Chapter 1

113K 2.4K 276
                                    


Danny Schwarz as Samuel Ignacio Rivera III

This scene contains violence and some mature parts.

Chapter 1


"Mag-ingat ka, anak." Sabi ng Papa ni Vannie sa kanya nang dumating na sila sa university niya. Lagi kasi siya nitong inihahatid tuwing umaga at sa hapon naman, nagcocommute na siya. Madalang lang kasi siyang nasusundo ng ama niya pagkatapos ng klase kasi madalas busy ito sa ospital dahil sa dami ng pasyenteng nagpapa-opera. His father is a surgeon.

"Oo, Papa. You too." Vannie kissed her father on the cheek as she opened their car's door.

"Good morning, Tito." Napalingon naman si Vannie nang may nagsalita. It was Adrian.

"Ayan na pala ang Adrian mo." Tukso na naman ng Papa niya. Alam niyang magaan na magaan na ang loob nito para sa lalake. "Sige, Adrian, bantayan mo anak ko, ha?"

"Yes po, Tito." Sabi naman nito sa Papa niya.

"Adrian!" Natatawang hinampas ito ni Vannie sa balikat. What her father said was embarrassing. "Sige na Pa, baka malate ka pa sa meeting niyo." Aniya.

"Sige, take care the two of you." Natatawang sabi rin nito sa kanila at tuluyan nga itong umalis.

"You know, my father is starting to like you a lot," Sabi niya kay Adrian nang naglalakad na sila papunta sa loob ng university.

Adrian Villaflor is her suitor for 4 years already. 'Nung high school pa siya nitong nililigawan hanggang sa magcollege na lang silang dalawa. They were also classmates since high school. And of course, both of them became so close since then.

Yes, she has to be honest to herself, gusto rin niya si Adrian. Pero since she started school, she promised to prioritize first her studies, ang makapagtapos siya—to become a teacher. Gusto niya munang grumaduate ng college at magkaroon ng stable na career. Yun kasi lagi ang pangaral ng mga magulang sa kanya na ang pinakamahalaga ay makakuha ng magandang edukasyon at trabaho sa buhay.

Adrian knew her priorities and what made her fall for Adrian most was—Adrian was very understanding and supportive—na susuportahan siya nito sa kahit anong daang tatahakin niya sa buhay. That Adrian was willing to wait for her.

That's why she also promised him na magiging official na couple sila after she graduated from college. Yes, both of them knew that they're mutual. Kulang na lang ay ang salitang 'real relationship'. Hindi pa kasi sila official na couple na dalawa—more like mutual understanding.

But anyway, she was still happy for it, for having Adrian at her side—her confidante and best friend.

"So, ibig sabihin ba niyan, nasa kin na blessing ng Papa mo—"

Hindi naman natuloy sa pagsasalita si Adrian nang may bumangga sa likuran niya. Then a group of men passed, walking all mighty as if they were the kings of the university.

"H'wag ka namang humarang-harang sa daan, scholar." Sabi nung isa at nagsitawanan naman ang lahat ng kasamahan nito. It was no other than the Alpha Gamma Phi fraternity.

"I don't know what's wrong with this university. Pumapayag silang magpapasok ng mga mahihirap, poor people should only remain on their places. They don't deserve to be part of the elite." Sabi pa ng isang lalake. Vannie knew who the guy was. It was Max Peter Magallanes, who came from a very wealthy family who deals with real estates and condominiums around the country.

"Putting down on people, diyan lang kayo magaling diba?" Nagulat naman si Vannie nang biglang nagsalita si Adrian. Adrian is a scholar and Adrian isn't really that rich to afford their university. Galing lang kasi ang lalake sa isang simpleng pamilya.

The Bad Boy's Club (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon