Patterns I’d End Up Choosing
Gain a new boy friend.
“Sigurado ka sa gagawin mo, Prescilla?” may halong pagkabalisa at kaba sa tanong ng pinsan kong si Budjoy.
I’m done packing, and now he’s helping me move my belongings into his red surplus Willys. Good thing, maagang natutulog ang magulang ko; kapag nahuli nila kami ni Budjoy, siguradong mamamaga ang puwet namin sa mga palo ni Mama.
Pero hindi ba ito naman ang gusto niya? Ang palayasin ang anak niyang puro perwisyo ang inaambag sa buhay nila? Kaya heto ako ngayon, lalayas na 'ko sa buhay nila!
Kahit pa noong junior year, hindi sila ang uma-attend sa mga parents’ school program o PTA ko. It’s always Tita Clara or Tito Juancho who are present at the classroom meetings for me. Isinasabay na lang nila ako dahil sabay lang naman halos ang pagpapatawag ng magulang namin ni Budjoy, kahit malayo ang agwat ng college years namin.
It’s a relief, actually. Kapag sila ang uma-attend para sa’kin, hindi na ako mag-aabalang sagutin ang pangunguwestyon sa’kin ng mga bff's ko.
Presentable kung manamit ang mag-asawa, hindi gaya ng sa magulang ko.
Kahit palaging nireregaluhan nina Tita Clara ang magulang ko ng magagarang suot at mga gamit, they never use them.
My parents just sell those things; ni makipag-sosyalan, hindi nila ginagawa.
I don’t know if it’s their pride or what. Hindi naman sila mapapakain ng pride nila.
Kung sana man lang may pake sila, hindi lang sa sarili nila; hindi nila tatanggihan alinman sa mga paunlak ni Tita at Tito tuwing may mga disperas o okasyon para sa pagsasama-sama ng pamilya.
Sigh.
Pinagpag ni Budjoy ang palad niya nang matapos niyang ilagay sa likod ng kan’yang jeep ang mga gamit ko.
“Wooh! Buti na lang, ito ang sasakyang dala ko.” buntong hininga niya.
Sabay naming binuksan ang pinto ng Jeep. “Kung bakit ba naman kasi pabigla-bigla ka riyan. Akala ko ba ang plano ay ipapaalam kita? Bakit kinita mo ako dala ang mga gamit mo rito?”
Humalukipkip ako at nasa harap lang ang tingin. “Napaka pangit ng araw na ’to.” usal ko.
I was just praising myself earlier, thinking this day would be on my side. Turns out it was the complete opposite of what I expected.
This is the worst day ever.
No. Actually, it isn't just today—everything has been awful! Pangit ang buhay na pinagkaloob sa akin!
“E, ano nga ba kasing nangyari?” ubos-pasensiya nitong tanong habang focus sa pagmamaneho.
Bumuntong hininga ako. I trust Budjoy with everything. He even knows I’m just playing this stupid part of a rich damsel in distress.
“Nagtalo kami ni Mama.”
“Anong bago ron? Hindi naman talaga kayo magkasundong mag-ina ni Tita Luci.” natatawa niyang sambit.
“I’m tired of that with her, okay, Budjoy? I need a break, yawa naman! Nag-aaral ako kasi gusto kong mapagsumikapang makaahon sa hirap! Masama ba ’yon?”
“No.” mabilis niyang sagot.
“Right? Pero parang balewala sa kanya 'yon. Nanay ko siya, dapat siya ang unang magpu-push sa’kin na magsumikap at huwag gumaya sa kanila. Sa katunayan nga, kung ganitong klaseng buhay lang pala ang ibibigay nila; hindi na nila ako dapat binuhay pa.”
