Chapter 15

15 0 0
                                        

Patterns I'd End Up Choosing
Don Sergio & Bitter memories.





Abot ngala-ngala ang tili ko. Natumba si Elias dala ng kalasingan, kaya naman inalalayan ko siya only to end up getting completely stained by his disgusting vomit right when he blacked out!




Kanina ko pa siya sinusubukang gisingin pero para siyang wala sa sarili.




I had no choice kundi hanapin kung saan siya nag-park ng sasakyan. It's not so weird that I know what his car looks like. Gaya ni Elvis at ng bunso nilang kapatid, may kanya-kanya silang sasakyan at tsuper na naghahatid-sundo. Natural na sa'ming lahat na alam 'yon, lalo na't kilalang-kilala ang pamilya nila hindi lamang sa sa buong bayan, pati na rin sa UNC na halos pag harian na nila. Walang araw na hindi sila hatid-sundo ng iba't-ibang model ng kotse.




Luckily, nandoon ang driver niya sa loob. Kapag nagkataon, hindi ko alam kung saan ko patutuluyin ang nakakainis na batang 'to! I really hate him!



Nakakadiri at nakakagalit at the same time lalo na't isa pa ito sa mga paborito kong outfit! Isang taon ko itong iningatan para hindi matastas o mahulas ang kulay! Tapos susukahan lang ng kumag na 'to! This day could never get any worse!





My arms were crossed.




Masama ang tingin ko sa unahan, lalo na kay Elias na nakaupo sa front seat. The jerk is taking his sweet time resting while I'm here suffering at the backseat, waiting for us to finally get him home.





I'm not even sure kung bakit ba sumama pa ako. Hinayaan ko na lang sana ang driver nila na ihatid siya! Edi nakikisaya sana ako sa mga kaibigan ko sa party ngayon.

But then that reminded me of my ex.


I'd rather go along with this kid than have to see his face again. So, now, I ended up taking this route instead.

Worst route, ever! Lalo pa nang makarating kami sa hacienda. Ilang beses yata akong napamura nang malutong nang tumangging tumulong ang driver nila! Natatakot daw siyang mahuli at madamay kung sakaling malaman ni Don Sergio ang kabulastugan ng pilyo niyang anak. Hinabilin pa niya sa'kin na hangga't maaari, huwag na huwag akong magpapahuli sa mala-pulis na tatay nina Elvis.






So kahit pala anak-mayaman, nakakaranas pa rin ng hagupit at sermon. I thought they were spoiled in wealth and praised in everything—turns out I'm wrong.






Kahit na.

Kung ako ang nasa posisyon ni Elias, kahit habambuhay pa akong sermonan, tatanggapin ko. Basta habambuhay rin akong magiging mayaman.






Pasuray-suray ang salita ni Elias habang buhat ko siya sa pamamagitan ng lakas ng aking balikat. Paulit-ulit akong kumatok hanggang pagbuksan kami ng pinto ng isa sa mga naka unipormeng katulong nila. Iba ito sa nakaraang nag-assist sa akin noong naparito ako.






Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Rather than helping me, she blinked rapidly, mukha talaga siyang gulat na gulat—para bang nahuli niya kaming nakahubad na dalawa.




"...A-Ahhh," bigla siyang hindi mapakali. "P-Pasok, ho."





Minadali niya pa 'ko, ngunit hindi man lang niya ko magawang tulungan!



She even looked behind her as if checking whether someone was there. Para siyang uod na balisa.




Hirap na hirap kong pasanin ang bigat ni Elias hanggang sa pagbuksan niya kami ng malaki nilang pinto.




Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: 19 hours ago ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Patterns I'd End Up ChoosingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora