Forever 3 (Painful Past)

6.1K 96 8
                                    

Happy Kathniel Day Guys ^^ So Ito po ang Update..


____________________________________
Gino's POV






Kamukhang kamukha niya si Mikay parang kambal silang dalawa, sigurado ba si Tita Kath na hindi triplets ang pinanganak niya? Nga pala lumabas na siya kakausapin ko na lang si Jacob at Bea.



"Uy Gino may problema ba?"tanong sa akin ni Jacob ng makita niya ako sa may Office niya.



"Ahh kasi umalis na yung ka-meeting ko so i-urong na lang yung order namin."sabi ko.



"Ahh okay, Sige Salamat sa pagpunta dito."sabi ni Jacob tapos umalis na ko. Sino na ba sa Barkada ang nakakita kay Jane isa lang naman ang pagkakaiba nilang dalawa eh Bangs.


Bumalik na ko sa Office ko after nung Lunch Meeting na yun at nakasalubong ko pa si Sherylle.



"Kamusta yung Lunch Meeting?"tanong niya.



"Fine."sabi ko sa kanya sabay pasok ng office ko at sinundan ako.



"Mrs. Fernandez talked to Tito a while ago, maybe they are planning to something like, sort of..."sabi ni Sherylle na pinuputol pa.



"WHAT?!"sabi ko nababadtrip ako eh.



"Hahaha Joke lang di ka mabiro nga pala dumating kanina yung Dominic Roque ata yung name nun ewan ko dun bwisit ako sa lalaking yun, sabi niya may na-meet daw siyang kamukha ni Mikay."pagkasabi pa lang nun ni Sherylle biglang napalaki ang mata ko.



"HA?!"baka si Jane yun.



"Sherylle, Pwede ka bang mag-hire ng Private Investigator at usisain mo ang past ni Jane Fernandez."sabi ko tapos nag-evil grin naman tong isang ito.



"Interested?"tanong niya.



"Gagawin ko ba ito kung di ako interested?"tanong ko kay Sherylle.



"Fine sige ako nang bahala."sabi niya sabay alis. Jane Fernandez sino ka ba at bakit parehong-pareho kayo ni Mikay?


I get my phone and call Tita Kath.



"Hello Gino napatawag ka?"


"Hello po Tita, Kamusta na po kayo?"


"Okay lang, Bibisita ka ulit dito sa bahay?"


"Ah Opo gusto ko po kasing makita din si Francis."


"Sige sasabihan ko si DJ kasama ba ang parents at kapatid mo?"


"Titignan ko po."


"Sige Bye."



Close pa din ako sa family ni Mikay kahit na wala siya, Nakakalungkot nga eh at the same time natatawa ako sa nangyari noon ewan ko tuwing naaalala ko na nag-kiss pa kami habang nasa panganib ang buhay namin.


Pina-pahunt ko na yung bumaboy kay Mikay gusto kong pagbayaran niya yung ginawa niya pero mukhang nagtatago pa din yung Hayop na lalaking yun.



"Uy Tam napadalaw ka."sabi ko kay Tammy na pumasok sa loob ng office ko as usual kasama si Jao.



"Yeah gusto lang namin sabihin na Mag-hahang out tayo next week weather you like it or not SASAMA ka mamatay ka sa kakatrabaho eh we are going to beach okay."sabi ni Tammy.



"Beach? Saan? Bora? Sawa na ko NO."sabi ko.



"C'mom Gino hindi tayo sa Bora or sa Palawan sa Laguna tayo pupunta yung pag mamay ari nu-"naputol si Jao ng pumasok si Sherylle.



"Eto na yung pinapahanap mo."sabi niya.



"Which One? Tatlo yun."sabi ko.



"Argh !!! Siyempre yung pangalawa, Alam mo naman na TNT yung pinapahanap mo eh saka kakasabi mo pa lang nung huli siyempre di agad-agad yun."sabi niya sabay balibag ng Brown Envelope sa lamesa ko.



"Wow may attitude ang Secretary ni DJ Hahaha."tawa ni Jao.



"She's my cousin kaya ganyan, May kasalanan kasi yan kaya pinagtrabaho dito."sabi ko.



"Ahh kaya pala, So pumunta kami dito para sabihan ka lang okay next week wala pang day eh at Barkada House Kita na lang doon okay."sabi ni Tammy tapos umalis na sila ni Jao ng hindi man lang ako pinagsalita grabe sila ha. Binuksan ko yung envelope, Fernandez Corporation sila talaga ang nag-invest sa amin? Hmm mukhang alam na ito ni Papa.



"Nandyan na si Gino?"rinig kong boses sa labas, Ugh !!! Isabel again..



"Wala pa siya nasa lunch meeting nga di ba?"sabi naman ni Sherylle ang adik talaga nitong babaeng ito.



"Liar !!! Nakita ko siya sa ibaba kanina na umakyat dito you even gave him a brown envelope inside at dumating din yung dalawang hinog niyang kaibigan baka naman gusto mo siyang masolo !!!"sabi ni Isabel... Hay hayaan ko na nga lang silang dalawa trip naman lagi ni Sherylle asarin si Isabel eh nang bumukas ang pinto at linuwa nito si Isabel na namumula sa galit ata tapos si Sherylle na hagikgik ng hagikgik dun sa may pinto.



"Isabel dumalaw ka ulit?"sabi ko.



"Actually di naman talaga ako umalis eh inaantay kita sa lunch meeting mo para sabay tayong mag-merienda tapos ayaw akong papasukin ng flirt mong secretary."sabi niya na tumingin kay Sherylle nung sinabi niya ang word na flirt tapos nagtaas kilay naman si Sherylle sa kanya.


Spoiled Brat si Sherylle sa pagkakaalam ko may ginawa kasing kalokohan at ayan nandyan na siya at kung ano yung kalokohan na yun? Ewan ko secret daw sabi ni Tita ang mama niya tapos binlack mail pa siya ng parents niya ayun natambak diyaan.



"I am full kaya di ako makakapag-meryenda kasi sasamahan ko ang parents ni Mikay."sabi ko kay Isabel, Alam niya din ang tungkol kay Mikay once na sinabi ko yun titigil na siya sa pangungulit he respect my girl kahit na head over heels siya sa akin.



"Fine sige alis na ko."sabi niya sabay alis, I know hindi niya kilala si Mikay she only know her by her name.



"Si Mikay lang pala katapat mo."asar na naman ni Sherylle hay hinahayaan ko lang si Sherylle na asarin si Isabel im sure bored yan saka wala siyang pwedeng pagmalditahan.


After ng Long work ko eh dumeresto ko sa bahay nila Mikay, Nandoon ang barkada, Ang parents ng Barkada, Ang Grandparents nila Francis at Mikay at si Julia except for my parents nasa Cebu sila ngayon.



"Tita Kath, Tito DJ sorry daw po sabi ni Mama at Papa nasa Cebu po kasi sila ngayon eh."sabi ko.



"Okay lang Gino na sabi na ni Julia."sabi ni Tita Kath habang nilalagay sa Mesa ang mga pagkain niluto ni Yaya Monic.



"Uy Ano kayo lalamon lang? Di niyo man lang tulungan si Tita Kath ?"sabi ko sa barkada si Tito DJ naman pinagmamasdan yung Family Picture nila sa Sala naalala ko ngayon pala yung araw na nawala kami ni Mikay kaya parang magsasama kami para alalahanin yung mga araw na kasama namin si Mikay.



"Sus nagpapagood Shot ka lang kay Mommy eh, Di ba Mikay?"sabi ni Francis ng masaya tapos biglang nawala yung ngiti sa labi niya tapos napatigil naman si Tita Kath sa pag-aayos ng pinggan na patingin din si Tito DJ gawi namin pati yung barkada na kanina nagtatawanan eh biglang napatigil ewan ko pero bigla kong napayuko, Kasalanan ko naman kasi eh... Kung hindi ako naging manhid at nakita ko na yung unang clue eh di sana kasama namin si Mikay ngayon....



"Gino wala kang kasalanan okay aksidente ang nangyari."sabi ni Mama Min tapos yinakap ako ni Mama Karla.



"Okay lang po."sabi ko tapos biglang sumigaw si Ella.



"OKAY !!! KAINAN NA !!! TOM JONES NA ANG BABY KO !!!"sigaw niya tapos ngumiti lang siya kay Francis alam na...



"Baby?"sabay naming sabi.



"Yup, Baby."sabi ni Ella nang masaya aba Daddy na pala si Francis.



"Di nga Ella?"sabi ni Tita Kath tapos yinakap niya si Ella.



"Ilang Weeks? Months?"sabi naman ni Tita Kiray kay Ella tapos nagkatinginan naman sila ni Tita Kath.



"Two weeks pa lang po."sabi ni Ella tapos lumapit naman sa kanya si Francis tapos nakangiti pa sila.



"Kailan ang kasal, Dapat engrande."sabi naman ni Tito DJ.



"Siguro mas maaga mas possible habang maliit pa ang tiyan ni Ella pero wag naman masyadong madaliin."sabi ni Francis.



"May Outing kayo di ba? Dun na lang yung engagement."sabi naman ni Tito EJ.



"Sige, Tamang-tama at may Outing ang barkada next week."sabi ni Tammy.



"Oo nga tara kain na tayo."sabi nila tapos nag-salusalo kami, May nagpapatawa tapos may tawa ng tawa na para kaming mga baliw habang kumakain, Yung matatanda eh nag-uusap kami naman eh natatawa lang sa pinag-gagawa namin medyo naiingit lang ako ng konti nung naging sweet ang barkada sa partners nila, Si Julia naman umuwi na dahil pagod na daw siya kasi kagagaling lang niya sa School kanina.


Lumabas ako sa Garden kung saan kami nag-aaral ni Mikay noon at umupo muna doon, Nag-iisip kung hindi kaya ako naging manhid at naging kami ni Mikay noon ano kaya ang nangyayari ngayon? Siguro.. Siguro..


Mas masaya kung nandito si Mikay

__________________________________

Sherylle and Gino on the side the Spoiled Brat Cousin XD

~Cynthia

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon