Chapter 1 ♥ She's Officially Back

Start from the beginning
                                    

"Ma'am! Teka po!" 

Lumingon ako kasi akala ko may nakalimutan ako. Pero ang paglingon pala na yun ay isang malaking pagkakamali. Napapalo na lang ako sa noo ko. Shonga Serene. Ang shonga mo! Tsk.  -.-

"Kayo po si Serene Lopez di ba ma'am?" Sigaw ni manong sapat na para marinig ng lahat ng nasa paligid. 

 "Serene Lopez?" Sabi ng isa sa mga babaeng naglalakad sa parke. 

"Di ba si Serene Lopez yung sikat na violinist at myembro ng sikat na Intricate Band??!" Lingon naman ng isang magtataho.

"Nandito ba sya?! OH MY GAHD! Saan si Serene???! Saan??!" At sigaw ng isang fangirl na abala sa pagkukuto sa katabing bata. 

Nagsitinginan ang lahat sa direkyon ko. Oh no please. Wag dito please. No! ToT)

"Ayun!! WAAAAAHHH!! Sya nga!!! MISS SERENE!!!!" 

 Sa isang kisap mata. Napalibutan ako ng mga tao sa paligid ko. 

"WAAAAAAAAHHH! HINDI AKO MAKAPANIWALANG MAKIKITA KO SI SERENE LOPEZ NG PERSONAL!!!!"

"IDOL!!! PA-AUTHOGRAPH PLEASE!!"

"MISS SERENE PA-PICTURE NAMAN!!!!"

 


Hiyawan ng mga tao. Wala akong nagawa kundi yumuko at sinusubukang maglakad palayo. Ilang beses ko ng sinasabi na hindi ako si Serene (kahit totoo naman haha!) Na nagkakamali lang sila, na ibang tao ang tinutukoy nila. Na isa lamang akong parte ng mahika ni Poncio Pilato. Isang ilusyon, isang itim na mahika na naglalagay sa isipan nila ng-- (blah!) Pero sino nga bang baliw ang maniniwala sa akin? (kapwa baliw pa siguro pwede) Nang biglang natanggal ang sumbrero ko sa ulo dahil sa malakas na simoy ng hangin. Nagkalintikan na. 

"OH.MAY.GAHD! SYA NGAAAA!!!"

 


Tinalo ko pa ang isang human survivor para iligtas ang buhay nya sa nagdadagsaang zombies na humahabol sa akin--este mga fans pala na sa tingin palang ay para na akong kakainin ng buhay. 

Noong una konti lang ang mga taong humahabol sa akin pero di naglaon, sa bawat tao na madaanan ay nakikisali rin sila sa takbuhan. Pakiramdam ko tuloy habang tumatakbo ako para akong isang atleta ng hurdles at walang kahirap hirap na tinatalon ang bawat bagay na maaring makapagpahinto sa akin sa kakatakbo. Gusto ko sanang huminto at pagbigyan sila sa nais nila pero bad timing eh. Nangako kasi ako kanila Julian na maaga akong darating at sasaglit lang sandali sa park para magpahangin.

Dahil sa kasikatan ng banda namin sa Canada at matapos malantad ang tunay kong pagkatao na si Serene Lopez ang missing star ng Intricate Band na nawala sa music industry sa Canada ng halos mahigit dalawang taon-- nagulantang ang lahat sa pagbabalik ko. Mula sa Canada hanggang sa Pilipinas, dose-dosenang shows sa telebisyon ang nag-iimbita sa amin para magperform at para na rin  ma-interview. At ngayong araw na ito dapat hindi ako mala-late dahil may importante kaming live interview sa isang sikat na programa dito sa Pilipinas!

*kriiinngggg!!*kriiinnggg!*

Sinagot ko ang cellphone sa aking bulsa habang patuloy pa rin sa pagtakbo. 

"Serene!! Where are you?!!"

Halos ilayo ko ito sa aking tenga dahil sa sobrang lakas ng sigaw sa kabilang linya. Si Reece, kabanda ko. Tumingin ako sa paligid, walang ka ide-ideya kung nasaan na nga ba ako. Teka nasaan na nga ba ako? Kung tama man ang hinala ko. Siguradong masyado na itong malayo para sa direkyon na pupuntahan ko. Why did I even run in the opposite direction?! Pero wait... malapit na ata ako eh. Oo malapit na ata ako. Wahahahaha! Tama naman siguro itong nadaanan ko di ba? Diba diba?! *cross fingers!*

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now