Chapter 19

1.2K 30 5
                                    



Ginawa ko na ang lahat pero wala pa rin effect. Sumakit lang ulonya pero wala pa din daw naaalala si Josh. Ugh! Bakit kasi nakalimutan nya yung time simula nung mag kita kami?!

Ang hirap na. Pero syempre kakayanin ko yan no!! Ha!

"Hoy!" Nagulat ako dahil biglang tumabi sakin si Josh

"A-ano??" Sabi ko sa kanya

"Hahaha! Ano ba yan nauutal ka parin kahit isang linggo na tayong nag uusap?!" Sabi nya

"Eh bakit ba." sabi ko sakanya at lumayo

"Oh bakit lalayo layo ka dyan?" Sabi nya

"Josh," sabi ko

"Ha? Bakit?" Sabi nya na naka titig lang sakin

"P-parang wala nang pag asa." sabi ko

"Na ano?" Sabi na nag tataka sa mga sinasabi ko

"N-na.. na maalala mo ko." sabi ko at may tumulong luha na kanina ko pa pinipigilan

At bigla akong nagulat sa ginawa nya

"Para san yon?!" Pasigaw kong tanong

"Ang drama mo eh hahaha" sabi nya at di na tumigil kakatawa

Binatukan nya kasi ako. ugh

Sabagay. tama naman diba ang drama ko lang bakit ako susuko sa kanya? Kay Josh? Nababaliw na yata ko pero hindi ako sususko

Yung isang linggo na yun, parang umulit lang kami sa dati. yung Josh na makapal muka. yung Josh na mayabang. yung Josh na nag wawala dahil nahulog yung pizza nya.

"Mababaliw na yata koooo!" Sabi ko

"Hay! Basta kahit mabaliw ka putek! Ipaalala mo lahat! Ayokong mag mukang tanga na walang alam sa mundo!" Sabi nya

Mag sasalita pa sana ko kaso dumating na yung teacher namin. dahil Wednesday ngayon, puro sharing lang ng mga bagay bagay. boring nanaman

Kada Wednesday kasi puro sharing lang eh kaya kadalasan nag c-cut ng mga class yung mga students dito. bakit naman kasi sharing?

Habang pinipilit kong makinig sa mga share ng mga classmates ko, nagulat ako nung may pumasok sa pinto. si James. ilang araw na rin di pumapasok to ah.

Tumabi sya sakin at nag hi. di ko na lang pinansin.

"Okay class ang last nag mag s-share ay si.." sabi nung teacher ko sabay tingin dun sa papel na hawak nya

"Okay Mr. Joshua De Guzman." sabi ng teacher ko

"LAH! Ms bakit ako? Wala kong ma s-share!" Sabi sabay kamot sa batok. cute

"Ilang bwan ka ring absent! Ayaw naman kitang ibagsak dahil may sakit ka pero bumawi ka naman. mag share na. go!" Sabi ng teacher ko

Napilitang tumayo si Josh at nag punta sa harap ng classroom.

"Ano pong i s-share ko?" Sabi nya

"Kahit ano! Kung anong nararamdaman mo, kung anong gusto mong sabihin sa isang taong special sayo, kung an---" di na nya pinatapos mag salita yung teacher namin dahil nag salita sya

"Alam ko na!!! Ehem ehem" sabi pa nya na kunyaring umuubo ubo. hay

"Alam nyo ba? Naiinis ako dahil meron akong amnesia. naiinis ako kasi nakikita ko yung mga kaibigan o mga magulang ko na nag hihirap para lang i paalala sakin kung ano man yung naka limutan ko." sabi nya

"Lalo na dun sa isang taong yun. di sya sumuko. di nya ko iniwan kahit anong taboy ko sa kanya. iniisip ko nga kung susuko na lang ako. wag ko na lang kayang alalahanin lahat? Kaso nakita ko yung hirap nya. kahit pinapakita nya na masaya sya nakikita ko pa rin na pagod na sya." sabi nya habang nakangiti lang sa pader. dafak

"Natuwa ako. naiisip ko 'wow swerte ko naman di nya ko hinahayaang mag mukang tanga.' hahaha kaso kanina lang may sinabi sya sakin." tumigil sya at nawala na yung smile nya

"Sabi nya sakin na baka daw wala nang pag asa. nag taka pa ko nung una dahil di ko ine expect na sasabihin nya yun. pero buti na lang binatukan ko sya. hahaha. pero ngayon natatakot na ko. na baka hindi na madala ng pag batok ko sa kanya pag sinabi nya ulit yun. na baka tuluyan na syang sumuko sakin." sabi nya habang naka tingin sakin

Namumuo nanaman yung luha ko pero pinigilan ko dahil tumutingin din sakin yung ibang classmates ko

"Pero at least naaalala ko yung binili nya ko ng madaming pizza!!!! Putek achievement yun!" Sabi nya at tumawa ng tumawa

"Pa ulit ulit na lang na sinasabi ko sa utak ko. 'Josh please maalala mo na sana lahat' pero kahit pizza lang naaalala ko." sabi nya

"The end!!! Wooo!!!" Sigaw nya at bumalik na sa upuan nya

Pero bago sya naka upo, may sinabi pa sya

"Hi Bea!!" Sabi nya at may kaway kaway pa.

"Malapit na. wait ka lang" sabi nya ulit

When a Playboy Fall InloveWhere stories live. Discover now