Kinuha niya ang mineral water sa bag at uminom. Nkakapagod pala maging ala fangirl.

"Hello miss."

Nabuga niya ang tubig na iniinom kasi ang lapit-lapit ng mukha n'ung creepy na lalaki sa kanya.

"Oh my God. Sino ka?!" napasigaw siya at nagsitayuan ang mga guards na malapit sa kanya.

"Miss, chill ka lang! Hindi ako nang-aano. Magtatanong lang sana ako kung pwede ka ba?" Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ng lalaking creepy. Sarap hambalusin ng Jasport eh!

"Okay ka lang kuya?! High ka ba! Hindi ako pwede. Sige ka kuya! Tatawag ako ng guard!" Natatakot na kasi siya sa pagiging creepy nito.

Tiyempo namang dumaan 'yung isang guard na rumoronda sa paligid nang bigla siyang lumapit dito,

"Guard, merong creepy na lalaki rito. Palabasin niyo nga po sa concert na ito." Nangunyapit siya sa guard. Nakakatakot na kasi 'yung taong tingin nang tingin sa kanya.

"Tumingin naman ang guard sa tinuro niya at bigla ring nagtanong. Mas ikinagulat niya ang tinanong nito,

"Ah siya rin ba sir?" tanong nito na parang kilala ang kausap.

"Yes. Pakidala na lang doon. Thank you, Rogelio." Tiningnan naman siya ng guard at ngumiti,

"Tara na miss." Sabi nito na pasimpleng hinawakan siya at giniya siya sa gilid na merong pathwalk.

"T-teka? Guard! Ba't hindi niyo 'yun hinuli. Tsaka, san tayo pupunta?" sumusunod pa rin siya kasi marami namang tao at sunod naman siya nang sunod sa guard.

"Pasensiya na po d'un Miss. Andito na pala tayo. Ito miss. Pasok ka lang diyan." May binigay ang guard sa kanya na parang naka parisukat ID at isang sling na mayroong nakasabit. Hindi niya mabasa kung ano iyon kasi medyo madilim. Ang alam niya lang kulay yellow at red ang mga iyon.

Dumiretso naman siya d'un sa sinabi ng guard. Hindi niya rin alam bakit eh. N'ung nakapasok na siya eh d'un lang nagsink-in sa kanya ang lahat.

Oh. My. God.

Nasa backstage siya.

For emphasis, nasa back stage siya ng Livid. Maraming tao. Maraming staff. Nandoon lang siya sa pinto, nanlalaki ang mga mata. Nanigas siya doon at parang pumunta siya sa ibang mundo. Nang sa wakas ay parang may nakapansin sa kanyang staff, iginiya siya nito sa parang isa pang kuarto.

Tiningnan niya 'yung sling na nakasabit at isang malaking bold letters ang nakalagay, VIP PASS. Oh. My. God. How lucky am I? 'Di naman ako fan. Sana binigay sa iba. Aha! Pwede niyang itext si Charis! Tama! Kinuha niya ang cellphone at magda-dial na ng number ni Charis nang biglang may humublot nito.

"Sorry miss. You can't post anything about this. Palihim namin kayong kinuha. We'll be confiscating your phone for a while and get this back to you later after the concert. You will also have the opportunity to get a photo op with the boys. Pwede ko bang makita 'yung card na nabigay sa 'yo?" Medyo natulala pa ako sa sinabi niya kasi hindi ko na -gets. What card?

"'Yung card. 'Yang sa kamay mo." Habang sinasabi niya iyon ay hinablot niya lang rin. Oh-kay.

"Oh wow. So you're the luckiest of all the girls. We got 5 girls but you're the girl who got the "Harana". Congratulations!"

Aaaaah. Harana? Magtatanong pa sana siya kung ano ang ibig sabihin ng Harana nang bigla na lang may tumawag dito.

"Mikey. Andiyan na ba 'yung girl para sa harana? Papuntahin mo na siya dito. Siya ang pang last song". Saad naman n'ung isa pang staff na parang busying-busy sa lighting.

Ms. Sungit Meets Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon