Chapter 21

1.1K 35 3
                                    



Joshua's POV

Pag katapos kong sabihin kay Bea lahat ng mga sinabi ko, umalis na ko sa harap nya. Na parang aalis na din ako sa buhay nya

Pinilit ko yung sarili ko na di lumingon sa kanya pero lumingon parin ako

At andun sya. nakita ko. nakatingin sakin habang umiiyak.

Pinagsisisihan kong lumingon pa ko dahil lalo akong nasaktan sa nang yayari.

Napapagod na kasi sya. ayoko nun. Nakikita ko yung hirap. kahit na gustong gusto kong maalala lahat, pagod na sya

Nag punta ko sa cr at pumasok sa isang cubicle dun. sobrang sakit ng ulo ko. napansin kong umiiyak na pala ko.

Ano to dahil sa sakit ng ulo ko? O sa isa pang sakit na nararamdaman ko?

Umuwi na lang ako sa bahay at natulog. wala kong paki kahit bumagsak pa ko lalo.

Kaso pano pala yung magaaral akong mabuti para makapasa ko sa Ateneo? Agrh! Bahala na! Bukas na ko papasok

-------

Kinabukasan pumasok ako ng maaga. Wala pa si Bea kaya nilapitan ko si Kent.

"Uy." Sabi ko sa kanya

"Ano?" Sabi nya

"Dun ka na lang sa upuan ko. palit tayo. sige na." sabi ko

"Bakit? Ikaw siguro dahilan kaya tulala si Bea kahapon no?" sabi nya

Di lang ako sumagot sa sinabi nya

"Hay sige na nga!" Tumayo sya at kinuha mga gamit nya

Umupo na lang ako sa upuan nya

Maya maya nakita ko si Bea na pumasok ng room. namumula mata

Nagtataka syang lumapit sa upuan nya at tinignan si Kent nakita kong nag uusap sila tapos biglang napatingin sakin si Bea kaya nag iwas agad ako

Hindi ko nalang ulit sya tinignan.

--

Puro practice lang ng graduation ginawa namin ngayon. Ako lang mag isa sa room kasi lunch break na. nag papalamig lang ako sa room.

Nasan na kaya si Bea?

Habang nag mumuni muni ako mag isa sa room may biglang pumasok. di ko lang pinansin.

"Josh." napaayos ako ng upo dahil si Bea pala yun

Sinubukan kong wag maging excited sa pakikipag usap sa kanya kaya pinilit kong maging cold

"Ano?" Sabi ko

"Okay lang akong mag hintay." sabi nya

"Wag na." Sabi ko

"Josh. Please. Hinding hindi ako mapapagod!" Sabi nya sakin at nakita ko yung pumatak na luha sa mata nya kaya napaiwas ako ng tingin

"Ayoko na din naman eh." sabi ko ng nakaiwas ng tingin sa kanya

"Kahit ba konti wala kang naramdaman sakin? Kahit di mo ko maalala?" Sabi nya

"Bea umalis ka na." sabi ko

"Meron o wala?" Sabi nya

"Josh sumagot ka meron o wala?" Sabi nya ulit

"Tigilan mo na Bea." sabi ko sa kanya

"Oh sige! Aalis ako. Titigilan na kita." napatingin ako sa sinabi nya

"Pero tumingin ka muna sa mata ko. Kahit konti ba wala kang naramdaman? Kahit konti lang, hindi mo ba ko naisip bago ka matulog o pag gising mo?" Sabi nya ng umiiyak.

"Josh. oo lang o hindi sasabihin mo. tithil na ko. please answer me." sabi nya ng naka titig sa mata ko

Oo may naramdaman ako. oo lagi kitang iniisip. Mahal na nga yata kita eh.

"H-hindi." nasabi ko rin kahit masakit

Nagulat ako nung ngumiti lang sya sakin at pinahid yung luha nya kahit hindi tumitigil.

"Sige Josh. Titigil na ko. Sorry ah. kala ko kasi hindi ka susuko." sabi nya at umalis na sa harap ko

Pag kalabas na pag kalabas nya sa room namin, dun na biglang tumulo luha ko

--

Nakalipas na yung mga araw, Natapos na Graduation. tama nga. tinigilan na nga ako ni Bea. hindi sya nag t-text o call sakin.

"May problema ba?" Sabi ng mommy ko at lumapit sakin

"Wala lang po to." sabi ko sa kanya

"Anak, alam kong meron. Kay Bea ba?" Sabi nya at ngumiti lang ako

"Ikwento mo naman sa mommy mo!" Sabi nya

"Ma, kasi sinabi ko di ko mahal si Bea." sabi ko

"Ha? Bakit? Pero mahal mo diba?" Sabi nya

"Opo mahal ko po." sabi ko at tumungo

"Eh bakit mo sinabi yun?" Sabi nya

"Ma, parang feeling ko di ako worth it para sa kanya eh. tska parang pagod na sya sakin." sabi ko

"Ano sinabi nya sayo?" sabi nya

"Na kahit di ko na daw alalahanin lahat ok lang sa kanya. tapos sabi nya titigil na lang daw sya pag sinabi ko na di ko sya gusto." sabi ko

"Syempre sinabi mo na di mo sya gusto pero mahal mo." sabi nya at tumango lang ako

"Hindi mo ba na kikita yung mga effort nya? Ginagawa nya yon kasi mahal ka nya. dahil alam nyang worth it yung pag hihintay." Sabi nya

Napa isip ako.

Putang ina. ang tanga ko din eh no, pwede naman maging kami dahil mahal namin isat isa! Kahit di ko na maalala lahat! Nabobobo na yata ko!

"Sige ma! Salamat!"

Nag call ako ng nag call kay bea pero cannot be reached.

Huli na ba?

--

NOTE

yaay 2 updates dahil brownout ng ilang araw! Hahaha sorry!

Ano sa tingin nyo? Huli na ba lahat para kay Josh?! Hoho

Vote. Comment. Thank you po!

When a Playboy Fall InloveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora