you been, Lance has been looking for you. Ipapakilala ka na daw niya sa parents niya?" Ace said na mas excited pa sa akin.

Ngumiti ako.

"We talked about it yesterday. I-oofficial na namin ang relationship namin" which is the truth, but I didn't told him that it was because I'm pregnant. Next time ko na lang siguro sasabihin kay Ace, not now.

"That's good. What did I told you before? Alam kong mapapasaya ka ni Lance. Hannah, he's the one for you" Hinawakan ni Ace ang mga kamay ko and he kissed both of them.

"Who wouldn't love you anyway? You're strong, brave, intelligent, beautiful and caring. You're the woman any sane guy would like to have in their life. And Lance, he's the lucky guy to have you" he continued.

Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti, why did I fall out of love with this guy? Sana siya na lang minahal ko, sana siya na lang yung minamahal ko.

"Kahit kailan talaga hindi mawawala yang pambobola mo ano? Tsk. Kumain ka na nga lang" biro ko at natawa naman siya.

Inayos ko muna yung mga gamit niya at saka ko pinrepare yung kakainin niya. I cleared his table at saka ko nilagay yung food and meds niya. Nagpatong na din ako ng bagong flowers sa vase niya sa tabi ng bintana.

"Thank you for being here Hannah, paano na ako kung wala ka?" Ace said habang tinitingnan ako. Napamewang na lang ako

"Then there'll be no one who'll put up with you and your messy room" pang aasar ko sa kanya na ikinatawa niya na lang.

Pagkatapos kumain ni Ace, kinuha ko ang wheelchair niya at dinala siya sa garden ng hospital. Gusto daw niya munang makalabas at makalanghap ng fresh air.

Minsan lang humingi ng favor sakin si Ace at lahat ng gusto niya ginagawa ko. Why?

Because he never left me, kahit na sinaktan ko siya noon sa pagpapanggap na ako ang batang Ella na nakilala niya dahil sa pekeng kwintas na pinagawa namin ni Ice, he never left me and became a friend instead, a very special friend.

If I could just take all his pain.

Alam ko naman eh, na pag hindi ako nakatingin or pag wala ako, namimilipit siya sa sakit at ayaw niyang nakikita ko iyon.

A Gangster Love StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang