Chapter 25

1.1K 26 2
                                    


Naalala ko na lahat.

Simula nung nakita ko sya hanggang dun sa muntik na syang masagasaan pero niligtas ko sya.

Naalala ko din. Shet.

After nya mag pakilala sa buong class bumalik na sya ng upuan nya kaso tumabi sya dun sa lalaki. Yun yung lalaki sa facebook nya.

Hindi ako nakapag focus masyado sa sinasabi ng teacher ko dahil nakatitg lang ako kay Bea. Tsaka ang sakit ng ulo ko simula nung maalala ko si Bea

Naintindihan ko lang na aayusin ng teacher yung seating arrangement by surname alphabetical order.

"Mr. De Guzman, dito ka." Sabi ng teacher ko kaya tumayo na lang ako

"Okay, Samantha Marie De Leon. Dito ka sa tabi ni Joshua." Sabi lang nung teacher ko

Pero di ko din napansin yung umupo sa tabi ko dahil ang sakit talaga ng ulo ko.

"Uy?! Wow!! Dito ka pala? Hahahah!" Sabi nung katabi ko kaya tumingin ako sa kanya.

"Oh?" Yun lang yung nasabi ko

"O wag mong sabihing hindi mo ko maalala?! Sus! Ako yung sa babae kahapon! Yung tinulugan mo ng bahay?" Sabi nya

"Oo. Oo naaalala kita no." Sabi ko nalang tapos tumungo ako sa desk ko

"Sunget neto." Sabi nya na hindi ko na lang pinansin

Malayo pa si Bea sa upuan ko tsk.

Nung narinig kong tapos na mag ayos ng seating arrangement, umayos na ko ng upo ko bago pa ko mapagalitan

Nung natapos na yung discussion, lunch break, hinanap ko kaagad si Bea

Nakita ko sya kasama nung lalaki. Kahit ayokong lapitan yung lalaki, lumapit pa rin ako

"Bea." Ayun lang yung nasabi ko

Nagulat naman sya nung nakita nya ko.

"Uhm. yes?" Sabi nya

"Can we talk? In private?" Sabi ko

Tumingin muna sya dun sa lalaki tapos nag smile at tumango lang yung lalaki

"Okay."

"Okay? What do you want to talk about?" Sabi nya nung makadating kami sa room. Kami lang tao

"Bea. Is he your boyfriend?" Sabi ko

"Oh yes. He is." Sabi nya ng nakangiti sakin

"Mahal pa rin kita eh." Sabi ko ng nakatungo kasi baka makita nya na malapit ng tumulo luha ko. Nakakahiya

"J-josh.." Ayun lang nasabi nya

"Bea. Naalala ko na lahat. Pero kahit naman di ko maalala, mahal parin naman talaga kita eh. Tsk. Nakakainis." Sabi ko at tumawa ng fake

"Hey. Josh.. P-please, don't cry because me.." Sabi nya

Pinunasan ko yung luha ko at nag salita

"Hindi mo na ba ko mahal?" Sabi ko

"J-josh.." Sabi nya

"I know. You still love me. Hahaha." Sabi ko sabay punas ulit sa mata ko

"Joshua. May boyfriend na ko." Sabi nya pero di na ko sumagot.

"Move on na lang tayo. Ayokong makasakit ng taong wala namang kasalanan. Maybe friends?." Sabi nya ulit tapos umalis na.

"Tangina."

Alam nyo yung feeling? Tangina ang sakit!!! Yung nakalimuatan mong huminga. Yung ang sakit isipin na sa kanya pa nanggaling. Ang hirap lang pigilan yung luha

Bakit ganun? Tangina. Di ko kaya.

Ang sakit. Pramis

Tapos tinatanong nya kung pwede friends? Grabe. Hindi na ba matatapos yung sakit na nararamdaman ko? Lagi na lang.

Gusto ko ng taong makakausap. Yung taong iintindi sakin tapos hindi ako huhusgahan.

Kaso wala. Yung mundo ko umikot lang sa kanya.

----

After ng school, pumunta lang ako sa bar kung san nag t-trabaho si Sam

Syempre iinom nanaman ako. Ano pa bang bago?

Sam's POV

Nung pag ka dating ko sa pinag t-trabahuan ko, nakita ko kaagad si Josh.

Grabe. Nauna pa sakin?

"Oy! Hapon na hapon umiinom ka?" Sabi ko tapos umupo ako sa harap nya

Napangiwi na lang ako nung nakita kong lasing na lasing na sya

"Tsk! Lasing ka na!! Tama na nga yan!" Sabi ko tapos kinuha ko yung alak sa kamay nya. Buti hindi na nag laban

Nagulat ako nung bigla syang umiyak! Hala umiyak ba sya dahil kinuha ko alak nya?! Hala owmaygad.

"Hoy! Eto na eto na! Di ko nakukunin alak mo!" Sabi ko sabay bigay agad nung alak sa kanya

"Hahaha. Bea ano ba? Bakit ganun? Mahal mo din naman ako diba?" Sabi nya

"Hanudaaaaw? Di ako si Bea!" Sabi ko

"Bea.." Sabi nya lang tapos tumungo sa table. Hala tulog agad?

"Oh sam, mukang iuuwi mo nanaman yang lalaking yan. Hahaha baka meant to be kayo." Nagulat ako nung may nag salita sa tabi ko

Yung boss ko pala jusko.

Pinauwi sakin ng boss ko si Joshua sa bahay namin. Syempre wala kong nagawa

Hiniga ko na sya sa kama kaso bigla nya kong hinila.

Nag try akong makawala pero hindi ko kaya

Hanggang sa bumigay na lang ako

Something happened.

When a Playboy Fall InloveWhere stories live. Discover now