Forever 44 (True Love)

4.6K 65 5
                                    

WARNING: Papatayin ko na si Mikay Maghanda na kayo! Bwahahaha >=D Color White ang Color Coding natin ayoko ng Black masyadong OA yung Color na yun kapag libing..

___________________________________

Naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko, Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko puro puti lang ang nakikita ko.


Nasa langit na ba ako?! Pero hindi. Napatingin ako sa may hawak ng Kamay ko at napangiti ako.



"G-Gino."tawag ko sa kanya pero napapa-smile lang siya habang nakapikit. Napangiti ako, napapanaginipan ba niya ako? Parang ang laki ng pinagbago ni Gino nung last kaming nagkita parang lalo siyang gumagwapo ngayon.



"Gino."tawag ko unti-unti siyang napadilat at napatitig sa akin nginitian ko siya.



"M-Mikay?! Sandali!!"sabi niya at lumabas pagbalik niya may kasama siyang Doctor at Nurse.



"Miss Padilla, Okay lang ba pakiramdam mo?"



"Opo ayos lang ako medyo masakit yung paa ko namamanhid po."



"Mamanhid talaga iyan, Dalawang taon ka ba naman na Comatose pero konting exercise lang sa Gym dito sa Hospital eh magiging ayos din ang paglakad mo pero for now you Wheelchair muna ang sandalan mo, Aayusin namin ang schedule mo sa gym."sabi ni Doktora sa akin.



"Salamat po."sabi ko.



"Your Welcome we'll inform your family na nagising ka na."sabi ni Doktora at umalis na, Hinawakan ni Gino ang kamay ko.



"Nagpapasalamat ako sa Diyos nang SOBRA-SOBRA tinupad niya ang hiling ko na sana magising ka, Mag-lealeave ako sa Trabaho ko para masamahan ka sa exercise mo."



"Ha? Hindi na Gino you need to come to work."



"No, Two weeks nga akong hindi nakabisita dahil naging busy ako eh pero lumuwag na ang sched ko kaya mag-lealeave muna ko. Isang Buwan lang naman siguro iyon."sabi niya sa akin kaya napangiti ako, Sa loob ng Dalawang taon hindi niya ko iniwanan?



"Alam mo ba, True Love mo ko kasi True Love waits daw. Inantay kita ng Dalawang Taon Mikay."sabi niya sa akin kaya napatawa ako ng mahina.



"Oo nga eh Dalawang taon daw ako natulog pero naging corny ka na."



"Corny? Hindi ako Mais Mikay."napatawa naman ako siya kasi unang bumara kay Jane Fernandez eh.



"Nga pala madami ka pang ikukwento sa akin, Kung paano mo nalaman na ako si Mikay nung Jane Fernandez pa ako at Kung bakit mo nilihim yun."



"Paano ko nalaman?"



"Hmm."tango ko pero nagulat ako ng mag-lean down siya at hinalikan ako.



"Iyan, Diyaan ko nalaman naalala mo yung Storage? Iyan yun."sabi niya ng nakangiti halos mapunit na ang labi niya sa laki ng ngiti niya.



"Ang laki ng ngiti mo mamaya mapunit ang labi mo Haha nga pala kamusta na si Isabel?"tanong ko, Anong nangyari sa kanya?



"Nakulong siya, Two years ang penalty at sa makalawa na ang labas niya."sabi ni Gino sa akin.



"A-ayos lang ba siya?"tanong ko.



"Oo ayos lang siya don't worry."sabi ni Gino at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.



"Wala ka bang ibang babaeng minahal sa loob ng dalawang taon?"



"Wala, Eto tandaan mo Mikay. Mahal na Mahal kita kahit anong mangyari."napangiti ako sa sinabi niya pero Corny ah.



"Sa wakas gising na si Mikay."sabi ni Mama, Yes Alam ko na lahat. Naalala ko lahat. Ako si Mikay. Mikaela Chandria Padilla.



"Gising na ang Tita mo Baby France."sabi ni Ella habang hawak ang baby nila.



"Mikay."sabi ni kuya at hinalikan ang noo ko.



"Kuya Francis."napangiti ako, Buti hindi naalog ang memorya ko..



"We miss you, Princess."sabi ni Papa at hinawi ako buhok ko.



"Sorry po kung hindi ko kayo nakilala nila Mama noon kaya pala ang gaan ng loob ko sa inyo noon."sabi ko sa kanila pinunasan ni Mama ang mukha ko, napaluha pala ako.



"Wala iyon, Nagka-amnesia ka eh."sabi ni Mama.





=======
=======


"Dahan-Dahan lang, Ops!"si Gino yan. Siya ang Couch/Alalay/Boyfriend ko, Nandito kasi kami sa gym ng hospital.


Madami din palang Pasyente na nandito, Naglakad ako habang hawak yung pole ang hirap pala kada lakad ko feeling ko baldado ako noon at ngayon lang naranasan na makalakad.



"Dahan-Dahan lang."sabi ni Gino na matawa-tawa hawak niya yung right arm ko habang yung left hand ko naman ang naka-hawak sa pole.



"Hindi ka naman nag-mamadali noh? Saan ba punta mo?"tanong niya sa akin inirapan ko na lang siya.



"Ngayon na labas ni Isabel di ba?"tanong ko, nang maalala ko.



"Ha? Oo bakit?"



"Gusto ko siyang makita."



"Pwede mo naman siyang makita eh kapag natapos ka na dito."



"Please tulak mo na lang ako sa wheelchair."sabi ko at nag-pout.



"Psh.. Sige na nga tapusin mo muna Session mo dito tapos pupunta tayo doon."sabi ni Gino sa akin at ngumiti ako ng malaki at dahan-dahan kong tinapos ang session ko.

_____________________________________

Joke lang yung nasa Itaas PROMISE Haha Will Isabel Deserves a Second Chance from Mikay? Ano kayang mangyayari? Catfight o reconcilation? Dyahe Malapit na ang Ending ^^

SOON nga pala yung Picture sa side ------------>

~Cynthia

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon