Chapter 12: Plan B

Começar do início
                                    

"Hala lagot ka araw!"-isa pa tong si Hyoyeon eh

Biglang iwinagayway ni Jess ang phone nya kaya napatingin kami sa kanya..-"Hey! check your phone guys, mukhang fi-norward nya talaga itong message para sa'ting lahat. I received same message from her"

At ayun nga ang ginawa ng tatlo. Nakarecieve din pala sila..

Ano kaya ang importanteng pag-uusapan namin?

Hahanap na naman ba kami ng school? eh sa pagkakaalam ko last school nalang namin ang SMAU? Hwag naman sana..  :(


Yoona's POV

"Sixteen.. seventeen.. eighteen"

Nandito ako ngayon sa washing area. Ano pa ba.. eh di naglalaba. Huhu. Natapos ko na ang mga damit ko at eto nalang talaga ang last. And guess what? eighteen jeans ANG LALABHAN KO! SERIOUSLY? Wow naman ha! sige ako na ang tamad maglaba hue hue.

Mga three weeks rin kasi akong hindi nakapaglaba eh. Hindi ko talaga gusto ang paglalaba. Isa pa hindi ko din magagamit ang tatlong washing machine kasi nakalagay pa dun ang mga damit ni Sunny unnie, Taeng unnie at Sica unnie. Ayokong malasin ang buong linggo ko lalo na't sila ang pinaka-nakakatakot kong mga unnies.

Hay.. ayoko namang ipa-laundry tong mga to kasi mainit ang panahon baka umitim pa ko kung lalabas pa ako ng bahay. Hindi ko kayang umitim guys!

Wala na ata akong magagawa at kailangan ko na talaga tong labhan 

Kaya ko to!

"Fighting!"

Tahimik lang akong naglalaba pero napansin ko, merong nakatingin sa'kin. Agad akong tumingin sa paligid.. pero wala akong nakita. Wag nyong sabihing may....

"WAAAHH!!"

"Nyahahaha!!"

"Yah! Yuri unnie naman eh!"

"Haha! nagulat ba kita?"

"Ah hindi siguro unnie? mapapasigaw ba ako kung hindi ako nagulat?"

"Haha! kasi naman ikaw eh! parang ang lalim ng iniisip mo"

"Eh kasi ang sakit sakit na ng katawan ko sa kakalaba tapos kakasimula ko palang maglaba sa mga jeans ko huhu"

"Yan kasi.. hindi ka kasi naglalaba. Puro pangto-troll at kain lang ang alam mong gawin"

"Unnie naman eh! pinuntahan mo ba ako dito para pagalitan?"

Ngumiti si unnie sa akin..-"Hindi, pinuntahan kita para tulungan"

Agad namang kumislap ang mga mata ko..-"Talaga unnie?"-panigurado kong tanong sa kanya

Muli ay binigyan nya ako ng genuine smile..-"Oo naman! lab kaya kita"

"Okay lang ba talaga unnie? I mean kasi nakakahiya at saka mahirap maglaba"

"Oo nga sabi ehh. Haha! at saka bakit ka naman mahihiya? okay lang naman sakin. Hindi naman mahirap maglaba. Sadyang tamad ka lang haha!"-sige unnie ulitin mo pang tamad ako.

Makalipas ang kalahating oras ay natapos na rin kaming maglaba. Mukhang nag-enjoy din ako sa paglalaba dahil may kakwentuhan na ako. Ganito pala kapag naglalaba sila. Kaya pala hindi sila tinatamad dahil kung magkwentuhan eh wagas kagaya namin haha! now I know hue hue

Kaya simula ngayon, kung maglalaba sila, eh makikisabay na rin ako or kapag maglalaba ako eh yayayain ko nalang si Yul unnie haha!

Binigyan ko si unnie ng finger heart..-"Thank you unnie. Hulog ka talaga ng langit hehe"

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora