Forever 43 (2 years Later..)

4.3K 69 8
                                    

Guys read kapag natapos ang FIMH haha lipat kayo sa EFM Laptrip din yun tulad ng BITB

________________________________________

Gino's POV





"Sorry Gino pero mag-leleave ako nang 7 Months lumalaki na tiyan ko mamaya awayin ka pa ni Dom kapag may nangyaring masama sa anak namin."sabi ni Sherylle kaya tumawa ako ng malakas paano kasi may Baby Bump na siya biruin mo ang isang spoiled brat na pinsan kong hindi nag-pa-flat shoes since birth daw eh ngayon naka-flat shoes for the sake of their baby.



"Sige pagtawanan mo pa ko sisipain ka namin ni Baby."sabi niya kaya napatigil ako.



"Sige go mag-leave ka ng 7 Months kakausapin ko na lang si Papa na mag-leleave ng 7 Months yung General Manager."sabi ko sa kanya at tumayo siya at naglakad palabas ng Office ko. Sa loob ng 2 years maraming nagbago..


Niluwa na ang unang anak ni Francis at Ella na si Baby France Ella mag-to-two years old na siya sa taon na ito, Si Baby Vince Jacob na anak ni Bea at Jacob, Si baby Jammy naman nila Jao at Tammy na 10 months old pa lang at ang soon to be baby nila Sherylle at Dom, Oo naging sila saglit nga lang eh tapos kinasal na agad last year tapos Two Months pregnant na si Sherylle magkaka-pamangkin na naman ako..


Si Paul? Ayun pagkalabas daw ni Isabel ng kulungan liligawan niya na sa makalawa na pala ang labas ni Isabel..


Isa lang naman ang hindi pa rin nagbabago eh, Ako at si Mikay.. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya nagigising. Nawawalan na nga sila ng lakas ng loob at gusto na ngang sumuko pero i courage them na wag susuko. Ako kasi NEVER akong susuko kahit abutin pa yan ng 10 years, 100 years aantayin ko siya magising.



"Kuya GINOOO !!!!"sigaw ni Julia nung pumasok siya sa Office ko.



"Oh ano ginagawa mo dito?"



"Wala, Sabi ni Mommy at Daddy they are on their 5th Honeymoon ghaad! So iyon nga hindi ako uuwi sa Mansion since wala si Daddy at Mommy kaya sa Condo ko uuwi ikaw? Bahala ka na sa buhay mo malaki ka na eh.. Okay Got to go na ko."sabi niya at umalis.. Grabe bait ng kapatid ko noh? Isa na yang Sikat na Fashion Model.


Dalawang Linggo ko na hindi nabibisita si Mikay dahil busy ako sa Works ko kaya lumabas ako ng Office at nakita ko pa yung mga secretary ng ibang Dep na nag-ayos kinausap ko si Luis.



"Bro alis muna ko pupuntahan ko si Mikay."sabi ko at naglakad ng deretso ang nakakainis eh puno ang elavator hindi naman kasi ako maarte eh sumasabay ako minsan sa Employees ko pero mukhang over the bakod na sila kasi punong-puno ngayon halos secretary pa!



"Sige aantayin ko muna kayong makababa iwan niyo ko hiya naman ako sa inyo."pagkasabi ko nun nagsilabasan sila. Kailangan pang takutin?



"Grabe gwapo ni Sir Gino, May girlfriend na kaya iyan?"


"Di ko alam eh single pa daw!"


"Haha kaya nga ako mag-aapply dito eh gwapo nung President niyo."



Imbes na magtrabaho nag-chichikahan kaya tinignan ko sila pero imbes na matakot eh yung tingin nila flirt pa! Kaya binigyan ko na sila ng nakakatakot na tingin at ayun bumalik sa trabaho nila.


Bagong talagang President lang ako dito sa Company hindi ko kasi iniwan yung pagka-CEO ko sa isang Branch namin bago ako napunta dito sa Main.


Paglabas ko bumungad na sa akin yung Kotse at sumakay na ko, Hindi muna ko kumuha ng Driver saka na kapag kasal na kami ni Mikay.


Dumaan muna ko sa Flower Shop at binilihan si Mikay ng favorite niyang bulaklak na Yellow Roses na may tulips.



"Ate yung dati."saki na ko dito.



"Nagising na ba si Misis?"



"Hindi pa po eh."sagot ko kay Ate at binigay niya sa akin ang bouquet.



"Eto po Ate keep the change."sabi ko pagka-abot ko nung bayad.



"Ay Salamat ijo. Sana magising na si Misis."akala niya kasi asawa ko si Mikay nalaglag kasi yung picture namin dati eh napulot ni Ate kaya ayun akala niya asawa ko si Mikay since nakakatuwang pakinggan ang sarap sa tenga kaya hinayaan ko na.


Dumeresto na ko sa Ospital at naglakad ako papunta sa Room ni Mikay at ayun siya tulog pa din.



"Sorry Mikay ha, Hindi ako naka-bisita ng dalawang linggo busy sa trabaho eh pero dinalhan kita ng paborito mong bulaklak."



"Kailan ka ba magigising? Miss na Miss na kita."sabi ko at hinalikan ko siya sa noo.



"Bukas Day Off ko kaya dito lang ako ngayon maghapon. Kilala mo ba yung babae sa Flower Shop? Yung babaeng akala asawa kita? Nakakatuwa ang sarap sa tenga pakinggan na tinatanong niya ko kung nagising na daw ba ang Misis ko."



"Mikay, Gising ka na ako na lang ang nag-iisa sa kanila, Ikaw na lang naman ang inaantay ko eh."Baliwala hindi niya ko maririnig kaya hinawakan ko ng mahigpit ang right hand niya at umub-ob sa may gilid at humarap sa kanya.



"Two years had passed Mikay, Mahal na Mahal pa rin kita.. I guess ako ang True Love mo kasi True Love waits Haha.. Ambaliw ko na kausap ko na sarili ko."sabi ko habang naka-ubob na nakatingin sa kanya hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na ko..

______________________________

2 years na pero hindi pa rin siya nagigising? Ano #MedyoMasamangAuthor ? #SobrangSAMANGAUTHOR hahaha gravy XD

~Cynthia

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon