Prolouge

146 6 1
                                    

Devon's POV

Bawat hakbang ko nararamdaman ko yung mga titig sakin ng mga tao. Ano bang problema nila? Pakiramdam ko tuloy may dumi ako sa muka. Pero wala naman kasi napadaan ako sa isang kotse, palihim kong tiningnan yung muka ko.

Nawala ang atensyon ko sa mga tao ng biglang may yumakap sakin at para bang tumatago sa likod ko.

"Hala sige! Subukan mong lumapit magsusumbong na talaga ako sa pulis! Kakasuhan kita ng rapist!"- sigaw nung babaeng nagtatago parin sa likod ko.

"Reeana. Sige na, pumayag ka ng makipag date sakin."- sabi nung lalaki. Infairness, may itsura sya at mukang natitipuhan nya tong babaeng nasa likod ko.

"Ayoko nga! Di ka nakakaintindi?! Ilang sapatos pa ba ang kailangan kong ibato dyan sa mukha mo para maintindihan mo na ayoko? A-YO-KO."

Napasigaw naman ako ng muntikan na kaming matumba ng babaeng ito ng dahil sa kaharutan nya. Kung makayakap kasi parang isang drug addict yung humahabol sa kanya. Eh mukha namang manliligaw nya lang na adik na adik sa kanya

"Hay, sige. Pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod hindi kita titigilan. Kahit magtago ka pa sa cr ng mga babae pupuntahan talaga kita!"- sabi nung lalaki at nagkakamot ng ulo paalis. Unti unti naman kumalas ng yakap sakin yung babae. Huminga sya ng malalim at inilahad ang kamay nya sakin. Napatigil sya sa pagsasalita ng magtagpo ang mata namin.

Ano? Spark? Psh. Di uso yun. Tsaka hindi ako tomboy. -.-

Napanganga sya at natulala. Bumalik naman uli yung pagiging conscious ko sa itsura ko. Wala naman talaga akong dumi sa muka ah?

Nahalata nya yatang naiilang ako sa mga titig nya kaya bumalik na sya sa katinuan nya.

"A-ah. Pasyensya ka na sa kanina ha? Makulit na manliligaw ko kasi yun eh."- sabi nya. Ngumiti naman ako sa kanya to say that it's okay.

"By the way. Ako nga pala si Reeana."- sabi nya at tuluyang inilahad ang kamay nya. Tinanggap ko naman iyon at nakipagkilala rin.

"Devon. Transferee."- sabi ko

"Teka. Naiintindihan mo ko?"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

Ano bang tingin nya sakin, alien?

"Ahm. I mean. Half american ka right?"- Reeana

"Half american? No! Pure filipino ako."- sabi ko sa kanya.

"Kung hindi ka half. Siguro naka contact lens ka lang no?"

Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Ngayon alam ko na kung bakit iba sila makatingin. Pinaglihi kasi ako ng mommy ko sa mata ng barbie doll. Kaya it turns out na color blue yung mata ko.

Just like my twin. My super duper to the highest level talkative twin to be exact.

"Inborn."- maikli kong sabi

Together in RealityWhere stories live. Discover now