Patterns I'd End Up Choosing
Good Girl.
"P-Prescilla... I-Ito yung sulat na p-pinapabigay ni Jerico.."
"P-P-Prescilla—ano ba naman 'yan! Nasa kolehiyo ka na, bulol ka pa rin!" pangungutya ni Mercy kay Adele.
Taas kilay kong kinuha sa kamay niya yung sulat. Panibagong love or confession letter na naman ngayong araw. Parati na lang akong nakakatanggap nito, nakakasawa na.
Puro love letter na lang ba ang ipapaabot nila? Kung sana ginawa na lang nilang pera o chocolates, baka mas may chance na kiligin pa 'ko. Ano namang gagawin ko sa love letters? Mabubuhay ba 'ko nito?
Dumako ang tingin ko kay Adele, hindi ko maiwasang i-judge ang pam-Manang at baduy nyang kasuotan. Kulang na lang sa kan'ya ay maging marumi at mabaho para matawag na siyang pulubi e.
Bakit ba kasi may mga tao sa mundong gaya niya? Pinipili niyang magmukhang kawawa, kaya tuloy siya nabu-bully.
Ang pinaka-kinaiinisan ko sa lahat ay ‘yong paawa at hindi marunong lumaban.
Kung sana’y marunong lang siyang manamit, baka sakaling makatanggap pa siya ng kahit kakapiranggot na respeto mula sa mga estudyante rito. Tutal, mayaman naman siya.
For me, respect isn’t something freely given. It is earned, and it depends on the reputation you build.
Di tulad ko, mayaman si Adele. Nagmamay-ari ang pamilya niya ng isang shoe factory dito sa Naga. Ang dami-daming pera ng magulang niya para bumili ng mamahaling damit at mga makeup, pero pinipili pa rin niyang magmukhang kawawa.
I paid no attention when Miranda rose from her seat and walked over to her, offering a comfort that was nothing but pretend.
Binuksan at binasa ko na lamang ang nilalaman ng sulat. I crushed the paper within my grasp, and hurled it somewhere far enough that I wouldn’t have to see it again. Sakto, mahangin ngayon, kaya tuluyan nang napalayo ’yung papel matapos ko 'yong itapon.
“Don’t be like that, Mers. She’ll end up crying again niyan, e. You know I hate that ugly face of hers when she cries—it’s much worse!” natatawang inakbayan siya ni Miranda sa balikat.
My friends burst into more laughter, and all she did was lower her head, like she always does instead of fighting back. I swear to God, nakita kong nangingilid na ang mga luha niya kahit hindi ko siya ganoong tignan.
"Hindi ka na kasi dapat dito nag-aral. Yan tuloy ang napala mo." sabat naman ni Cristoff na nakaakbay sa'kin.
Narito kaming lahat sa shed ng isang ground field habang wala pa ang klase. Nakaupo lang ako sa sementadong mesa, katabi si Cristoff. Sina Christine, Baby, at Mercy naman ay nakaupo sa sementadong upuan katabi namin kasama ang mga boylet nila.
Si Adele, siya ang tinaguriang errand girl ng grupo namin. Siya rin ang gumagawa ng halos lahat ng assignment at project. Not totally lahat dahil maliban sa akin, I refuse to stay stupid and lazy. Si Adele lang ang nagbibigay sa’kin ng notes para mas madali kong maunawaan ang lessons ko. The rest, I handle on my own. After namin hindi magpansinan ni Elvis nung nakaraan lang, siya na ang naging official tutor ko sa lahat.
"S-Sorry—"
"Prescilla!" napalingon kami sa isang malalim at galit na boses.
Speaking of the devil, ayan at nariyan na siya. Kung nagbabaga lang ang taong galit, paniguradong si Elvis na ’yon. Masama ang tingin niya sa’min mula sa likod ng makapal niyang salamin habang papalapit.
"Hi, Elvis!" masiglang bati ni Miranda sa kan'ya, na hindi man lang niya pinagtuunan ng pansin.
Nilagpasan niya lang ang kaibigan ko na nais sana siyang salubungin.
