"Oh halika na daw." Sabi nito at giniya na naman siya.

"San po?" Oh my God. Naloloka na ako.

"Dito. Huwag kang umalis diyan sa spot na iyan okay." Naisip niyang ang weird ng mga nangyayare pero mas natatakot siya sa mga hiyawan. 'Di lang dahil parang weird talaga, pero feeling niya ang lapit-lapit na talaga ng mga hiyawan.

Narinig niya na lang si Mikey na nagcount down.

"1...2...3...4...5." Kinindatan pa siya nito at nagsalita ng "enjoy."

Mas na-shock siya nang bigla na lamang gumalaw ang kinatatayuan niya at parang may bumukas. Meron pang mga usok. Pinapataas siya nang pinapataas at nakita niya na lang ang sarili niyang nasa stage.

"Oh wow! So here's our mystery girl for the night! Hello missy, whats' your name?" Kinindatan siya ni Keith habang parang nagpapa-impress gamit ang kanyang guitar. Yep. Nasa stage siya with Livid. She can't feel anything actually. Andun lang siya parang tuod na nakatayo.

Binigyan siya ng mic ni Keith at pinaupo sa parang stool.

"I'm Keith. You are?" wow. Magandang lalaki nga si Manong.
Imbis na sagutin ito eh natuon ang tingin niya sa crowd. Sobrang raming tao. Para nang mga langgam ito sa liit. Asan kaya si Charis?

"Miss, are you mute?" may baritonong nagtanong sa kanya. Nahiya naman siya bigla. Hindi naman talaga siya fangirl eh.

"Uh n-no." mas nahiya pa siya nang matagpuan ang sarili na sumagot gamit ang microphone. Ang tinis ng boses niya! Kakahiya.

"Ooooh. Baka naman crush si Joshie namin. Miss, isa ka rin ba sa mga fangirls ni Josh?" tanong naman ni Nikolo na nakangisi rin. Concert ba 'to o Q&A? Oh my Gosh! Nasa stage siya! She's in a freaking stage!

Bigla namang tumili ang pagkarami-raming babae. Hindi naman sila binigo n'ung Josh at nagpaulan ng killer smile sa iba't ibang bahagi ng stage.

"Guys! We hope you enjoyed our set because we definitely enjoyed having all of you as our crowd! Thank you thank you! Ang solid niyo talaga! This will be our last song for the night... Aaaah yes. We will miss you so damn much too! Don't be sad everyone. Let's just enjoy because we will try to be your best escape. Always. So this last song is entitled, "Crazy over you" dedicated to all the girls out there who keep on hoping for true love. For the little missy over here, our favorite girl of the night, this song is for you. I hope you love the song, baby." Kinindatan pa siya ni Josh at parang kumirot ang puso niya sa kindat na iyon. Parang hindi siya makahinga na parang tumindig lahat ng balahibo niya.

Nang magsimula ng mag-count down si Kevin ay nagsimula na ang kanta.

Lakas makaganda ng gabing ito.

Sobra.

Sa unang verse, sinasabi na wala kang pag-asa. Na lagi kang friend zone, kinanta 'yun ni Keith. Habang kumakanta si Keith ay nilapitan ako ni Josh at binulungan,

"Missy, did you have fun with our gig?" tanong nito na kumikislap ang mga mata.

Hindi niya naman alam kung ano ang sasabihin. She decided to be honest with him. Hindi naman siya plastic.

"Sorry, 'di ako nakinig sa set niyo." Tiningnan niya rin ito at bahagyang ngumiti. Sa panahong iyon, kumakausap siya sa isang normal na tao. Parang hindi niya narinig ang hiyawan ng daang-daang taong andoon. Tiningnan lang siyang mabuti ni Josh at tumawa.

"Missy, I like you already." Kinuha niya bigla-bigla ang kamay ko at itinayo.

Kumanta siya sa chorus at sinabayan siya ng crowd. The song tells it all. Huwag daw mag-alala, ginago ka man ng ex mo, may tao pa diyang magiging worthy sa pagmamahal mo. Ang ganda ng song. Ang ganda ng crowd.

Tumingala siya sa mga langit at sobrang raming stars. Hmmm. For the first time, she felt something ... she felt alive. Something knotted in her stomach and she smiled, mmm ma try ngang mag-fangirl. Natauhan lang siya ng inikot siya ni Josh at natawa siya. Marunong na marunong ang mokong magpakilig. Shutanginamelonshake! Napa-"awwww" naman ang mga tao sa move na iyon ni Josh.

He sang again the last few lines. Nag face to face sila at piniga pa nito ang kamay niya. Ngumiti ito at kumanta,

"Girl, love me for I love you
I'll court you forever and always
Coz' a lot of girls can come and go
But no can be you... Ooooh"

Sige na nga. Magiging assuming na ako... sa ngayon.

End.

**

You can suggest what happens next by commenting down below. Vote para sipagin akong mag. AU kay Charis at Keith.

Meron bang readers ang MSMMS na pupunta sa Manila International Book Fair 2015? I can sign your books po. Kitakits.

Ms. Sungit Meets Mr. Sungit (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt