Patterns I'd End Up Choosing
Heartache that no one cares about.
Mahigpit na sinuri ng propesora ang computation ko. Hindi man lang siya ngumiti, lalo tuloy hindi ko malaman kung tama ba ang ginawa ko o hindi! Mataas naman ang aking kumpiyansa. Pero parang nanlalamig ang kamay ko dahil sa ayaw pa nito akong paupuin.
"Very good. Ambilis mong natapos." pahayag niya sa kung ano ang obvious. "Pero baka nakakalimutan mong may reporting ka. Tumayo ka muna dyan at maghintay matapos."
Hindi tayo pareho ng edad. Matandain pa ako.
Hindi ko iyon nakakalimutan!
Kung wala lang akong preno, baka nasagot ko na nang pabalang ang matandang ito sa sobrang inis. Pasalamat siya at hindi ako ganun kabastos para gawin 'yon! But at this point, I'm honestly wishing I had the chance.
As if may magagawa ako, sinunod ko na lamang ang utos niya. Kinalaunan, natapos na rin sa pagsasagot ang ilang kasama namin ni Elvis, at tanging ako na lang ang mukhang tanga na nakatayo sa gilid.
Lumabas na ang scores matapos ipa-check ng propesora ang mga papel. Kawindang-windang na nakapasok ako sa top five highest! Si Elvis ang naka–perfect score. Hindi naman na nakakagulat, pero masaya ako dahil hindi nasayang ang pagod at pagpupuyat ko makuha lang ang technique! Effective talaga ang pag-aaral kapag galit ka at may gustong patunayan.
Nakangisi ako, kahit na lantad ang pangmamata ng prof sa'kin—deadma. Mas lalo ko pang itinaas ang ulo ko habang tinititigan ko siya pabalik. Halos hindi ko na maalala ang mga nangyari noong pinahiya niya ako sa unang klase.
Because now? We're fucking even. Siya ngayon ang napahiya sa ginawa niyang pangmamaliit sa'kin.
Nagsimula na rin siyang umupo sa gilid para bigyang-daan ang task na ibinigay niya sa'kin.
Agad akong nagsulat para kopyahin ang tatlong problems na sasagutin ko mamaya. Sinimulan ko ring isulat sa pisara ang apat na interest at ang kani-kanilang time value of money.
Huminga ako nang malalim, at sa ilang segundong iyon, tinipon ko sa utak ko ang lahat.
Maigi kong sinalansan ang bawat napag-aralan at natutunan ko kay Elvis. Kahit patuloy akong pinuputakti ng mga alaala ng pagtatalo namin sa kusina nila noong gabing iyon, pinilit kong pigain iyon just so I could focus on what I had to say and do in this class.
Taas noo akong humarap sa kanila. I couldn't imagine what kind of expression I was wearing, but I knew I looked dead serious while holding our professor's book.
"Bakit nga ba mahalagang malaman natin ang Simple, Ordinary, Compound and Exact Interest?" panimula ko.
Naglakad ako papunta sa puwang kung saan nakasulat ang apat na iyon sa blackboard. "Kung umutang ka, dapat alam mo ang mga kondisyon ng lender. Siguraduhin mong legal, at mas lalo nang dapat aware ka sa kabuuang bayarin. Hindi naman kasi lahat ng tao may sapat na kakayahan kagad. At kung mag-iinvest ka, hindi mo ba gugustuhing maintindihan kung paano talaga lumalago ang pera mo? Kung alam mo ang fixed at kung ano ang lumalaki, mas makakagawa ka ng planadong budget. Marami d'yan, nagbabayad ng sobra o di kaya naman ay kulang dahil hindi lubos ang kaalaman sa tinatawag na ordinary o exact interest."
The fact that they were really into it made me feel even more confident in what I do. Pakinig na pakinig sila sa'kin, at may ilan pa sa kanila na nagbibigay ng sariling analogies, nagre-recite ng mga sagot at tanong. Mas lalo lang akong nabubuhayan, at nadaragdagan pa ang kaalaman ko dahil sa mga analogies nila na talagang nagagamit in real life scenarios.
