JOANNA: Alfie, pag-isipan mong mabuti.
Pahabol na bigkas sa kanya ni Joanna. Hindi na sumagot si Alfie, malungkot nya na lamang na pinakinggan ang mga boses ng kanyang mga classmate. Umalis pabalik ang lahat sa sala at naiwang mag-isa si Alfie. Pinakinggan nya sa huling sandali ang mga kasama hanggang sa hindi na niya marinig ang mga hakbang nito.
Nakabalik ang ang lahat sa sala at kitang-kita ng lahat ang pagkalungkot ni Nico. Hinimas nila Jessica, Joanna, Maricar at Justin ang likod ni Nico bago pumasok sa kanya-kanyang cubicle para pagaanin ang loob nito.
JUSTIN: Wala na tayong magagawa, desisyon nya na yun.
Bulong sa kanya ni Justin at napagtantong tama ito. Sya ang huling pumasok sa loob ng cubicle.
02:57AM..
Pinagmasdan nilang lahat ng sandali ang mga lagusan sa pag-asang babalik pa si Alfie ngunit wala pa ring senyales na babalik ito.
5 minutes before the game...
Umalis sila Nico hanggang sa naiwang mag-isa si Alfie sa kwartong pinagkulungan niya. Alam niya sa sarili na ilang saglit na lang ay mamawala na rin sya ng hininga. Inisip nya sa huling sandali ang mga masasayang bagay na nakasama niya ang mga katropa nya, ilang saglit pa ay mayroon syang dalawang papel na dinukot sa kanyang bulsa, napangiti sya at kanya itong pinira-piraso.
ALFIE: Hihintayin ko kayo sa ilalim.
Bigkas niya sa sarili. Ilang saglit pa ay nagulat sya sa mga sunod niyang narinig. Tunog ng sapatos na naglalakad ang kanyang naririnig.
ALFIE: Sinabi ko nang umalis na kayo di ba.
Sambit niya, ngunit hindi tumugon ang taong naglalakad. Naririnig nyang papalapit ito sa kanyang pinto. Hindi nya mawari ang kanyang nararamdaman, hindi sya makagalaw at nakararamdam sya ng lalong pagka-kaba at takot.
ALFIE: Sinong nandyan?
Matapang nyang tanong ngunit wala pa rin itong tugon sa kanya. Maya- maya pa ay narinig niyang gumagalaw ang doorknob ng kanyang pinto. Una na niyang naisip na baka buksan ang pinto nya ngunit nagkamali siya dahil nanatili pa rin itong nakasara.
ALFIE: Sino ka?!
Patuloy nyang tanong, ngunit hindi ito sumasagot. Dito na sya naghinala at napaisip. Nakaalis na sila pero sino yung taong nasa labas? Hindi kaya sya ang Game Maker? Hinarap nya ang pinto at tinangka nya itong buksang muli. Ngunit nagulat sya sa mga sumunod na nangyari. Dahil hindi na niya mabuksan ang pinto at na-lock sya sa loob. Teka, paanong nangyaring na-lock ako sa loob? Kailangan kong makalabas dito at sabihin sa kanila na wala sa amin ang Game Maker. Pinilit pa rin nyang buksan ang pinto, ngunit hindi na talaga ito bumubukas. Naririnig nyang naglalakad na papalayo ang taong nag-lock sa kanya.
ALFIE: Sino ka?! Palabasin mo ko dito!!
Ngunit wala pa ring sumasagot sa kanya kundi ang mga hakbang ng sapatos na papalayo. Sumapit ang alas tres at matapos nun ay lumabas na ang puting usok sa paligid.
Lumabas ang puting usok sa paligid at hindi nila muling nasilayan ang isa't isa. Muli na namang nakaramdam ng kaba ang lahat. Nahulog ang tatlong dice sa cubicle nina Hiko, Justin at Candice. Agad nila itong pinulot at pinagulong.
Samantala, walang proteksyon si Alfie sa puting usok na lumalabas sa paligid. Unti- unti na syang nakakaramdam ng pagkahilo at inuubo na rin sya sa sobrang dami ng usok. Ngunit sa kabila ng kanyang nararanasan ay naging desidido sya ngayong makalabas sa kwartong pinagkulungan sa kanya. Patuloy nya binubunggo ang pinto para masira ito gaya ng gibawa nina Randy kanina, ngunit wala rin itong talab. Nag-isip sya ng paraan upang makalabas at nakita nya ang isang de-gulong na tokador. Hinila nya ito sa abot ng kanyang lakas at itinapat sa pinto. Nagsisimula na ring umepekto ang lason na dulot ng usok, tumutulo na ang mga dugo sa kanyang ilong at tenga at ng sya ay umubo ay muling ring lumabas ang dugo. Kaunti na lang ang oras na natitira para sa kanya. Tinulak nya ng malakas ang tokador ngunit kaunting sira lamang ang kanyang nagawa, hinila nya ito at muling bumwelo at saka tinulak sa mga huling lakas na natitira sa kanya, sa pangalawang tulak nya ay nasira nya ang doorknob at nabuksan ang pinto.
Samantala, nagtataka ang ilan sa sala dahil napakatagal bago maglaho ang puting usok.
Pinilit ni Alfie ang nanghihina nyang katawan upang bumalik sa sala at sabihin sa lahat na mali ang iniisip nila na isa sa kanila ang Game Maker. Ngunit sa sobrang dami ng dugomg lumalabas sa kanyang bibig, ilong at tenga ay lalo syang nanghihina, sampung hakbang pa lamang ang nagagawa nya mula sa kwartong kanyang pinanggalingan ay bumagsak na siya. Unti-unti na ring umiikot ang kanyang paningin. Anong gagawin ko para babalaan sila? Para sa kanyang huling hininga, mailigtas nya lamang ang kanyang mga kasama ay gagawin niya ang lahat. Nanatili syang nakahandusay sa sahig at isang bagay ang kanyang naisip. Nakita nya ang sarili niyang dugo, naisip nyang maaari syang mag-iwan ng mensahe gamit ang kanyang dugo. Sinimulan nyang isawsaw ang daliri sa kanyang dugo na nasa sahig at mag-sulat. Nanghihina at nanginginig pa ang kanyang kamay habang ginagawa ito. Maya-maya pa ay hindi na niya nakayanan at nawalan na sya ng hininga at natigil ang kanyang pagsusulat.
JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 03:06AM
Naglaho ang puting usok sa paligid at muli nilang nasilayan ang isa't isa. Pare-pareho lang sila ng naramdaman ng maglaho ang puting usok.
JUSTIN: Bakit ganun, ang tagal nawala nung usok? Di ba dapat sampung segundo lang yun, para sa countdown ng pag-roll ng dice?
Pagtataka nila, ngunit hindi na nila pinagtuunan pa ng pansin iyon dahil mayroon silang mas mahalagang dapat na intindihin, ang buhay nila.
JULIAN: Sinong mga nag-roll ng dice?
Agad nyang tanong. Nagtaas ng kamay sina Candice, Hiko at Justin.
MARICAR: Anong mga numero?
HIKO: Two yung lumabas sakin.
CANDICE: Sa'kin One.
MARICAR: Sa'yo Justin?
JUSTIN: Four!
JULIAN: Two, One, Four. That's Seven! Sinong may hawak ng seven?
RANDY: Ako yung may hawak ng seven.
Casual na sagot ni Randy. Wala silang nakitang takot o kaba sa mga mata nito kahit alam niyang sya na ang susunod. Nakahalata naman si Randy sa mga kasama dahil nakatingin ang lahat sa kanya, natawa na lamang sya sa sitwasyon.
RANDY: Wag nyo akong kaawaan. Kung ako na ang susunod wala akong magagawa, mas maganda na rin siguro yun para makasama ko na rin si Kathleen.
JUSTIN: Tanga ka ba?! Pati ba naman ikaw mag-iinarte ng ganyan?!
RANDY: Bakit? Sakali bang may mangyari sa'kin, lalabas ba kayo dyan para tulungan ako?
Tanong nya sa mga ito dahilan para matahimik ang lahat.
RANDY: Kung ako na yung susunod, wala tayong magagawa.
Dugtong nya. Wala nang sumagot pa at nagsalita. Samantala, napansin ni Joanna na tahimik lamang si Nico sa kanyang cubicle. Tinatagan na lamang ng lahat ang kanilang loob sa mga susunod na makikita. Hinintay nilang lahat kung ano ang mangyayari sa cubicle ni Randy, hanggang sa.. Bumukas ng kusa at sabay-sabay ang mga cubicle nila. Nagulat ang lahat at nagtaka kung bakit ito bumukas. Lumabas silang lahat ng cubicle na walang nasasaktan.
JOANNA: Anong nangyari?
RANDY: Hindi ko alam, nakaligtas ako.
HIKO: Pero bakit?
Pagtataka ng lahat. Samantala, isang bagay lamang ang napansin ni Nico, Hindi bumukas ang cubicle ni Alfie. Dahil dito ay agad syang tumakbo upang puntahan si Alfie, nagulat ang lahat sa bigla niyang pagtakbo.
JOANNA: Nico! hintay!
Tawag nila ngunit hindi na ito lumingon. Tumakbo ang lahat para sundan si Nico, ilang saglit pa ay bigla itong huminto at napaluhod. Lumapit sila at nakita nilang nasa harapan ni Nico ang bangkay ni Alfie na nakahandusay at duguan. Isang bagay din ang napansin ng lahat, ang salitang nakasulat sa uluhang parte ni Alfie.
WALA
Nagtaka ang lahat kung ano ang ibig sabihin ng mensaheng iyon.
ΦΦΦ END OF PART XXIV ΦΦΦ
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART XXIV
Start from the beginning
