Forever 36 (Bitter or Sweet)

3.8K 57 11
                                    

Sa Gusto ng Dedication just Message me please at nga pala Read the foot note IMPORTANTE yun Thank you =)

_________________________________

Jane's POV

Nakahiga ako sa isang Burol, May Blanket naman kaya Carry na yan nag-picnic kasi kami ni Gino eh Kami na ulet pinikit ko muna ang mata ko kasi nasisilaw ako sa liwanag ng araw kahit na nakalilim sa puno. Nang may umupo sa gilid ko for sure si Gino yun..

"Jane tulog ka na?"tanong niya.

"Hmm."Nagulat ako nang may dumampi sa noo ko.. Labi niya kaya napangiti ako.

"Edi nagising ka, Sleeping Beauty Wanna be ka ah."sabi niya tapos ngumiti ako sa kanya.

"Ano akala mo sa sarili mo? Prince Charming?"

"Nope Ako si Gino Dela Rosa ang iyong Knight and Shining Armor mo."

"Haha Geh ikaw si Gino Dela Rosa ang nag-iisang Knight and Shining Armor ni Jane Fernandez."

"Nga pala pwede ka bang mag-open ng topic sa akin about sa Ex mo kung okay lang?"tanong niya medyo nabigla ako pero tinitigan ko lang siya nakahiga pa rin ako habang siya prenteng-prenteng naka-upo sa may gilid ko.

"Kung ayaw mo okay lang."

"No, Si Jere nakilala ko siya sa States nung 2nd year College ako MVP sikat siya habulin pa nga siya ng babae sa school namin. Aaminin ko isa ko sa nagkagusto sa kanya, Sabi ko sa sarili ko na kahit na Maganda ako eh hindi ako mapapansin nun dahil Filipina Beauty ako at hindi ako tulad nung ibang babae na Foreigner."

"Pero napansin kita kasi Dyosa ka."

"I know right? Haha. Then nagulat ako isang araw nilapitan niya ko, sinuyo, niligawan, at naging kami di ko alam pero para kaming Teens nuon na hanggang holding hands, hug at minsan lang ang kiss sa Cheeks pa! Un-"napahinto ako kasi napansin ko na nag-titightfist siya.

"Okay ka lang?"

"Yeah tuloy."

"Until nalaman kong pinagpustahan pala nila ko. Nagalit ako pero hindi malala kaya napaisip ako na it's just a College puppy love, infatuation, crush lang siguro."

"Tarantado yun ah, Ikaw nga ayoko kitang masaktan pero.."napatigil siya, ako naman nakatingin sa kanya na inaantay yung susunod niyang sasabihin.

"Pero ano?"tanong ko, Titigan kami ngayon Hilig niya sa ganito nakikita ko sa mata niya na Miss niya ko na parang may gusto siyang sabihin sa akin.

"I love you.."sabi niya at hinalikan ako sa lips. Gulat? Oo kanina pero napapikit ako, Ang sarap talaga magmahal kapag panalo ka.

[A/n: Pic on the side *CTO]

We parted lips.

"I love you too, akala mo nakalimutan ko na teka para kang naiinis kanina nung nagkwento ako, nagselos ka ba?"

"Hindi noh, Nainis lang ako kasi sinaktan ka niya pinaglaruan daig ko pa na nag-"napatigil na naman siya.

"Ikaw ha napapansin ko panay ang pagbibitin mo sa mga sinasabi mo Haha ano ba kasi yun?"tanong ko at umupo ng maayos.

"Wala, Tara na uwi na tayo mag-gagabi na pagalitan pa ko ni Grandma saka busy din sa Office eh."

"Huwag lalapit kay Isabel."

"Ikaw ang Selosa eh."

"What mine is mine may pagka-possessive ako."

"Ganoon din ako, Kaya wag kang papa-agaw."

"Ikaw din."sabi ko at sumakay na kami sa kotse niya pero may humarang na kotse at napahinto kami. May lumapit na pulis at binaba ni Gino ang window.

"Boss ano pong nangyari?"tanong ni Gino.

"May nagka-banggaan po kasi eh other way na lang po ang gamitin niyo, Salamat po."sabi nung pulis.

"Salamat din po."sabi ni Gino at niliko ang kotse.

"Grabe banggaan? Kailan pa kaya yun?"tanong ko tapos nilingon ko yung kotse hinawakan lang ni Gino ang kamay ko at napangiti ako sa kanya.

-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Someone's POV

"Ipakidnap siya, Siya lang wala kang idadamay kahit sino."

"Yes ma'am, masusunod po."

"Ityempo niyo na wala siyang kasama para mas maganda."

"Okay po."

Ito lang ang paraan ko para mawala ka sa landas ko...

_________________________________

Tawagin ang POWER RANGERS! May bagong kalaban! XD

~Cynthia

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon