Forever 32 (Decision Making)

3.9K 62 6
                                    

Jane's POV

Mugto ang mata ko nung gumising ako, Nakatulog pala ko kakaiyak..

*Oh Oh Oh Ohh Ohhh na-nasa 'yo na ang lahat, Lahat na mismo nasa 'yo Ang ganda, ang bait, ang talino Inggit lahat sila sa'yo Kahit pa tapat man kanino.. Nasa iyo na ang Lahat Jane pati ang puso ko kaya sagutin mo na po ang tawag ko.*

"Hello."sagot ko.

"Hey SIS !!! Punta ka na dito Complete na kami sabi ni Gino di ka daw niya madadaanan kaya ikaw na lang pumunta dito bilisan mo ha!"sabi ni Tammy.

"Okay."sabi ko at pinatay ko phone ko.. Eto na ata iyon eh, Alam na kaya ni Gino kaya iniiwasan na niya ako? Akala ko pa naman mahal niya ko.


Medyo tinatamad ako nung naligo ako at the same time naiiyak ako paglabas ko ng bathroom nakita ko sa Body Mirror ko na mugtong-mugto at namumula ang mata ko nag-concealer ako para hindi halata.


Bumaba na ko at naabutan ko si Michelle, Wala na naman yung Butler namin di na ko nag-breakfast dumeretso na ko sa Garage at sumakay sa isa kong sasakyan..

"Hello Jane."

"Ow sh*t!!"sabi ko at napahinto ko yung sasakyan nandoon pala sa passenger seat si Luisa.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Well sasama ko sa pupuntahan mo.. Tinext ako ni Sofia na pinapupunta niya ako doon."masayang sabi sa akin ni Luisa ako? Naka-poker face lang bakit? Natatakot ako.


Natatakot ako na magalit si Gino sa akin kapag nalaman niyang pamilya ko, namin ni Luisa ang nagpakidnap sa kanya at kay Mikay natatakot ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko..

"Uy Hindi ka ba masaya na makita si Gino? Nag-away ba kayo?"tanong niya sa akin.

"Ha? Hindi inaantok pa kasi ako eh pero sige tara na."sabi ko at nag-drive na.


Nakarating kami sa isang formal resto at doon mag-cecelebrate na parang engagement party ni Tammy at Jao may Banner pa nga na "Engagement Party of Carla Tammy Loyzaga and Jared Austin Del Mundo."


Jared Austin pala buong name ni Jao..

"Jane!"sigaw ni Tammy habang naka-dress yup formal dress lang hindi gowns.

"Haha nag-engagement pa kayo."sabi ko tapos medyo lumingalinga ako hinahanap ko si Gino baka kasi alam niya na.. Napaparanoid na naman ako.

"Hinahanap mo si Gino?"

"Oo eh nasaan ba siya?"

"Hindi daw siya makakapunta eh pero nandito yung kapatid niya si Julia."sabi ni Tam at nalaglag ni Luisa yung glass wine niya.

"Uy Luisa okay ka lang?"

"Yeah i-im okay."sabi niya at huminga ng malalim alam ko na may problema siya.

"Luisa, Let's talk sa Garden."sabi ko at lumabas kami sa Garden nung Resto.

"J-Jane!! Julia Dela Rosa nandito siya!"sabi ni Luisa hindi ko siya maintindihan.

"Ha? Ayusin mo nga yung sinasabi mo hindi kita maintindihan."sabi ko sa kanya na-prapraning siya.

"J-Jane !! Si Julia yung kinidnap nila Lolo dati."sabi ni Luisa kaya medyo naguguluhan ako, Si Julia? akala ko ba si Gino at Mikay?

"Ano?! Si Julia Dela Rosa? Hindi siya narinig kong si Gino at Mikay daw yun."sabi ko tapos napakunot yung noo niya.

"Bakit parang ang gulo."sabi niya tapos napayuko siya.

"Teka Padilla!! Padilla si Mikay?! OMG Jane !!! OMG Talaga!! Mali ako nagkamali talaga ako so.. So si Lolo Raymond ang nagpakidnap kay Gino at Mikay and siya din ang may kasalanan sa pagkawala ni Mikay?! J-Jane hiwalayan mo si Gino."sabi ni Luisa sa akin kaya napa-frown ako.

"L-Luisa naisip ko na yan pero d-di ko kaya."sabi ko.

"Jane complicated ang sitwasyon!! Pamilya ko ang may kasalanan Jane sa pagkawala ni Mikay sa pag-hihirap ni Gino Pamilya ko which is pamilya mo din!!"sigaw ni Luisa pero ang mas nakakagulat eh..

"Kayo ang may dahilan sa pagkawala ni Ate Mikay?!"gulat na sabi ni Julia.

"Kayo nagpadukot kay Ate Mikay?!"sunod niyang tanong.

"H-Hindi i mean a-ano ba?!"medyo naguguluhang kong sabi.

"Oo pinadukot ng Lolo at Lola ko si Mikay at Gino pero wala kaming kasalanan dun sila Ngay-"pinutol ni Julia si Luisa.

"HOW DARE YOU?! Alam niyo ba kung anong hirap ang dinanas ni Kuya nung nawala si Mikay?! Alam niyo ba kung anong naramdaman ni Kuya noon? Nung naramdaman namin?!"sabi ni Julia na galit na galit.

"Im sorry per-"ako na yung nagsalita pero pinutol ako ni Julia.

"Sorry?! Sorry lang? Hindi kayo ang nakakita kung anong paghihirap ang naranasan ni Kuya, Hindi ikaw! Si Luisa o sino man ang nakakita kung paano siya mag-wala sa mga kasalanang kayo pala ang may gawa!! Hindi niyo naririnig yung paghikbi, pagsisisi niya sa sarili niya nung panahon na yun hindi kayo.. AKO!"sabi niya na galit na galit talaga, Kung ako ang nasa sitwasyon niya siguro ganoon din pero sana naman kunin din nila ang panig namin.

"Teka Delgado? Kayo yun di ba?"sabi ni Julia napatingin ako kay Luisa siya ang purong Delgado ako siguro kalahati na lang.

"Luisa Delgado."sabi ni Luisa kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Eh ikaw? Jane Delgado din na nagtatago sa apilidong Fernandez? Nandito ba kayo ulit para kidnapin ang kuya ko? O saktan siya dahil kulang pa yung ginawa niyo Anim na taon na ang nakalipas?!"

"No Jane Fernandez talaga ang name ko kakambal ng Grandma ko ang Lolo ni Luisa."sabi ko pero sinampal niya ko.

"Kaya ka ba nagpakita sa aming lahat dahil alam mong kamukha mo siya para masaktan si Kuya Gino? kame?"sabi niya.

"No, Mahal na Mahal ko si Gino."sabi ko sa kanya.

"Kung Mahal na Mahal mo si Kuya, Break up with him kasi mas malala kung magalit si Kuya at ayoko siyang masaktan ng mas malala pa! Please Jane nakikiusap ako sa inyo layuan niyo na kami."sabi ni Julia, Iniisip ko pa lang umiiyak na ko paano pa kaya kung gagawin ko na?

"J-Julia wala na bang.. wala na bang ibang paraan?"sabi ko at umiling siya.

"Ate Mikay is somewhere out there i knew it! Buhay pa siya please Jane ayokong papiliin si Kuya that time between you and her.. Ayoko din masaktan siya na kayo ang nagpakidnap sa kanila."sabi ni Julia sa akin kaya lalo kong napaluha yinakap ko si Julia.

"I am sorry."sabi ko at naglakad na ko palayo. Everystep i made sumasabay sa pagtulo ng mga luha ko, Love fails me again and again..

"J-Jane!"sigaw ni Luisa at yinakap niya ko.

"Kasalanan ko bang naging Delgado o Fernandez ako?! Kasalanan na ba yung wala tayong alam sa ginawa nila noon? Masama bang mahalin yung taong bawal?"sabi ko habang humahagulgol sa pinsan ko.

"Wala tayong kasalanan Jane sila ang may kasalanan nun."sabi ni Luisa sa akin. Sa pag-alis ko nung lugar na iyon kasabay nun ang pagdurong ng puso ko, Paano kaya kung si Gino na mismo ang katapat ko...


Bukas na Bukas i'll Break up with him..

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Where stories live. Discover now