☑ Chapter 6: Aftermath

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang patuloy na naglalakad, bigla kong napansin na parang nag-iba ang tingin sa akin ng iilang mga tao dito. And some girls are giggling on the side.

"Zypher," When I heard that voice, agad kong naintindihan ang reaksyon ng mga tao. So, the charming prince is walking behind me.

"Prince Carl." I greeted na mas ikinalapad ng ngiti niya. "I heard about what happened." Tumango lang ako sa kaniya at nagsimula muling maglakad. He immediately walked beside me.

"Well, I can see that you're running late because of it. Dinala mo raw sa dog house niya si Diego sa kakahuyan." Pagpapatuloy ni Carl sa gilid ko. Hindi lang ako umimik at muling tumango.

"I can help you get to your room." This time, I glanced at his friendly face. "We're classmates for first period, actually." Mas malapad ang ngiti nitong usal. He sure looks like someone approachable. Bagay nga sa kaniya ang nasa student body.

"Follow me." Sabi nito at agad nga akong sumunod sa kaniya.

"I saw Mia and Alex earlier. Nandoon sa classroom na papasukan ko rin sana, I just forgot about something in the SC room kaya umalis ako. Then, I found you." Pagkukwento nito habang kami ay naglalakad. I just nodded at him. His friendly demeanor makes me feel kind of rude for not really talking back to him. Pero, ano ba ang masasabi ko doon? But when he glanced and smiled back at me, parang he doesn't mind being the only one to talk. That kind of made me feel settled.

Huminto bigla si Carl sa isang pinto sa gilid niya. Hinintay kong pihitin niya ang pinto ngunit bigla nalang itong bumukas. Agad na bumungad sa amin ang natigilang propesor sa pagdidiskusyon.

"Prince Bendleward, Miss..." Pagpuputol ng ginoo sa pagsasalita dahil hindi niya alam kung sino ako.

"We apologize for being late, Sir. I led her here to our class. Since she's a new student, hindi pa niya alam masyado ang mga lugar sa academy. She's Miss Alvarez." Agarang pagsasalita ni Carl sa pinapormal na boses ngunit ang ngiti niya ay pawang permanente na sa mukha niyang nakapagpahagik-ik sa mga babae sa loob ng silid.

I saw Mia and Alex giggling along with the other girls. Maliit silang kumaway sa akin habang pasimpleng tinuturo ang prinsipe sa gilid ko. I amusingly watched them. They just have this huge crush in every guy royalty in Seandal Academy.

"Okay. I understand and I will consider that." Pagsasalita ng guro na ikinatingin ko sa kaniya.

"But I don't really like tardy students. So next time, be on time. Alright?" Pormal na pagsasabi nito sa amin.

"Yes, Sir." Halos sabay na sagot namin ni Carl. Tumango ang medyo may edad na propesor at tiningnan ako.

"Please do the honor of introducing yourself, Miss." Tumango nalang ako at wala nang nagawa.

I walked in front of the class at agad silang hinarap. Naiangat ko ang tingin sa pinakamataas na bahagi ng paakyat na upuan ng classroom nang maramdaman ko ang mabibigat na presensya ng mga taong nandoon. And there, I saw the four royalties, looking at me.

Saglit kong naisip kung nasaan si Prince Ed, ang prinsipe ng Water Kingdom, but then realized na magka-batch pala sila ni Ate Gab. Saglit kong sinalubong ang halos nag-aalab na mga mata ng prinsipe ng Fire Kingdom bago ako umiwas at pormal na nagsalita.

"I'm Zypher Alvarez. A healer." Maikli kong introduksyon. Walang gumawa ng ingay habang nakatitig lang ako sa harap. I can feel all of their gazes on me. Especially those burning ones from the back. Wala akong ginawang reaksyon. I just waited for the teacher to speak.

"Okay. You may now sit, Miss Alvarez." Mahina akong tumango at agad na naghanap ng upuan. Agad na napatingin ako kina Alex at Mia pero wala ng upuan na bakante sa gilid nila. They both looked at me apologetically. Tumango lang ako para ipahiwatig na okay lang.

21st Century GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon