WA [DR] 42 - Winter Season

Start from the beginning
                                    

Yumuko siya at tumawa ng mahina. Napakagat-labi ako dahil gusto ko rin tumawa, pero baka asarin niya lang ako. Ayun nga't naglakad kami papasok ng hall. Naabutan namin sa isang mesa sina Wina, Stan, Xynthea, Liz at Uryll na nagtatawanan habang nag babatuhan ng marshmallows si Stan at Uryll.

"Uy! Punta kayo dito." Kaway sa amin ni Wina.

­Oh—kay. Where's Daphne?

Kaagad kaming lumapit sa kanila. Naupo ako sa tabi ni Wina habang sa harapan ko naman si Briz katabi si Uryll. Pinasadahan niya ako ng tingin pero kaagad niya rin 'yong iniwas at ibinato ang hawak na marshmallow kay Stan. Hindi nagtagal, dumating si Rio na may dalang mga kahon.

"Is that our presents?" Tanong ni Xynthea.

Inilapag ni Rio ang mga dala nito sa harapan ng kambal niya. Tumayo si Wina at kinuha ang isang box, "Since we're all going home tomorrow, ngayon na namin ibibigay ang mga regalo namin para sa inyo." Inabot niya ang isang kahon kay Xynthea, "This is for you." Sabi niya pa. Inabot ni Rio ang pink na box sa akin at ang iba pang regalo para sa kanila.

Humarap si Wina kay Uryll, "Uh, where's Daphne?" Taas kilay siyang nagtanong. Tumikhim si Rio at umupo sa tabi ni Xynthea.

"Clefwiths. Bidding her goodbye to her friends." Tumango-tango si Wina. "Give this to her. It's my present." Sabay abot ng isang maliit na box. Walang imik si Uryll at kumuha na lang ng makakakain.

"Ikaw Briz," Untag sa kanya ni Stan. "Balita ko, hindi ka raw uuwi. Bakit?" Nagkibit balikat si Briz at tumitig sa akin.

Nanunuyang nagbato ng marshmallow sa amin si Wina at Liz. "Ayan tayo eh. Dinadaan sa titigan. Tumigil nga kayo!" Saway sa amin ni Wina. Binelatan siya ni Briz at kumuha ng chips.

"Inggit ka lang." Bwelta ni Stan sa kanya.

Sinamaan siya ng tingin, "Ikaw ah, nagsisimula ka na naman. Tumihimik ka nga Stanley!"

Here we go again. Napailing na lang ang ilan sa amin. "Ikaw Nathalia? Anong plano mo sa Christmas? Uuwi ka rin?" Tanong ni Xynthea.

"Oo. Sasabay si Liz sa akin bukas." Napatingin ako kay Briz, "Sasama ka talaga?"

Bahagya siyang tumingin sa akin at nagsusumamo ang mga mata niya. "Can I?"

Napangiwi ako. "Sige." Sabi ko na lang.

"Hoy! Anong sasama Briz? Ikaw sasama sa bahay nina Nathalia? Ikaw ah," May halong panunuya ang boses ni Rio. Napalingon ako sa kanya ngunit ibang tingin ang nahagip ng mata ko. Uryll's dark stares. Okay, what's your problem?

"What?" I mouthed to him. He arched his brow. Iniwas niya ang tingin.

Nag aasaran sina Stan, Rio at Briz habang nanatiling nanahimik si Uryll. Wala na akong pakialam sa kanya kaya nakipagkwentuhan muna ako sa mga babae. Sinabi nila sa amin ang plano nila this Christmas.

"Ipapadala ko na lang sa inyo ang mga regalo namin." Sabi ko. "Hindi pa kasi kami nakakabili ni Liz." Tumango sila bilang pagsang-ayon.

"Okay lang." Sagot ni Xynthea

**

Morning rolled in fast. Lahat kami ready na para sa pag-alis namin. "Ate, hindi ba uuwi ang lolo mo? Si Ynior?" Liz asked.

Ngumiwi ako. "I don't think so, Liz. Busy kasi siya rito sa Worthwood." Sagot ko.

These past few days, hindi na rin kami masyadong nagkikita ni Lolo. Unlike in my dreams, he's been around with me everywhere. But now? It's very different. He's always not around. He's always busy. I think he's already drowning together with his paperworks and such. He's a busy person.

"Talaga bang sasama si Briz sa atin pauwi? What about his family? Hindi ba siya doon mag s-stay sa kanila this Christmas?"

"Nope." Emphasizing the 'p' "He said that his family will not be around for Christmas. Pupuntahan daw 'yong kapatid niya sa kabilang bayan." I said while zipping my luggage. Maagang umalis sina Wina at Rio dahil kailangan pa raw nilang dumaan sa pamilihan para bilhan ng pasalubong ang mga kaanak nila. Kaya ang nangyari, maaga niya rin kaming ginising para makapagpaalam ng maayos.

We will not be seeing each other for how many days. Siguro para-paraan na lang kami para makapag communicate sa isa't isa.

"Do you think Uncle Isiah will like him? I mean, will he let you be with him for Christmas? Ang odd kasi ate, eh." She spat out that made me look at her intensely, "This is the first time that you'll bring someone at home... Lalake pa. What do you think?"

That made me think too, "Uhm..." Oh—kay. Where's your guts, Nathalia? Hindi ko naisip 'yon. There will be my Papa, Mama, my Aunt, my cousins... Bakit hindi ko man lang naisip 'yon? "Maybe. Briz is a nice guy naman. Surely, they will like him." I said like I am really sure of my answer.

"Oh. Of course he is. Kuya Briz is so cool." She smiled and carried down her luggages. "Bagay kayo." She suddenly uttered the words that made me froze. "Ate, I can see that Kuya Briz really likes you. He's too obvious, you know. Halos bukang-bibig ka niya araw-araw sa amin. He can't stop talking," She chuckled. Mas lalo lang akong nagitla sa sinabi niya.

"What do you mean?" My hands are trembling.

She grins like a Cheshire Cat. "Let me rephrase that, Ate. Mali ata ako." Tumikhim siya at nagsalita muli, "He doesn't like you... He loves you. I can see the difference between the two and trust me, it's really the thing I saw in his eyes. You deserve someone like that. Someone like Kuya Briz." She ended it with a pat in my shoulder.

Wow. That made me speechless.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil lumabas na siya ng kwarto ko. Sinundan ko siya habang hila-hila ko ang dala kong bag. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng pinto, may humablot na ng bag na hawak ko.

"Ako na. Nahihirapan ka kasi," Ani niya at binuhat ang mag dadalhin namin.

"Uh, hi?" bati ko. "Good morning." Dagdag ko pa.

Ngumiti siya sa akin. "Good morning beautiful."

Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit sa pisngi ko dahil sa sinabi niya. In my peripheral vision, I saw Lizbeth giggling like a schoolgirl at the corner. She seems like enjoying the show. "Sabi na eh..." May bahid ng panunuya ang pagkakasabi niya.

Nag-iwas ako ng tingin dahil nararamdaman ko pa rin ang init sa mukha ko. "Tara? Malayo pa uuwian natin." Sabi ko na lang sa kanila. Bago 'yon, hindi ko mapigilan ang pagngiti ng palihim dahil inaamin ko na—oo na kasi—na kinikilig ako.

Now, I declare that Leo Briz Clinton... can shake the living daylight out of me.

Worthwood AcademyWhere stories live. Discover now