Dice Game - PART XXIII

Start from the beginning
                                        

MARICAR: Pupunta lang ako ng library.

Malamig nyang bigkas at dire-diretso syang umalis. Tumayo din si Jessica upang sundan at kamustahin ang kanyang bestfriend. Nakahalata ang lahat sa reaksyon pa lang ni Maricar kaya't nagsisihan ang mga ito.

AUGUST 12, 2013.
MONDAY 02:32PM

Magkasama ang magnobyo na si Randy at Kathleen na nakatambay sa ilalim ng puno at nakaupo sa damuhan ng ROTC field. Silang dalawa lamang ang narito at wala silang ibang classmate nakasama. Nakasandal si Kathleen sa balikat ni Randy habang naka-akbay naman si Randy kanya. Pinapanood nila ang mga puting ulap sa kalangitan at naiisip nila kung gaanong kapayapa ang kalangitan hindi tulad ng lihim nilang mas-madilim pa sa gabi. Dahil dito ay hindi napigilan ni Kathleen na maluha.

RANDY: Umiiyak ka ba?

Tanong nito sa kanya.

RANDY: Bakit ka umiiyak? May problema ba?

KATHLEEN: Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari satin sa Baguio.

Bigkas niya habang may mga tumutulong luha sa mata nya. Hinimas ni Randy ang likod nya para pakalmahin.

RANDY: Di ba napag-usapan na nating lahat yan. Wala ng magbabanggit tungkol dun para makalimutan na ng lahat.

KATHLEEN: Alam ko, pero hindi tumatalab sakin yung pambi-brainwash na naisip ni Jerry. Naaalala ko pa rin sya hanggang ngayon, kahit sa pagtulog ko naaalala ko pa rin sya. Nahihirapan na ako. Anong gagawin ko Randy.

Sambit nya at lalong lumabas ang mga luha niya.

RANDY: Tumahan ka na, gagawa tayo ng paraan. Mag-iisip ako ng paraan. Wag kang mag-alala.

Bigkas nya ngunit patuloy pa rin sa pagluha si Kathleen. Gusto man syang patahanin ni Randy ay hindi nito magawa dahil wala syang maisip na paraan.

Isang bagay lamang ang naisip nyang paraan para patatagin ang loob ng kanyang nobya.

RANDY: Kathleen tumahan ka na, ako ng bahala. Nasaan yung bag mo?

Tanong niya. Nagtaka naman si Kathleen sa kanya ngunit hindi na sya nagdalawang isip na ibigay ang bag nya dahil nagtitiwala sya kay Randy.

Pagkaabot nya kay Randy ay agad nitong binuksan ang bag at kinalkal ito hanggang sa mahanap ni Randy ang hinahanap niya at yun ay ang ballpen na may sticker na naging souvenir nila sa Baguio. Matapos nyang kunin ang ballpen sa bag ni Kathleen ay kinuha naman nya ang sariling ballpen sa kanyang bag. Hindi alam ni Kathleen kung ano ang balak nito at nagulat na lamang sya ng biglang ihagis at itapon ni Randy sa malayong parte ng ROTC field ang mga ballpen.

KATHLEEN: Bakit mo ginawa yun?

RANDY: Gusto mong makalimot di ba? Tutulungan kita! Aalisin natin lahat ng bagay na magpapaalala sa'tin sa nangyari sa Baguio.

Inakbayan nyang muli si Kathleen.

RANDY: Wag kang mag-alala. Poprotektahan kita.

Sambit nya para patatagin ang loob ng kanyang nobya. Samantala, gumaan naman ang pakiramdam ni Kathleen ng marinig niya ang mga salitang iyon.

Habang nakaupo ang dalawa sa puno ay may boses silang naririnig na tumatawag sa pangalan nila. Hinanap nila kung saan nanggaling ang boses na yun at nakita nila si Alfie at Joanna na papalapit sa kanila.

JOANNA: Anong ginagawa nyo dito?

KATHLEEN: Ah.. Wala. Tumatambay lang. Kayo? Bakit kayo nagpunta dito?

ALFIE: Kanina pa namin kayo hinahanap.

RANDY: Bakit?

JOANNA: Wala, may ichi-chika lang kami.

Umupo ang dalawa sa tabi nina Kathleen.

RANDY: Ano yun?

JOANNA: May plano silang mag-overnight sa friday.

RANDY: Sinong sila?

JOANNA: Sila Julian!

KATHLEEN: Bakit sila lang? hindi tayo kasama? Parang hindi tayo katropa a.

JOANNA: Oo nga e, ang sama nila.

Bigkas nya sabay tawa, palatandaan na nagbibiro na naman ito.

JOANNA: Hinde biro lang. Pero meron talagang overnight sa friday.

RANDY: Bakit daw?

ALFIE: Kasi birthday ni Hiko sa friday, gusto nyang i-celebrate overnight.

RANDY: Talaga? Birthday ba ni Hiko sa friday?

JOANNA: Oo, tapos invited daw tayong lahat.

KATHLEEN: Talaga! Sige, Go ako dyan!

AUGUST 12, 2013.
MONDAY 05:23PM

Uwian na ng mga Civil Engineering students. Ngunit bago pa lumubog ang araw ay isang estudyante ang nagtungo sa ROTC field at pinulot ang dalawang ballpen na may nakasulat na Baguio at may nakadikit na sticker.

AUGUST 16, 2013.
FRIDAY 05:26PM

Uwian na nila. Ngunit hindi nakahanda ang lahat para umuwi. Nakahanda ang lahat para sa gaganapin na kaarawan ni Hiko at halos lahat ay magtutungo sa bahay niya. Hindi pumasok si Hiko sa araw na 'to para lamang paghandaan ang pagdating ng kanyang mga kaklase.

Samantala, ang lahat ng kaklase nya sa school ay naghahanda na rin. Gamit ni Ian ang kanyang kotse at kasama nya sa loob ang mga katropa niyang sina Zack, Jolo, Xaint at Mark. Gamit ang sasakyan ni Roland ay kasama niya sina Norman, Killian, Jasper at Danny. Gamit naman ang sasakyan ni Carol ay nakasakay roon sina Lea, Janelle, Nancy at Janice. Sakay naman ng sasakyan ni Myra sina Joanna, Maricar, Jessica at Kyla. Gamit ang sasakyan ng boyfriend ni Karlene na si Gino ay isinabay nila sina Candice, Luisa at Jerry. Angkas naman ni Randy si Kathleen sa kanyang motor. Habang sina Julian, Nico, Alfie, Marco at Franklin ay sakay ng SUV ni Justin. Sabay-sabay na umalis ang mga sasakyan nila papalabas ng University at dahil sa pila-pilang sasakyan ay nagmistulan itong parada na patungo sa lugar ni Hiko.

ΦΦΦ END OF PART XXIII ΦΦΦ

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now