☑ Chapter 1: Goddess

28.7K 705 40
                                    

I stood frozen in the middle of the ballroom. Napapagitnaan ng mga taong ayaw na lumapit sa akin.

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan habang isa-isang napabaling sa nahihintakutang mga mata ng mga taong dumalo sa idinaos naming kasiyahan.

This was supposed to be a happy day. We were here to celebrate. But it became the worst day of my life.

Nanginginig ang mga kamay na napaupo ako sa sahig at hinawakan sina Mommy at Daddy na halos hindi na makagalaw.

"M-Mom? Dad? I-I'm sorry. It's all my fault. Please, I'm sorry." I felt the fierce drop of my tears casacading on my cheeks.

Sa kabila ng panghihina na nakikita ko sa mga mata niya, pinahid ni Mommy ang luha sa pisnge ko at sinubukan akong ngitian. Her beautiful face contorts in a way that shows her struggle. Parang may pumilipit sa puso ko nang makita iyon. "N-No, honey it isn't. H-Huwag mong sisihin ang sarili mo."

Lalong namalisbis sa pisnge ko ang mga luhang bumuhos sa mga mata ko. Sinubukan kong hanapin sa malaking ballroom ang mga kapatid ko, but all I see in the midst of the beautiful and vibrant designs in the room are the very things that I know would cause me nightmares.

Takot. Pandidiri. Galit. Iyon lang ang nakikita ko sa mga mukha ng mga taong inakala kong kaibigan namin.

Napaharap akong muli sa sahig nang maramdaman ko ang mainit na hawak ni Daddy. I sobbed when I saw his face without his vibrant smiles.

"D-Don't worry honey, e-everything's gonna be fine. I p-promise. We w-will still be here." Tinuro niya ang dibdib ko at wala na akong nagawa kundi tumango tango nalang habang humahagulhol sa harap nila.

This is all my fault. Ako ang may kasalanan nito! Hindi ko sila nagawang protektahan!

"Mom! Dad! Please, don't leave me! Please!" Nagpapanic kong sigaw nang makitang halos sabay na silang pumipikit. The blood on the floor starts to create a big puddle na umaabot na sa suot kong gown. But I didn't move away. Kailangan ko silang masalba!

"PLEASE! Somebody help us!"

Sigaw ko sa mga taong tila nakatanaw lang sa nangyayaring trahedya sa pamilya namin. I watched them with tear soaked eyes and I still see the fear and disgust in them. They were supposed to be our friends! Pero ni isa man lang walang gustong tumulong. Tila bang kapag may sumubok sa kanila ay mamamatay din dahil sa akin.

"Z-Zypher,"

"Mommy! You're still awake. Please stay awake! Please." Nanlalaki ang mga mata at nagsusumamo na hinawakan ko ang kamay niya nang magsalita siya. But with hard heaves of breath, she spoke.

"R-remember w-who the true enemy is. This i-is not your f-fault. O-okay?"

Napahagulhol ulit ako nang iyak sa sinabi niya. I failed them. Hindi ko maiwasang maisip. This is my fault. It is.

"M-Mommy, I'm sorry. Please stay. Dad——" Pero pagtingin ko sa dako niya, tuluyan nang nawasak ang puso ko sa nakita. He's not breathing anymore.

"NO! DAD! Please, I'm sorry!" I cried and shouted my heart out. "I p-promise, Daddy. I promise to be stronger after this. Please, gumising lang kayo. Please!"

Tiningnan ko naman si Mom at napayupyop nalang sa sahig nang makitang hindi narin siya humihinga. With hands shaking, I pushed them nearer to each other and kissed both of their hands.

"I promise. I promise I'll be stronger to find those people who did this and avenge you."

"Zy,"

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now