27. The Gift 🎁

Start from the beginning
                                    

"Anak, 'di mo naman kailangang mag-resign. Ang kailangan mo lang ay linawin ang mga bagay-bagay. 'Di ka dapat nagiging padalos-dalos sa mga desisyon mo. At hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo sa mga bagay na 'di ka sigurado. Hindi mo alam ang p'wedeng mawala sa 'yo."

"Pero ma, 'di ko kayang humarap sa kanya pagkatapos ng mga nangyari kagabi."

"'Nak, dapat umasta kang professional. Dapat mong suklian ang tulong na binigay sa 'yo ng kompanya n'yo. At saka ayaw mo na ba talagang makita ulit si Aki? Ayaw mo na bang maayos ang relasyon n'yo?"

"Ma, kasi ang sabi ko sa kanya kagabi ay i-fire na niya ako. Ang dami ko pang masasakit na bagay na sinabi sa kanya."

"Hindi pa huli ang lahat para mag-sorry, Mek."

***

Speaking of late, male-late pa nga yata ako. Siguro dahil sa wala naman talaga sa plano kong pumasok ngayong araw. Pero dahil sa nakausap ko nga si mama tungkol rito ay para bang nagkaroon ako ng konting lakas ng loob na harapin ang mga problemang tila ba'y pinalala ko.

Nang akala kong aabot na ako ay naiwan pa ako ng overloaded na elevator.

"Ganyan talaga, minsan iiwanan ka nila. Hindi para malungkot ka. Kundi para mas maging matapang ka. Ats'yempre, matutong maghintay ng nakalaan para sa'yo, 'yung karapat-dapat para sa'yo," sabi ng isang pamilyar na boses mula sa may likuran ko.

"Mark," hiyaw ko rito nang magtagpo ang mga mata namin. "Ba't nandito ka?" Pilit kong inilabas ang nagpapanggap kong ngiti. Hindi dahil sa hindi ako masayang nakita siya. Kundi dahil sa galit at inis ko sa sarili ko.

"We'll dito na ako magwo-work. Yeah, first day," sagot nito. Iba ang ngiti niya ngayon. Dahil ba sa matagal kaming 'di nagkita?

"Weh? Pero in fairness bagay sa 'yo ang tux mo," asar ko pa rito. Ayokong ipahalata sa kanya na 'di ako okay.

"Mukha na bang CEO?" natatawa pa niyang sabi habang inaayos ang kuwelyo niya.

"P'wede na." Pareho pa rin kaming nakatayo sa tapat ng elevator.

"Late ka na ha."

"Hindi 'yan. Ano nga, bakit 'andito ka?"

Bigla niya akong binigyan ng seryosong tingin. "Dito na nga ako magwo-work, Mek. Ayaw mo ba?"

Napatitig ako sa kanya para mapagtanto kong 'di na siya nagbibiro. "So saang department?"

"Basta. 'Maya ko na sa 'yo ikuwento."

Napaismid ako."Ang daya mo naman," protesta ko. Narinig ko ang tunog at sagitsit ng pababang elevator at sabay kaming sumakay rito ni Mark.

"Sige na. Saan nga?" Agad ko ring pinindot ang button ng 32nd floor. At kata-takang kami lang dalawa ang pasahero ng naturang elevator. Siguro dahil medyo late na.

"Ang kulit mo talaga kahit kailan. Sige na. Basta h'wag kang magagalit o magtatampo sa akin."

"Bakit naman?"

"E kasi may mga hindi lang ako nabanggit sa 'yo noon."

"Na ano? Grabe 'yan. Pinapakaba mo ako."

"Remember when I invited you for a lunch date nang una tayong magkita sa Zhyx. Sinadya kong yayain ka no'n para mai-refer sana kita sa FATE, for you to meet someone who can offer you a job. Na-guilty kasi ako sa nangyari sa Zhyx. Pero umalis ka agad dahil sa friend mong si Ara. Mabuti na lang at naiwan mo ang clearbook mo kaya naman nakakuha ako ng kopya ng resumé na ipinasa ko naman agad kay Aki. We met at that resto on that same day nang makaalis ka na."

"Kaya pala nang binalikan kita, siya na ang naabutan ko ro'n," ani ko. Natulala ako at saka ko lang napagtagni-tagni ang mga pangyayari no'ng araw na 'yon. "Pero teka, matagal na kayong magkakila ni Aki, ni Sir Aki?" dugtong ko.

Gulat na gulat ang itsura niya. "Yep."

"Pero bakit nang magkita kayo sa Lovers' Maze, parang 'di kayo magkakilala?"

"Ah that time, masama ang loob niya sa akin. Dahil sa hindi ko tinanggap ang offer nila sa akin."

"Teka, teka, Mark Aljin Jordon, nililito mo na ako. Ano namang offer 'yan?"

"He's offering me a deal. Sabi niya, ako na raw ang mag-manage ng Fate Enchanted?"

"Wa-wa-wait. Lalo akong naguluhan."

"Talagang dito pa natin 'to pinag-uusapan sa loob ng elevator 'no?" reklamo niya. "Pero sige na nga, 'di ko nga nasabi sa 'yo noon e. Kapatid ko si Aki. Half-brother. Technically, kuya ko siya. And dad wants me to manage Fate Enchanted, which I don't really want. Alam mo naman kung ano talaga ang gusto ko. Ang magsulat. Isa pa, 'di naman bagay sa 'kin 'yung magsuot ng ganito."

"Shut up," pabulong kong sabi. "Seryoso, magkapatid kayo?"

"Seryoso. It's just that I'm a bastard," nakayukong sabi nito.

"Seryoso?"

"Oo nga. Kulit ah. Kahit naman nang bata ako, 'di rin ako makapaniwalang tatay ko ang may-ari ng mall na pinamamasyalan namin noon nina mama. Malaki na ako nang malaman kong isa akong Rushton. Well, bukod kay Dad, si Aki ang pinaka-unang Rushton na nag-reach out sa 'kin. Kaya naman siya ang pinaka-paborito kong Rushton."

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin?"

"Sino bang bastard ang proud sa gano'ng sitwasyon?"

"But now you're here."

"Yes, Mek. It almost seems like plan lahat ni universe ang mga nangyayari, to us."

"Yes, Mark. Well, what's meant to happen will happen. Plan din siguro ni universe na makilala kita at maging close tayo. S'werte ko. Tingnan mo, super guwapo pa."

"S'werte ka talaga, Mek. Anong gusto mong lunch mamaya?" biro rin ni Mark. "Ikaw rin. Don't forget how special you are. I know, life is not a piece of cake. But believing in yourself, loving and caring for it, well that takes the cake," dagdag nito. Ganyang mag-cheer si Mark.

"That's so sweet. Salamat sa universe."

"Sabi nga sa book ni J.B. Tomlinson, hindi masamang maniwala sa mga puwedeng ibigay sa 'yo ng universe. No matter where you are or who you are, the universe has a special gift just for you. The only thing is, you have to figure out how to unwrap it when it arrives. Tandaan mo 'yon. Sometimes, we didn't realize that it has already arrived and most of us missed our chance. Our only chance. Nasa harapan na pala na 'tin, binabalewala lang natin. Tulad ng mga taong mahal natin," sabi pa niya. Seryoso pa rin ang mukha niya.

"Mark, bakit ganyan ka?"

"And well, minsan din, nasa 'tin talaga ang problema 'no? Na 'di tayo willing tanggapin ang regalong 'yon," patuloy ni Mark. "Kaya nga sayang 'yung chance. Ayokong mangyari 'yon sa 'kin. Dahil alam ko na kahit anong mangyari, baliktarin man ang mundo, Rushton pa rin ako. Why not embrace it? So here I am unwrapping that long overdue gift," nakangiti pang sabi nito.

"Ang deep no'n, Mark. Writer ka talaga! Pero grabe, hindi lang ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayong araw. I'm happy for you. You made the right choice. And don't ever say na bastard ka lang. Never again."

At mas lalong hindi ko inasahan ang bumulaga sa amin nang magbukas na ang elevator sa 32nd floor.

✖✖✖ ODHWMN ✖✖✖

Author's Note: Ano pa kaya ang mga p'edeng mangyari? If you enjoy this update, please vote (click the star below) and might as well share this story to your pals. Labyu!

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Where stories live. Discover now