Patterns I'd End Up Choosing
Malabong mangyari.
I took the time to inhale the calm, refreshing air as I walked with ease along the campus pathway. Nilalasap bawat tamis-asim ng lollipop ko, dala ang ilang notes at librong nakasukbit sa gilid ng aking braso.
My hair rustled with the breeze, and it felt like my life was moving in slow motion. Mabagal ang mga mata nilang nakasunod sa bawat galaw ko. Bawat madaanan ko’y napapalingon sa presensiya ko.
For once, it felt like this day would favor me.
If not? I'll make sure of it. Hindi lang isa o dalawang teacher ang sumubok na pag-initan ako kahit noon pang junior days ko rito sa UNC. So what makes her different? Walang kahit na sino ang kaya akong pabagsakin nang ganun ganun lang. Burol ang inakyat ko maabot lang ang ganitong reputasyon.
I didn't just lie. I completely transformed who I am so they'd never catch on.
My vibe.
My style.
My character.
I erased the old me and built something they couldn’t touch.
“Prescillaa!” rinig ko ang nakakapukaw-atensyong tawag ni Miranda sa’kin.
Nagkita kami with that usual burst of excitement, halos nagkanda-tili-tili pa sila habang papalapit. I grinned and leaned in para makipagbeso, parang natural lang na bahagi ng entrance ko sa araw na ’to.
“Paganda ka nang paganda, Prescilla, ah,” bati ni Jeremy, na nakaakbay kay Mercy.
Naglaho ang mga ngiti ni Mercy at pasimpleng umirap. Nagkunwari akong hindi ko ’yon napansin at ngumisi na lamang kay Jeremy. I winked at him while holding the stick of my lollipop, then tossed it into the trash can beside me.
“My daddy’s gonna be out of town. Tonight, magpa-party ako!” sabik na sambit ni Christine, halos nangingintab pa ang kilig sa boses niya.
Maski ako, excited na makapag-enjoy sa malaking mansyon nilang Dela Torre pagkatapos ng mahabang oras ng pag-aaral. We all strolled along, and some elite students greeted us as if we ruled the heck out of this school.
All I did was grin at them, as fake as ever para lang sa imahe. They knew my name, but I had no intention of finding out who they were. Lahat naman pakitang tao, wala akong pinagkaiba sa kanila.
“Look at that…?”
Naibaling naming lahat ang atensyon sa direksyong itinuro ni Baby. Bumagal ang lakad namin. People kept arriving, and the crowd thickened around the campus grounds. Curious why they were all gathered in one spot, sinubukan naming lumapit para makiusyoso.
I was too surprised to see a girl holding a piece of paper.
May grupo pa ng mga babae ang kasama niya, may kanya-kanyang hawak na rosas. In fairness, ang effort naman ng mga ’to, ha. No wonder why.
“I…”
“I like you, Elvis!”
Kamuntikang kumalas ang tawa ko nang marinig ang pagsinghap ni Elvis sa gulat. I was about to laugh. Animo’y umakyat ang dugo sa kanyang mukha sa unti-unting pagpula nito sa kahihiyan.
Naulit muli ang katuwa tuwang ekspresyon sa mukha niya sa t’wing uncomfortable siya! Just like the wild topic we tried to talk about that night… God, he’s really something!
“Uhh… Raquel, kasi—” bago pa man maituloy ng kawawang si Elvis ang kan’yang sasabihin, nagsimula ang grupo at isa-isa nilang ibinigay sa kanya ang rosas na parang pinitas lang sa tabi-tabi.
“My gosh!” umalingawngaw ang boses ni Mercy, kaya’t napatingin sa amin lahat. “Ang lakas naman ng loob mong gawin ‘to, at talagang dito pa sa paaralan natin ha?” natatawang sambit niya, may kasamang pangungutya.
