Chapter 5: Sister

1.7K 65 4
                                    

"What do you want for breakfast sweetie?" tanong ni Karylle nang makababa si Anne. 

"Bakit ba ikaw ang nagluluto? May maid naman." sabi ni Anne at umupo sa dining chair habang naguunat.

"Bakit ba palagi mong sinasabi 'yan? Ayos lang naman talaga sa'kin eh. I used to do things on my own kahit na may kaya rin naman kami dati and...favorite ko kasi talaga na magluto eh. Sige na, what do you want?"

"Oo na oo na.. ang dami mo namang dada dyan!"

"So .. ano'ng gusto mo?"

Napangiti naman si Anne na tila ba may masamang balak.

"Egg will do."

"Okay then. do you want it hard boiled, fried or-"

"Hard boiled"

"How about rice? Fried rice?"

"Sige.. fried rice.. and hmm brown coffee please. I'll just take a bath" sabi ni Anne at muling umakyat sa kanyang kwarto

Nang makababa siya ay nakahain na nga kanyang agahan. Umupo siya sa dining at tiningnan nang masama si Karylle.

"Bakit nilangang itlog? I said I want a scrambled egg!"

"Pero Anne sabi mo-"

"Ano? And I said I want plain rice.. and black coffee! Kabaligtaran naman ng lahat ng sinabi ko yung ginawa mo eh! Ano ba naman 'yan!"

"Fine, ipagluluto nalang ulit kita"

Napabuntong hininga nalang si Karylle at sinusubukang pigilan ang inis niya kay Anne. Kukunin niya na sana yung pagkain na nakain sa mesa pero bago pa man din niya ginawa, tinulak ni Anne ang kanyang plato sa sahig. Nasayang tuloy ang pagkain. Nabasag pa ang plato.

"Sa school nalang ako kakain. Ayaw ko rin naman kumain ng luto mo. Ang pangit naman!" sabi ni Anne at iniwan si Karylle na naglilinis ng kalat niya.

~

"Seriously Anning... ang childish lang ng ginawa mong yun! Marami pa namang way para inisin si Karylle e. Tapos ganun ang ginawa mo."

"So kinakampihan mo siya?"

"Hindi sa ganun, Anne.. Tingnan mo, nagsayang ka pa ng pagkain para lang inisin siya! Ano ba naman 'yun!?"

"Marami naman kaming pera pambili ng bigas at itlog Vice"

"Kahit na.. hay nako Anne. Alam mo kung ako sa'yo, makikipagayos na ako kay Karylle. Ang bait kaya niya."

"What? Are you making friends with her? 'Di ba sabi ko-"

"Chill chill. Alam ko Anne.. kaya lang kasi, classmate ko pala siya sa isang major subject. Ang bait niya kasi tinuturuan niya ako. Imagine ha.. palagi kong binabagsak yung subject na yun pero tingin ko makakapasa na ako this time because of her help."

Napairap naman si Anne at hinampas ang mesa kahit na nasa library sila ngayon. Dali dali niyang iniwan si Vice magisa sa kinauupuan nila.

"Huy Anne! Wait!" sambit ni Vice na napakamot ulo nalang.

~

"Basta girl, pagpasensyahan mo na yung kaibigan kong 'yun ah? Eh ganun lang talaga yun.. may pagka-childish kung minsan" sabi ni Vice kay Karylle habang naglalakad sila sa lobby.

"Okay lang Vice. Gusto ko nga rin na mainis sa kanya kanina e. Pero gaya nga ng sabi ko, 'di ko siya susukuan." nakangiting sabi naman ni Karylle.

"Kung pwede lang ako makatulong, tutulong talaga ako para maging okay kayo eh. Kaya lang, mahirap talaga eh. Kanina nga lang kinukumbinsi ko siya na makipagayos sa'yo.. ayun nagalit.. nag-walkout bigla. Sana naiintinidhan mo rin yung kaibigan namin, 'di naman talaga ganun kadali 'yun e."

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon