Chapter 17

16 0 0
                                        

Patterns I'd End Up Choosing
Gera kung gera



"What... did you say?" I asked gruffly, trying to calm myself after hearing that incredible nonsense.



Halos magtiim ang bagang ko.



"Are you really pregnant, Presci?" matulis kong nilingon si Christine kahit pa malambot ang tono ng boses nito nang tanungin ako.


I'm so pissed I could punch someone in the face and deal with whatever comes next later.



"'Nga naman, masyado pa tayong bata para sa gano'ng bagay. Hindi man lang ba kayo gumamit ng proteksyon?" napapikit ako bago ibaling ang tingin kay Mercy na halatang nang-aasar pa.



"Why would you even think that rumor was true? Ikaw ba ang nagpakalat no'n!?"



Hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses.



She gasped dramatically, covering her mouth with her palm as if offended. "Oh no! Ano ka ba, Prescilla! Bakit ko naman gagawin 'yon sa napakaganda kong kaibigan?"




"She's telling the truth, Presci. Kumalma ka. Hindi galing kay Mercy ang haka-hakang 'yon."



"Talaga nga bang haka-haka lamang 'yon?" pangunguwestyon ni Mercy na marahas kong ikinatawa.



Kaunti na lang, makakatikim ang babaeng 'to sa akin.



"Don't be so dumb, Mercy. Of course chismis 'yon kung hindi galing sa'kin," I said, the sarcasm slipping out even as the whole thing pissed me off.



Huminga ako nang malalim. Sa huling pagkakataon, pilit kong ikinalma ang sarili ko bago bitawan ang tanong na kumukulo sa dibdib ko.


"Sino ang nagpakalat nito?"






***

Galit na galit hindi lang ang aking mga yabag; I'm so pissed to the point na nanginginig bawat kalamnan ko.




Para yata akong maiiyak sa galit, but luckily, napigilan ko 'yon. I don't want to look pathetic in front of these people, even though I think they already see me that way dahil sa mali-maling impormasyon na ipinakalat tungkol sa akin.



Mabilis kong tinahak ang homeroom kung nasaan si Angel, nagbabakasakaling naroon ang ahas.





"As both President and Vice President, we're required to host them on a campus tour. Iyon ang iniatas ng Dean sa atin kahit unang term pa lang. Kinakabahan tuloy ako.."



Sa tapat pa lang ng classroom, nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang matamis niyang tono.





Agad ko siyang natanaw, nakaupo sa tapat ng mesa ni Elvis, kung saan nakapaharap ang upuan nito sa kan'ya.





Elvis was writing something in his notes while the angel in disguise was putting on her cute-act routine. Obviously, to seduce him!



Siya itong malandi, tapos ako ang gagawan niya ng issue!




"Kaya nga hindi na ako nag-abala pang sumali sa mga clubs this semester. Maybe if I were less busy for that matter, susubukan kong mag-register sa Junior Executive Club. Gusto kong maranasan ang in-house seminars nila ron with the local businessmen at iba pang interesting na activities nila."



Natigil lamang sila sa pag uusap nang mapansin nilang may tao sa gilid nila.





Pareho kong nakuha ang atensyon nila. Elvis shot me a look, his brows slightly knotted in confusion, while the girl he was having a conversation with looked surprised and frightened.


Patterns I'd End Up ChoosingМесто, где живут истории. Откройте их для себя