Chapter 24: The Other Side

1.3K 50 8
                                    

I like you. I want you. I love you. mga salitang paulit-ulit na naririnig ni Karylle tatlong araw na ang nakararaan. Hanggang ngayon ay halos 'di pa rin siya makapaniwala na ang magtatatlong buwan na niyang nakakasama sa bahay at halos ituring na niyang tunay na kapatid ay mahal pala siya nang higit pa sa inakala niya.

"Ano'ng 'di makapaniwala beh? Eh 'di ba matagal ka naman nang may ideya? Lagi nga natin napaguusapan 'di ba?" tanong ni Marian matapos ang mahabang kwento ni Karylle sa kanya. Kasalukuyan silang nasa veranda ng bahay ni Marian at naguusap nang masinsinan.

"Oo beh, alam ko. Pero kasi.. I don't know.. iba pa rin kasi talaga 'pag narinig mo mismo sa bibig niya Parang nakakailang na.. I don't know.. I really don't know how to explain it. It's just that, everything seem so wrong."

"Kaya mo sinabi sa kanyang you're confused with your feelings sa akin? Nako beh ha. Pati ako pinapaasa mo na." natatawang biro ni Marian. Tiningnan tuloy siya ni Karylle nang masama. "Biro lang beh, alam ko naman kung saan ako lulugar eh. Eh kaya lang kasi beh, ikaw din ang may mali eh."

"Ako? Bakit ako?"

"Kung ako si Anne, aasa rin ako na may gusto ka sa akin e. Ano bang mga nangyari bago ka nagpanggap sa kanya na nalilito ka sa nararamdaman mo? Pero teka teka teka nga.. eh bakit mo nga kasi pinalabas na nalilito ka sa'kin?"

Napabuntong hininga naman si Karylle bago sumagot sa kausap.

"Kasi nga, 'di naman ako ganun ka manhid beh, alam ko. Ramdam ko. And I know, I have to stop this before things get worse. Kaya sinabi ko na lang sa kanya na nalilito ako sa nararamdaman ko sa'yo para 'di na siya umasa pa. Sorry, biglaan lang kasi eh. 'Yun lang talaga ang naisip ko nung araw na nagalit siya dahil dun sa pictures natin sa truth or dare ng friends mo. Pero kasi.. sorry talaga beh. Pero tutulungan mo naman ako 'di ba?"

"Hayy nako beh. Ewan ko sa'yo. Pasalamat ka malakas ka sa'kin kaya kahit medyo ouchy, I'll help pa rin." sagot naman ni Marian. "Pero beh, gaya nga ng sabi ko, pinapaasa mo si Anne eh, imagine ha? Ilang araw lang before that incident, nung nandun tayong tatlo sa bahay niyo, 'di ba halos sumabog ka nung gustong sumama ni Anne sa lakad natin with Billy? Tapos ano? Puro ka pa 'I love you' sa kanya meron pa kayong kandungan na nalalaman at hindi lang 'yon, ginawa mo pa talagang profile picture, and lastly, 'yung kwento mong muntik na kayong maghalikan kung 'di lang dumating parents niyo. Ano ba talaga kasi Ana Karylle. Labo mo eh!"

Saglit naman na natigilan si Karylle at inalala ang mga insidenteng nabanggit ni Marian lalo na iyong pagkakataon na kamuntik na silang maghalikan ni Anne. Naalala niya pa nga ang eksaktong eksaktong nangyari noong panahong iyon.

"Karylle may tanong ako..."

"What?"

"Are you... are you falling for her?"

"Kanino?"

"With her. With Marian. Tell me honestly, do you already have feelings for her?" tanong ni Anne na ikinatawa lang ni Karylle

"Straight ako......yata. HAHAHA"

"Whatever" natatawang sabi ni Anne sabay hampas ng unan kay Karylle.

"Joke lang. Ikaw ba?"

"Anong ako?" kabadong tanong ni Anne. Naupo naman si Karylle at tintigan ang kapatid.

"Straight ka ba?" tanong ni Karylle habang nakahawak sa pisngi ni Anne. Pilit namang tumawa ang huli.

"Magpahinga ka na nga. Kung anu-ano na sinasabi mo eh" sambit ni Anne ngunit binalewala lang iyon ni Karylle at hinawakan sa magkabilang pisngi ang kapatid.

Forbidden LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz