Forever 41 (Guiltiness)

3.9K 61 7
                                    

After loooong wait! Sorry naman sa mga nag-antay ng UD kasi naman eh nasira ang laptop ko buti na lang may kopya ako ng Drafts ko sa USB yehey!

____________________________________

Paul's POV





Nag-aantay ako ngayon sa isang resto inaantay si Mr.De Leon..



"Mr.Vega tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?"direstong tanong sa akin ni Mr.De Leon pagdating na pagdating niya.



"Tungkol po sa asawa niyo at sa isa niyo pang anak."



"Alam mo kung na saan sila?"



"Opo."



"Sabihin mo kung na saan sila?"



"Ako po ang Doctor ng pamilya Serano."



"Na saan si Myrtle at Ysa?!"



"Kinalulungkot ko po pero yumao na po ang asawa at anak niyo, Eto po ang huling sulat ni Ms. Ysa at ni Mi."sabi ko at inabot sa kanya iyon. Napansin kong napaluha siya, nang may tumawag sa akin.



"Excuse me po."sabi ko at tumayo para sagutin ang tawag, Napatingin ako sa tumawag at nakaramdam ako ng kaba.



"Hello?"


"Hello Paul! Tinotoo nga ni Isabel ang plano niya kay Jane, Tumawag na ko ng pulis."


"Geh papunta na kami."


"Naku! Mukhang sa presinto niyo pa aabutan si Isabel, Nandito ako ngayon sa gubat kasama ni Gino."


"Geh Jao salamat."sabi ko at binaba, Si Jao Del Mundo ang Bestfriend ko nung nasa States pa kami mahilig siya sa ChooChoo Cake pie, Siya ang dahilan kung bakit nakapunta kami ni Mi sa kasal ni Ella at Francis. Pumasok na ko sa loob at may kausap si Mr.De Leon sa phone.



"Mr. Vega kailangan ko ng umalis, Maraming salamat."



"Mr. De Leon saglit lang po sasama po ako sa inyo, Binilin po kasi sa akin ni Mi este ni Myrtle na hanapin ko daw po ang kakambal niya na si Isabel De Leon."



"Tara pupuntahan natin siya."at sumakay kami sa Kotse niya. Pagdating namin sa presinto naka-kulong si Isabel.



"Kakausapin ko lang ang mga pulis."sabi sa akin ni Mr.De Leon nilapitan ko si Isabel.



"Anong ginagawa mo dito?! Pagtatawanan mo ko?"



"Hindi, Sesermonan kita.. Alam mo ba na Pwede kang makulong sa ginawa mo?"



"Oo."



"Sinabihan na kita Isabel pero hindi ka nakinig sa akin."



"Bakit ba paki-alamero ka? Ano bang paki mo sa akin? Sino ka ba para magdikta?!"



"Ako si Paul Vega, Ang Doctor ng yumao mong kapatid na si Myrtle Serano-De Leon."sabi niya kaya napakunot ang noo niya.



"Kapatid? Nagpapatawa ka ba? Wala akong kapatid!"



"Meron ito ang larawan niya kasama ang Mommy niyo, Kambal kayo binilin ka niya sa akin alam mo ba yun?"sabi ko at inabot yung picture at kinuha niya iyon.



"M-Mommy!"sigaw niya at napa-yuko, Na-guiguilty siguro siya.



"Isabel shhh."sabi ko at ni-reach ko siya bali nasa labas ako at pinasok ko ang kamay ko sa rehas at niyakap siya siya naman nakasandal doon.



"Binilin ka sa akin ng Kakambal mo, Mahal na Mahal ko si Mi, Yung babaeng naka-wheelchair nung kasal ni Ella at Francis na kasama ko siya yun."



"Kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya, I am sorry Paul sana nakinig ako sa iyo."sabi niya at tinignan niya ko.



"No Isabel shh tahan na, Your just obsessed with Gino kaya mo nagawa yun."sabi ko sa kanya at pinunasan ang luha niya.



"I am sorry."sabi niya at sumandal sa rehas.





=======
=======


Hawak ko ang Picture ni Mi, Naka-uwi na ko.



“Mi i am sorry I failed to protect your sister pero gagawin ko lahat para maging okay ang lahat, Mi I already loved your sister parehas na parehas kayong dalawa.”



=======
=======


Isang linggo na ang nakalipas after the incident at natapos na din ang Trial, Nakasuhan siya ng Frustrated Murder at Homicide.. Bibisitahin ko siya sa Kulungan ngayon, Aaraw-arawin ko yun para maramdaman niya na hindi siya nag-iisa na nandito ako para mag-alaga sa kanya tulad ng pag-aalaga ko kay Mi.



"Hello po."bati ko sa Lady Guard.



"Bibisitahin niyo na naman po si Miss Isabel Doc?"tanong niya, Yep kilala akong Doctor dahil nag-a-out reach program kami dito sa jail.



"Opo."sabi ko at pinapasok niya ko alam na nila agad na si Isabel ang bibisitahin ko kaya umupo na ko sa waiting are kung saan pwede kaming mag-usap ni Isabel.



"Hi Paul."bati niya sa akin.



"Kamusta ka na? Uncomfortable ka ba dito?"



"No ayos lang ako, They treat me good naman yung mga inmates ko mababait naman sila."



"Mabuti naman mag-intay ka lang ng Two years lalaya ka na."sabi ko sa kanya at ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.



"Thank you Paul, Nga pala kamusta na si Jane i mean si Mikay?"



"She still comatose."

_____________________________________

Comatose si Mikay ToT... I guess Isabel Deserves a Second Chance guys what do you think?

~Cynthia

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon