Patterns I'd End Up Choosing
What the hell are you doing here?
Matapos ang dalampung minutong byahe mula lungsod ng Naga, nakarating na rin kami sa bayan ng Pili.
“Siguraduhin mong handa ka, Elvisorio!”
Ano na naman kaya ang pakay ng babaeng 'yon sa'ken? Nakahalumbaba ako nang malapit na namin salubungin ang malawak na hektarya ng hacienda.
It stands like a timeless, high-relief structure of Spanish architecture, with French windows and a wide veranda that overlooks the rice fields and the quiet outskirts of the village.
As I let my eyes wander around, each spot was surrounded by smaller homes where the caretakers and farmers lived day and night for their comfort.
Tuwing gabi, humuhuni ang mga kuliglig; tuwing tag-ulan naman, nagsisilabasan ang mga palakang bukid. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang mga kumikislap na alitaptap sa bahagi ng Acacia, kung saan nakatayo ang treehouse na tambayan namin noong mga bata pa kami nila Elias. Bihira lang silang makita ro'n, tuwing malamig na gabi ko lang naaabutan ang kislap nila.
Ngayon, wala na rin akong oras para hagilapin pa ang mga insektong 'yon. Madalang na lang, siguro sa tuwing kailangan ko mapag-isa upang makapag isip ng tama.
Sa likod ng hacienda ay nakatayong windmill naman na katabi ng one story rustic ranch na tanging workshop ko, mga tarangkahan ng iba't-ibang hayop at maraming puno't pananim ang makikita.
I’m grateful for everything, but there’s something here I love looking at even more.
"Señorito Elvis! A-Ano pong nangyari sa inyo?! B-Bakit po dinudugo ang kamay ninyo!" Isang malambing at naghuhuramintadong boses ang bumungad sa'kin nang tuluyan akong makalabas ng sasakyan.
Naibagsak ni Faelia ang timbang kahoy na buhat niya bago ako tuluyang salubungin. Napangiti ako nang maramdaman ang malambot niyang kamay, tila nag-aalalang tulala sa kamao ko.
"Wala ito. May nangyaring gulo lang sa school na pinapasukan ko, hindi naman ako nasaktan. Bagkus ako pa nga itong nakasakit."
Tumango-tango siya.
Nagulat pa ako nang bigla niya akong hilahin, papunta sa malapit na balon. Tulala ko siyang pinanood linisan ang mga natuyong dugo.
Sa ginagawa niya, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
Elvis, don't be fucking insane.
I swallowed hard. Gustuhin ko man umiwas ng tingin, hindi ko magawa. Masyado siyang maganda.
"Mabuti naman ho at hindi kayo napuruhan, Señorito Elvis. Kapag po nalaman ito ng Papá niyo paniguradong—"
"He'll know."
Kumunot ang noo niyang inangat ang tingin sa'kin. Hindi nga pala siya marunong mag english.
Lumaki na siya sa puder ng Fuego kasama ang magulang niya, hindi na siya nabiyayaan ng pagkakataon makapag-aral. 'Di dahil sa pera at walang kakayahan—handa silang tulungan ng Mamá sa bagay na 'yon kung gugustuhin ng pamilya nila—kundi dahil sa ayaw niyang malayo sa bukid.
Takot siya sa lungsod, at tila nasanay na lang manirahan kasama namin para mamuhay rito. Para sa kan'ya, sapat na 'yon.
"Ibig kong sabihin, malalaman niya. Panigurado 'yon."
Could be anyone but my Dad, hindi makakatakas sa kan'ya ang ginawa kong kapalpakan.
Kung kanina'y 'yun lang ang nasa isip ko, ngayon tila napawi ang lahat ng kaba ko pagkat nasa harap ko na ang babaeng nagpapagaan ng suliranin ko.
