Chapter 6

37 0 0
                                        

Patterns I'd End Up Choosing
Isang linggong pag-iwas.

Tulala akong nakatitig sa labas ng bintana mula sa pwesto ng two story resto na pinagkakainan namin ngayon.

Tanaw mula rito ang malapad na structure ng school namin at mga puno na nakapalibot rito.

Kasing bagal ng mga jeep, kotse, at tricycle na dumaraan sa kalsada ang utak kong lumilipad na kung saan-saan.

What the hell just happened?
Did I seriously imagine kissing him?

That nerd’s lips?!

Matagal na akong attracted sa kanya, but lusting over him is out of line! How could I even think of something like that about him?

Nakakaawa lang isipin na ako ang magiging first heartbreak niya kung sakali.

The very reason why I can’t mess with him is because, to me, he seems like a fragile man who doesn’t know anything except studying and reading on his own.

Hindi gaya ng mga lalaking naka-make out ko na, Elvis doesn’t seem like the type who would go for that.

I see him as the date-to-marry type of guy, while I’m not.

Kahit pa sabihin na ako ang babae , ayoko pa rin matali sa murang edad! Gusto ko pang mag-enjoy sa buhay at sulitin ang kabataan ko, no.

And Elvis… we’re complete opposites. He was about to be engaged when he turned eighteen, then married right after ng graduation niya. Take note, at okay lang sa ka'nya 'yon.

Naka-plano na ang mangyayari sa buhay niya, na para bang isa itong bucket list. Pero kung ako ang nasa katayuan niya, I’d rather run away than fulfill those things, as if it’s my duty to let someone else have control over my life.

No one’s choice will ever decide my faith.

Mahirap ako, pero hindi ako isang preso na ikukulong na lang ang sarili sa isang sitwasyon na wala akong kalayaan magdesisyon para sa sarili ko.




"What do you think, Prescilla?"

Nalingat ako sa kaharap ko, si Mercy. Nakangiti siya at nasa akin ang buong atensyon, gayundin ang tatlo pa naming kasama na hinihintay ang sagot ko.

"Ano ulit 'yon?"

Naglaho ang ngiti ni Mercy at napairap.

Nag-aaya pala siya mag ditch nang makapag disco daw kami. May naka set na raw kasi siyang meet up mula pa sa mga senior namin sa Campus.

Gusto ko nalang sanang tumanggi dahil tinatamad ako at wala sa mood. Pero sa tuwing nai-imagine ko na magtatagpo lang ang landas namin ni Elvis, wala akong ngawa kundi ang sumama na lang.

I need something to distract me. Nang sa ganon, baka sakaling makalimutan ko ang mga eksena namin ni Elvis sa hacienda ng Fuego.

Baka sakaling kapag sumama ako at makakilala ng panibagong boyfriend, makalimutan ko na siya.

Hindi naman ako nagkamali. Dahil nang makarating kami sa disco bar, tumigil ang utak ko kakaisip ko sa nerd na 'yon.

Pinagayan rin agad kaming makapasok.

Sa normal policy ng mga tipikal na disco, pinagbabawal ang istudyante o underage na pumasok sa loob. Ngunit dahil pamangkin si Miranda ng owner nitong disco bar, mabilis kaming nakalusot.

Umupo ako sa lounge na katapat ng bar area, hinihintay sila. Kinailangan nilang magpalit dahil naka uniform kami na pumasok rito. Hindi na ako nagpalit pa dahil natatakpan naman ng cardigan ang white blouse na uniform ko.

Patterns I'd End Up ChoosingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ