Patterns I’d End Up Choosing
Try it.
Sumunod ako kay Elvis nang buksan niya ang pinto ng kan’yang malaking silid. Kitang-kita ang linis at pagiging organisado niya sa disenyo at ayos pa lang ng gamit at kwarto niya.
Nakapag house tour naman na ako sa subdivision at village nila Mercy tuwing maypa tea party, sleepover, o anumang ganap. Ngunit iba talaga ang laki ng lupain ng hacienda nila Elvis. Kung hektarya ba naman ang labanan sa probinsya, walang dudang ang kanila ang may pinakamalaki.
Natauhan lang ako nang makarinig ng pagdadabog mula sa study table niya. Nando’n si Elvis, tila nakayuko habang mariing hawak ang mga libro. I think those were what he was supposed to teach me.
Ilang segundo siyang tahimik. Lumapit na 'ko para i-check siya. Baka naman masama ang pakiramdam niya, tapos heto't pinipilit ko siyang tulungan ako. Kahit naman pag-aaral ko ang nakataya rito, hindi naman ako abusadong tao, no.
“Huy, ayos ka lang d’yan?” tanong ko agad nang makalapit.
Elvis took off his glasses and massaged his temples before putting them back on. Nilingon niya 'ko bago tuluyang umayos nang pagkakatayo at humarap sa'kin hawak ang ilang libro.
“Ano 'yon, Prescilla?”
“Ang alin?” inosente kong tanong.
“Nagde-date ba kayo ng kapatid ko? Bakit ka niya hinalikan?”
Natawa ako. Akala ko kung ano na. Hinawi ko pa ang buhok ko at umarte pang nagpapacute. “Can't you see? Kahit sinong lalaki, sa hitsura kong ito, baka kulang pa ang isang halik.”
Hindi niya nagets at kinunutan lamang ako ng noo.
“Ewan ko sayo. Talaga bang magkapatid kayo? Mas kilala ko pa ang ugali ng kapatid mo kaysa sayo, e.”
Binuka niya ang bibig para sana magsalita, pero agad rin natikom. Elvis let out a weary sigh and rubbed his temple again. Seriously? Anong big deal ron?
“Ganu’n talaga siya sa lahat ng babae, kahit sa mga girl friendships ginagawa niya ’yon. Malaking flirt ang kapatid mo, just so you know. Tsaka hindi naman big deal ’yon sa’kin, I’ve done more than that.” sabi ko na parang wala lang.
Mabilis niya akong nilingon at hindi nagsalita. “Tara na,” aya ko para naman matapos na kami at makauwi na ’ko.
Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa kama para maupo. “You've done it?”
Napalingon ako sa kanya.
Napalunok siya bago magpatuloy. “T-The… deeds? You’ve done it? H-Hindi ba masyado pa tayong bata para sa mga gan’ung bagay? Tsaka ginagawa lang ’yon pagkatapos ng kasal, hindi ba?”
I laughed at his cuteness. Kung pwede ko lang siyang kurutin sa pisngi ay ginawa ko na.
“Of course, I haven’t! But I’ve done more than just hugging and kissing sa mga fling ko. I’ve seen a man’s thing up close, pero ang perlas ng silanganan ko, hindi ko pa isinusuko, no. Pero inaamin ko, I’ve touched a guy once… and a few have touched mine, only for fun.”
Napalunok siyang muli. He looks so tense, parang hindi siya sanay sa ganitong topic. Hindi nakakagulat sa kanya ‘yan.
“Try it.”
“T-Try…?”
“Subukan mo, tutal lalaki ka naman. Walang mawawala sayo kung susubukan mo.” suhestyon ko.
Umiwas siya ng tingin. “… Mag-aral na tayo.”
Lumapit siya, dala ang mga gagamitin sa aming tutorial sessions. I also took out my stuff from my bag before putting it down somewhere. Kinapa ko rin ang aking bulsa. Good thing at may natira pa 'kong chewing gum. Ito na lang muna ang ipampapalipas ko ng gutom. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko sa gutom, e.
