WA [DR] 45 - Now, Shut Up

Start from the beginning
                                    

Habang nakatalikod siya hindi ko mapigilan ang sarili kong mga mata sa pagala sa katawan niya. Malapad ang balikat, katamtaman ang laki ng braso at may kurba.

Damn Nathalia! Just keep it to yourself.

"Wala." Umiwas siya ng tingin. "Hindi mo rin naman maiintindihan." Sabi niya at iniwan akong nakatayo doon.

Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa biglaang pagtunog. Oh geez the timing!

Hindi na siya muling nagsalita pagkatapos. Kaagad akong lumabas ng facility ng walang paalam. Ayokong kausapin siya dahil baka sa kung saan na naman umabot ang usapan namin—then it'll end up chaos. Like what Sir Woods' said, kailangan ako ni Sir Borris ngayon dahil may ipapagawa siya sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang puntahan siya sa opisina niya.

Hindi man kalayuan pero ramdam ko ang pagod sa bawat pagtapak ng paa ko. I think I'm having a flu. Kanina pa kasi hindi maganda ang pakiramdam ko kaya medyo mabigat ang pakiramdam ko sa katawan. I shrugged it off since we have a lot of things to do. Kakabalik pa lang namin, tambak na agad ang mga kailangan naming gawin. Sino ba naman ako para magreklamo, di ba?

Kumakalam na ang tiyan ko nang mapadaan ako sa hall kung saan kami kumakain. Totoo pala talagang kapag gutom, malakas ang pang-amoy. Ang bango ng mga pagkain at parang hinihila nila ako papasok ng hall—but I refused. Hindi pa pwede! Kailangan ko munang puntahan si Sir at baka mag alburuto na naman siya sa inis sa akin dahil matagal akong dumating. That freak is an impatient one. Mahirap spellingin ang ugali!

I closed my eyes. Think of happy thoughts! Mamaya na ang pagkain! I scolded myself. Kahit mahapdi na talaga ang tiyan ko, iniwas ko pa rin ang sarili ko sa pagpasok sa loob. Urgh! Bakit ngayon pa kasi? Dapat talaga kumain ako kanina habang maaga pa. Mas inuna ko pa kasi ang pagiging estudyante kesa sa personal kong pangangailangan.

Stupid! Again, I said to myself.

Malamya akong naglalakad dahil ramdam ko na naman ang pagod at gutom. Paliko ako sa may Revals nang bigla akong hinila ni Uryll. "Tara na." Mahina niyang bulong. Wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod dahil sa higpit ng hawak niya sa kamay ko.

Now, we're back to square one! Siya ang taong mahilig manghila nang hindi man lang nagsasabi ng dahilan kung bakit. He hates stupid people. He hates everything! Isa rin 'tong ugok na 'to! Mana mana sa ugali ni Sir Borris.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko. Luminga-linga ako, "Hindi 'to ang daan papunta sa office ni Sir Borris." Hindi siya nagsalita. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin nang sinubukan kong makawala. "Uryll, ano ba! Kailangan ako sa office ni Sir. Mapapagalitan ako!" I shouted. He really didn't budge.

Damn it!

"Shut up and just follow me. You're hungry." Say what? "Stop trying to get away from me. You won't ever succeed." Mariin niyang sambit.

Awtomatikong napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ano ba! Mamaya pa ako kakain. Bitawan mo nga ako!" Gutom ako, oo. Pero mas uunahin kong huwag mapagalitan kesa kumain. Nakakainis. "Bitaw sabi." Ayaw niya kasi magpatinag.

"No." tiim bagang siyang lumingon sa akin.

Siya pa ang may ganang mainis. Just wow! "What the hell!" Pilit kong kinakawala ang kamay ko, pero ayaw niya talagang bitawan. Tumigil kami at inihinarap niya ako sa kanya. Tae, ang sakit makahawak! I said to myself. Medyo kumirot ang kamay ko sa hawak niya. "Nakakasakit ka na." Sabi ko.

Ang hilig talagang manakit! Kainis.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Kakain ka muna." Sabi niya.

Kumunot rin ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Mamaya na. May gagawin pa ako." Pinanlisikan ko muna siya ng mata bago binagga sa balikat. Hindi pa man ako nakakalayo, nahila na niya naman ako

Mas mahigpit, mas wala akong magagawa. "You're such a stubborn woman, Nathalia."

"Mapilit ka rin." Sagot ko.

He pressed his lips into a hard line. "No. You're coming with me." Sabi niya at hinila na ulit ako. Malapit na kami sa hall nang mamataan kong papalapit na si Wina sa amin. Hindi niya kami nakita dahil nakayuko siya habang may binabasa sa isang libro.

"Wina!" Tawag ko.

Pagkaangat ng tingin niya, ngumiti siya sa akin. Kaagad 'yon nawala nang nakita niya ang ginagawa ni Uryll sa akin.

"Saan kayo pupunta?" Tanong niya. Nasa harapan na namin siya, tumigil rin si Uryll sa paghila sa akin pero hindi niya binibitawan ang kamay ko. "Where are you taking her Uryll?" She asked once again.

Lumingon si Uryll sa kanya, "Hall. Papakainin ko."

"Hindi ka pa nag b-breakfast, Nathalia?" Baling niya saakin.

I bit my lip and nodded, "Marami akong ginagawa. Ngayon, mapapagalitan pa ako dahil sa kanya." Tinuro ko si Uryll. Tiim bagang siyang nakatitig sa akin gamit ang mala-dragon niyang tingin. Inirapan ko siya, "Saan ka?" Tanong ko kay Wina.

Nakataas kilay siyang pinagpalit-palit ang tingin sa aming dalawa. "Babalik akong Cisos." Sabi niya. "Uryll, mabuti pa't pumasok na kayo at pakainin mo 'yan." Sabi ni Wina na ikinabigla ko.

"No. Marami pa akong gagawin." Sabi ko. Kumakawala ako kay Uryll. "Bitaw sabi!" Bulyaw ko.

Humarap siya kay Wina na hindi ako binibitawan, "Ikaw na magpunta kay tanda. Sabihin mo ipinatawag si Nathalia ni Ynior." May awtoridad ang pagkakasabi ni Uryll kay Wina.

Nakanganga ako nang tumango si Wina. "Sure. Make sure she'll eat." Sagot ni Wina.

"Ako na ang bahala."

Hahakbang na sana si Wina pero natigil siya, "I heard she'll be here again." Simula niya at sumulyap sa akin. Kaagad niya ring ibinalik kay Uryll ang tingin. "When will Daphne arrive?" Natigilan ako sa paghinga. Daphne? Anong ibig niyang sabihin? Babalik siya?

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Uryll sa akin. "Tonight." He sternly said.

Babalik nga siya! He'll be happy again. He'll never bug the hell out of me again. Magiging maluwag na naman ang pakiramdam ko dahil hindi ko siya makikita. I can breathe fresh air whenever he's not around. I hope he'll do the same.

Tumango-tango si Wina at umalis na. Napapikit ako dahil sa biglaang pagkirot ng isip ko. 'Sorry.' It was Wina's inner voice. Wala naman siyang ginagawa maliban na lang sa pagkampi niya kay Uryll ngayong araw.

"Shit! Ano bang problema mo?!" Hindi na ako nakapagpigil sa pagsigaw dahil sa inaasal ni Uryll. "Kanina ka pa hila ng hila sa akin. Pwede ba tigilan mo muna ako?" sigaw ko.

Nakataas kilay siyang nakatingin sa akin. His grinning face is such a tease! Damn it! "Really? You'd rather choose to work than take a meal before anything else? You selfless girl."

"Selfless? What if I am? Wala kang magagawa. Buhay ko 'to. Mind your own business asshole!" I shouted back.

Para kaming mga abnormal nagsisigawan sa harapan ng hall. Walang tao at rinig na rinig namin ang lakas ng sigaw dahil sa hindi mataong paligid.

He smirked. "Call me whatever you want, Nathalia. I won't budge." Hinila na niya ako papasok. Hindi ako makaangal dahil wala rin namang silbi. Kanina ko pa sinusubukan pero walang nangyayari. What Uryll wants, Uryll gets. That's how he rule the world! He'd do whatever he wanted in his way of getting it.

Napailing ako. "Bakit mo ba 'to ginagawa?"

He smiled before answering, "You're sick and you're my priority. Now, shut up."

Worthwood AcademyWhere stories live. Discover now